KABANATA 18

416 22 3
                                    

Atasha’s POV

“Nakakainis ang matabang iyon! Ang kapal ng mukha niyang ipahiya ako ng ganon sa harap mismo ni Topias! Ang kapal-kapal talaga ng mukha niya! Ang taba-taba kaya niya nakikita ba niya sarili niya sa salamin! Akala ata niya talagang hindi ko makukuha si Topias hello sa ganda at seksi kong ito talbog na siya sa akin!”  atungal ko habang palabas ng Compound ng ginagawang Mall wala namang ibang tao kundi ako lang naman at ang ilang mga Guard kaya ilalabas ko na ang inis ko!

“BW*SIT NA TABACHOY NA IYON!”  sigaw ko ng makalapit na ako sa kotse ko.

Napalundag ako ng biglang may tumikhim.

“Anak ka ng palaka!”. tili ko sabay hawak sa dibdib ko.

“Naku, Ma’am. Anak po ako ng Nanay ko hindi ng palaka.”. katwiran pa nito na lalong nagpadagdag ng inis ko!

“Bakit ka kasi nanggugulat Kuya!”. sabay irap ko bago ko buksan ang pinto ng kotse ko.

“E kanina ko pa ho kasi kayo tinatawag kaso hindi nyo ata ako naririnig kasi busy kayo habang kinakausap nyo ang sarili nyo eh—.”

“Anong kailangan n’yo?”  sabat ko sa pagsasalita nito.

“Itatanong ko lang po sana kung ano na pong gagawin namin dun sa kutson na pinalagay nyo dun sa CR saka sa mga pagkain na naroon… e baka naman po Ma’am pwedeng mahingi na lang po yung pagkain tutal mukhang hindi po nagamit yung kutson may bantay kasi si Topias.”  ngumisi pa ito na ikinairita ko lalo at naiisip ko ang naudlot kong plano! Kailangang maisakatuparan ko iyon hindi ako titigil hanggat hindi mo natitikm@n si Topias! Napakagat-labi ako habang inaalala ang mga muscles niya na talaga namang pamat@y!

Aba at talagang bumungisngis pa talaga itong si Manong ah! Naku nakakapanghigil lang talaga! Akala ng Topias na iyon kung makatawa siya kanina habang pinapahiya ako ng tabachoy na iyon talagang wagas ha! Humanda siya sa akin bukas pagpasok niya!

“Ah. Ma’am. Okay lang ho ba kayo?”

Agad kong binalingan ito.  “Oo! Masisisi nyo ba ako kung masyadong yummy ang Topias na ‘yon!”

Pareho kaming natigilan ni Manong Guard dahil sa sinabi ko hindi ko din akalaing masasabi ko yun ng malakas nakakahiya!

Alanganing ngumiti si Manong Guard.  “M-Ma’am sigurado lang ba kayo okay lang kayo?”

Tumikhim ako at patay malisyang inayos ko ang satili ko bago ako tuluyang umupos sa drivers seat.  “Oo, ayos lang ako. Sige na kainin nyo na lang ang mga pagkain.”

“E yung kutson po? Ipapakuha po ba namin dito kay Topias?”

Pinanlisikan ko ito ng mata kakagigil ‘tong Guard na ito ah!  “Hindi! Akin yun eh kaya doon nyo ilagay sa opisina ko!”  sabay kabig ko ng pinto pasara at paharurot kong
pinasibat ang kotse ko nakakaasar talaga!

***

Berting POV

“O anong sabi ni Ma’am?”  tanong ni Jess ng makalapit ako sa outpost namin.

Napailing ako.  “Naku tingin ko hindi naka-iskor si Engineer mukhang basted ata ni Topias eh.”

“Ay ganon ba, Berting. Ayos talaga si Ma’am ano talagang pwersahan kapag natipuhan niya ang Lalaki.”

“Ganon talaga mayaman eh saka liberated.”

“Asus Berting masmaganda yung kasama ni Topias medyo bata nga lang pero mas okay yun kesa sa Boss natin kahit chubby siya hindi nakakasawa yung mukha niya.”. puri ni Jess.

“Ang cute, noh.”

“Tama at yung ilong ang tangos mukhang may lahi ata saka hindi siya mataba ang tawag sa ganun chubby ang liit kaya ng bewang tapos ang bilog ng balakang at yung—.”

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon