KABANATA 20

214 13 0
                                    

Roanne's POV

Hindi ako kumurap habang nabiyahe kami pauwi ng Cavite talagang nakasampa lang ako sa backseat ng taxi at matamang pinagmamasdan si Gavin ang gwapo talaga niya lalo tuloy akong naiinlove sa kanya paano ang perfect niya napaisip ako ng bigla kong maalala ang express card niya talagang pangmagan lang ‘yon hindi ka basta-bastang iisyuhan ng Bangko ng ganon card kung hindi umaabot ng milyones ang pera mo at mga gastos na kayang mong gawin tapos sabi pa niya hindi lang daw siya ang meron non kasi pati si Papa meron daw non at ganun din sina Tito Remus, Tito Rex, Tito Roger at si Tito Marcus— parang hindi ko naman napapansin kahit dati pa na meron silang Mansyon ah kung tutuusin sa Kubo lang kami nakatira pero meron kaming malawak na Solar panel field sa Tierra de Alas kaya hindi kami nawawalan ng kuryente tapos meron kaming Water tank na nasa gitna at ang laki nun doon nanggagaling ang tubig na ginagamit namin sa bawat bahay pero masgusto kong maligo sa poso kasi madalas dun naglalaba si Gavin kasama ang mga nililigawan pa lang niya pero kung makaasta akala mo Girlfriend kaya syempre dapat binabakuran ko ang akin kaya sorry na lang sila dahil masmatimbang ang kakyutan ko kesa kagandahan nila kapag gumulong na ako sa lupa tiyak wala ng kawala sa akin si Gavin kakasuyo at ‘yon ang pam@tay kong teknik!

“Baka matunaw si Tito Gavin kakatitig mo, One.”

Tumawa lang ako pero hindi ko inalis ang tingin ko sa Lalaking naka motor at nakabuntot sa taxing sinasakyan namin.

“Alam mo bang gumawa ng eksena si Pineapple nung nalaman niyang umalis ng Tierra yang Boyfriend mo at wala ka din.”

Nilingon ko si Danica.  “Anong klaseng eksena?”

“Na buntis daw siya at si Tito Gavin ang Ama kasama pa nga niya ang mga Magulang niya.”

“Ganon? Totoo ba?”  muli akong bumaling kay Gavin bahagyang kumirot ang puso ko sa sinabi ni Danica kung saka-sakaling totoo nga iyon hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“Hindi na sana siya papansinin ng mga Tito at Tita natin kaso kinaladkad niya sa kahihiyan ang pangalan mo kaya nagalit si Tito Dante.” hinayaan ko na lamang magsalita si Danica habang nakatanaw ako kay Gavin alam kong nakikita niya ako at kung sakaling masakit ang mga susunod na sasabihin sa akin ng kaibigan ko… gusto kong makita niya kung paano ako masaktan.

“A-anong ginawa ni Papa?”  kabado kong tanong alam kong nagiging marahas si Papa sa tuwing may kumakanti sa akin dahil ayaw niyang inaapi ako ng kahit na sino dahil Anak niya ako at hindi daw niya ako binuo sa loob ni Mama para lang pagtawanan at kutyain ng mga taong wala namang ambag sa buhay ko kaya simula ng makita nila kung paano magalit Papa wala ng naglakas loob na insultuhin ako dahil mataba ako at pandak natakot sila simula ng mahuli ni Papa sa akto kung paano ako pagkatuwaan ng mga kaklase ko hindi niya pwedeng saktan ang mga bata kaya hinamun niya ng one on one ang mga Tatay nila kapag napatumba niya ang mga iyon ib*b*tin niya ng patiw@rik sa puno ang mga Anak nila gaya ng ginawa nila sa akin sumang-ayon naman sila.

Anim laban sa isa takot na takot pa ako dahil ang lalaki ng katawan ng mga Tatay ng mga kaklase ko pero puro naman taba iyon hindi gaya ni Papa na siksik sa muscle.

Kampanteng nanonood lang si Mama at ang sabi pa niya  “Panoorin mo kung paano ka ipaglaban ng Papa mo wag na wag kang kukurap Roanne. Saglit lang yan at maririnig mo ang iyakan ng mga kaklase mong sumalbahe sayo.”

Tama nga si Mama saglit lang ang laban lahat ng kalaban ni Papa ay isa-isang bumulagta habang malakas na dumadaing kaya wala silang nagawa kundi ang ibigay ang mga Anak nila na nagbitin sa akin sa puno malapit sa dagat.  May batas si Papa na lagi niyang sinasabi sa aming lima bilang mga tagapagmana ng Tierra de Alas. ‘Mata sa mata, ngipin sa ngipin hindi ka pwedeng maawa sa kalaban mo kung gusto mong mabuhay sa Mundo' sa harap ng maraming tao pinatupad ni Papa ang prinsipyo niya kahit nagmakaawa pa ang mga Nanay nila binigyang hustisya ni Papa ang ginawa nila sa akin.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon