KABANATA 13

235 16 9
                                    

Gavin's POV

Naging maayos ang trabaho naka ilang araw na din ako sa construction site bilang Laborer sakto lang naman kahit mabigat ang mga gawain kahit paano kayang-kaya pa ng katawan ko lalo na at may paaaralin na ako hmmm wala pa akong alam na pwede niyang pasukan tingin ko mamaya pag-uwi saka ako magsi-search ng mga College School na pwede doon kaya sa pinasukan ni Danica pwede kaya siya dun? Kaso Boarding School daw yon pero magandang may kakilala naman siya saka tiyak na matutuwa sila kung pareho sila ng pinasukan na paaralan.

“Topias.” Tawag sa akin ni Engineer.

Binaba ko ang buhat kong dalawang sakonng semento saka ako nagpagpag ng sarili ko bago ako lumapit sa kanya.

“Ma’am may kailangan po ba kayo?” Agad kong tanong ng makalapit ako.

“Maingay ang phone mo dun sa stock room kaya sinagot at nagalit ang Babae sa kabilang linya. Anak mo ba ‘yon kasi bigla akong binabaan may pagkabastos mukhang hindi mo naturuan ng tamang asal.”  taas kilay niyang saad.

Tumikhim ako at nagpagpag ng mga kamay ko hindi ko gusto ang tabas ng dila ng Engineer na ito ah.  “Ma’am wala pa ho  akong Anak yung sumagot sa inyo Girlfriend ko po iyon at hindi siya bastos normal lang na reaksyon ng isang Babae ang ginawa niya lalo ho at nananahimik ang cellphone ko dun sa loob ng bag ko ang tanong lang ho ay kung bakit n’yo pinakialaman ang gamit ko. Pasensya na ho kung pinagtatanggol ko ang Girlfriend ko natural lang na gawin ko ‘yon dahil nasa isang relasyon ho kami kung kabastusan ho sa inyo ang pagsagot ko wala ho akong magagawa may kontrata ho akong pinirmahan sa kumpanya kaya pagtyagaan n'yo na lang ho ang ugali ko ayoko ho kasi ng mga pakialamera.”

Sasagot pa sana si Engineer Atasha Gomez ng mag palakpakan ang mga kasamahan ko kaya sa sobrang hiya niya nagmartya na lamang siya pababa ng ginagawa naming Mall wow ha talagang umakyat siya dito sa fifth floor para lang sabihing pinakialaman niya ang cellphone ko. Naku tiyak na matinding suyuan na naman ito pag-uwi saan na naman kaya ako patutulugin ni Roanne?  Mga Babae nga naman ewan ko ba bakit kung kailan ako tumanda at nasa seryosong relasyon na eh saka sila umaaligid na parang bubuyog— ah tama! Ipapasyal ko na lang mamaya ang Baby ko para bawas tampo at dagdag pogi points!

“Ang galing mo dun Pare sinupalpal mo yung Engineer na ‘yon na akala mo kung sinong magsalita sobrang taray na wala naman sa lugar sa tinagal-tagal ko ng Construction worker dito naku kilala ko na yang Atasha Gomez na ‘yan mahilig ‘yan manira ng relasyon palibhasa maganda at may pinag-aralan at higit sa lahat mayaman kaya ikaw ‘wag kang papasilaw sa ganda ng isang ‘yon ikaw din marami ng nasira Kasal ang Babae ‘yon.”

Tinawanan ko lang ng malakas ang mga sinabi nito.  “Hindi ako Babaero kaya hindi siya uobra.”

Bumalik ako sa ginagawa ko binuhat kong muli ang dalawang sako ng semento siguradong masisermunan ako ng Foreman namin dahil natagalan ako sa pagdala ng mga ito.

Oras na para umuwi naglinis muna ako ng katawan ko gaya ng iba kanya-kanya kaming pila sa gripo bitbit ko ang hygiene kit na araw-araw na hinahanda ng Baby ko.

“Wow naman Pare mukhang maalaga ang Girlfriend mo ah.”  Kantyaw ng isa sa mga kasama ko sa trabaho.

Nagkibit-balikat ako.  “Kaya nga mahal ko ‘yon eh.”

“Yan tama ‘yan Sabado ngayon kaya sasabod tayo ano sama ka ba sa amin? Tiyak pagkakaguluhan ‘yang gandang lalaki mo.”

“Salamat na lang mga Pare meron na kasi akong lakad.”

“Yan ang sinasabi ko sa inyo gayahin n'yo si Gavin my boy hindi nilulustay ang perang pinagpaguran niya kaya tingnan nyo nga naman yung motor niya diba palong-palo sa ganda.”

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon