KABANATA 22

170 10 0
                                    

Gavin's POV

Katatapos lang naming kumain at ako na rin ang nagpresentang maghugas ng mga pinagkainan namin para makapagbonding silang dalawa alam ko naman na namiss nila ang isa’t-isa.

“Wow! Talagang tuloy na ang Kasal nyo? Ang ganda ng naman ng isusuot ko! Salamat, One. Salamat din Tito Gavin.”

Tumango lang ako bilang sagot kay Danica.

“Buti at nagustuhan mo.”

“Syempre naman, One! Libre nyo na nga eh tatanggi pa ba ako saka ang mahal nito at talaga namang maganda eh excited na ako sa Friday!”

“Pwede mong isukat para malaman natin kung kailangan pang liiran kasi seksi ka eh.”

“Talaga pwede kong isukat?”

“Oo naman Dani.”

“Sige isusukat ko ito pero dapat ikaw din ah para patas tayo. Excited na talaga ako!”

Naaliw akong pinakikinggan sila habang nag-uusap lalo na ng pareho nilang isuot ang mga damit nila para sa darating na Byirnes.

“Wow! One ang ganda mo! Loka ka ikaw pala itong seksi eh tignan mo kaya sarili mo sa salamin namumutok ang dibdib mo! At ang liit ng bewang mo at ang balakang pamatay! Ang joray mo! Wala pa ako sa kalahati ng kaseksihan mo eh diba Tito Gavin!”  baling sa akin ni Danica habang pareho silang nakatayo sa harap ng malaking salamin na nakadikit sa pader ng bahay ko

Sumulyap din sa gawi ko si Roanne mukhang inaantay niya ang isasagot ko sa kaibigan niya.

Hinagod ko ng tingin si Roanne mabilog siya pero tama ang sinabi ni Danica at maswerte ako dahil ako ang una at magiging huling Lalaki sa buhay niya sisiguraduhin ko yan dahil kung sinuman ang nagbabalak na lumigaw sa kanya ay pipilayan ko kaagad aba ang tagal ko ata siyang inantay ha saka manhid na ang mga kamay ko kakasariling sik@p ko sa banyo tapos eeksena lang sila ano sila swerte talagang malilintikan sila sa akin kapag pinakialaman nila ang Baby ko— napaisip ako… Baby pala namin ni Dante!

Napangiti ako ng biglang nag-iwas ng tingin si Roanne.

“Ano na Tito Gavin?”

“Oo ang sarap pa niyang yakapin.”  sagot ko sabay ngisi.

Lalong namula ang mukha ni Roanne sige naman ang pang-aasar ni Danica talagang kilig na kilig itong unica ija ni Kuya Remus mabuti na rin na andito siya para may kausap  din si Roanne ilang araw na lang at pasukan na pero syempre mauuna munang maging Topias si Baby bago maging College buti na lamang at all gurls School iyon kaya makakahinganako ng maluwag kasi hindi mababaling sa masbata ang tingin ni Baby ko— tingin ko kapag nangyari yon baka magpakalunod na lang ako sa alak masakit kayang mabroken hearted lalo at First Girlfriend ko si Roanne! Wow hanep sa edad kong ito pang Lolo na nga kung tutuusin pero siya pa lang ang Girlfriend ko. Naiiling nanlang akong kumuha ng pamalit na damit bago pumasok ng banyo.

Isa-isa kong hinubad ang mga suot kong damit hanggang sa wala ng natira saka ako tumapat sa salamin na nasa likuran lang ng pinto hanggng bewang ko lang ang lake non pero kita ko pa rin ang kabuuan ko lalo na ang kambal ko sa pagitan ng mga hita ko naka ilang sulyap ako sa sarili ko sakto naman ang hubog ng katawan ko ah hindi naman nag-iba kahit tumanda na ako medyo halata lang ang mga ugat sa braso ko at sa kambal ko. Pinagmasdan ko ang mukha mo nagkaedad na nga ako kita na ang wrinkles sa noo ko may ilang piraso na rin akong puting buhok pero gwapo pa din syempre saka minahal naman ako ni Roanne kahit matanda na ako eh!

Pinagsasampal ko ang sarili ko tumigil lang ako ng maramdaman ko na ang sakit ng pinaggagagawa ko sa mukha ko.

“Bakit ba kasi yun ang nasa isip ko! Hindi ako ipagpapalit ni Roanne dahil kung sakaling mag karoon siya ng iba tiyak ko sa sarili kong iiyak ako! Mahal ko si Roanne. Nakaplano na ang lahat pagnagtapos na siya ng College saka ko aaminin kung ano ba talaga ako… kami nila Dante at kung bakit meron kaming mga bagay na mahirap ipaliwanag kaso ang problema matanggap kaya niya ako bilang ako… yung totoong Gavin Topias na nagtatago sa Maskara ng isang kilalang mamam@tay tao paano ko sasabihing lahat ng meron ako ngayon ay dahil sa dating ako noon… matatanggap kaya niya ako?

Matagal kong tinititgan ang sarili ko sa salamin. Paano kung bigla siyang matakot sa akin? Hindi naman siya gaya nila Victoria, Mona, Daisy, Beth at Caridad na alam ang tungkol sa nakaraan namin baka nga lumayo pa siya sakaling malaman niya na ang Gavin na tinitingala niya noon pa at pinangarap niyang maging Asawa ay isa palang mamam@tay tao… pero mga salot sa lipunan lang naman ang pinap@tay namin ang kaso kahit anong sabihin ko kahit saang anggulo mali pa rin.

Paano nga kaya kung biglang magbago sa akin si Roanne kapag nalaman niya ang tungkol sa nakaraan ko?

Isip ng magandang idadahilan Gavin mag-isip ka!

Ah! Tama!

Bakit nga ba ngayon ko lang naisip yon!

Sisiguraduhin kong magkakaroon ng laman ang tiyan ni Roanne! Bubuntisin ko siya para hindi niga ako iwanan pero kung lumayo pa rin siya atleast meron akong dahilan para habulin siya kasi meron kaming Anak at bilang Tatay syempre responsibilidad kong magprovide ng mga pangangailang ng Anak ko at isasama ko na din siya tapos saka ko siya liligawan! Tama hindi ko nga pala siya niligawan basta naging kami na lang bigla pagkatapos ng 18th Birthday niya.

Teka paano naman manligaw? Yung gaya ba kay Penelope? Pero hindi ko naman siya sinasabihan ng mga sweet words lalong hindi ko binalak na bilhan ng bulaklak ang isang yon basta hinahatid ko lang siya sa bahay nila tapos siya na itong nagsasabi na nililigawan ko siya kaya ako naman dahil sa gusto kong mabaling sa iba ang atensyon ko e sinakyan ko na lang ang trip niya kahit na ang totoo eh sa maliit at makulit na Roanne ako inlove kaso napakabata pa niya noon para ligawan ko naku nasalubong pa nga siya sakin noon sabay hingi ng piso at bibili daw siya sa Bayan kaya ako naman kahit pagod na ako ay isasama ko sila lahat sa Bayan gamit ang pick-up para lang mabili ang gusto ni Roanne at para syempre magpasikat na rin sa kanya. Naku Gavin ang harot mo talaga! Maligo ka na nga lang!

Pag-labas ko ng banyo tulog na ang dalawang makulit magkayakap sila sa kutson kaya ako natural sa maliit naming sofa ang bagsak ko. Tinuyo ko ang buhok ko saka ako pumuwesto sa higaan ko. Bukas nga pala may pasok na ako sa trabaho at magkikita na naman kami ni Engineer. Ano kayang pwede kong gawin sa isang iyon? Hindi ako interesado sa kanya kahit maghub@d pa siya sa harapan ko kasi yung guato ko ayun humihilik na at may tono pa! Ang cute. Teka nga. Kinuha ko ang cellphone ko para irecord ang hilik no Roanne saka ko iyon ginawang Ring tone.

“I love you, Baby ko. Sa Friday Topias ka na hindi ka na Mauro tiyak magwawala Papa mo baka kaladkarin niya ako agad dun sa nakareserce na hukaympara sa akin kaso sorry siya kasi masmatimbang ang nararamdaman ko para sayo kesa pananakot niya.”

Maingat ko siyang hinagkan sa pisngi saka ako bumalik sa pwesto ko.

“Makatulog na nga.”

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon