KABANATA 3

284 24 2
                                    

Dante's POV

“Tumahimik ka na Roanne kung ayaw mong magalit ako sayo ng tuluyan!”  Singhal ko sa nag-iisa kong Anak. Masakit para sa akin na nagkakaganito kami ngayon hanggat maaari gusto kong maging masaya ang Anak ko gaya ng Mama niya ang kaso bakit kay Gavin pa!

Ngayon alam ko na kung bakit masgusto niyang kasama lagi ang Tito Gavin niya kesa sa akin— posible kayang mangyari iyon na habang nagkaka-isip pa lang si Roanne ay alam na niya kung sino ang taong mamahalin niya?

“Tama na Dante. Tama na please… maawa ka naman sa Anak natin kahapon pa siya walang tigil sa kakaiyak baka mapaano na siya. Tumigil ka na utang na loob!”  pakiusap ni Misis.

Natigilan ako parang biglang nalusaw ang galit ko ng marinig kong magsalita ang Misis ko talagang si Victoria ang kahinaan ko.

Lumapit ako sa mag-ina ko kaso umiwas si Roanne ng yakapin ko sila nasaktan ako bilang Ama dahil natakot sa akin ang Anak ko. Pinilit kong abutin ang Anak ko saka ko siya niyakap ng mahigpit.

“M-mahal na mahal ka ni Papa ang tagal kong inantay na magkaroon ako ng sariling Pamilya hindi mo lang alam kung gaano ko kayo kamahal ng Mama mo. Ipinaglaban ko kayo Anak kahit buhay ko ang kapalit kasi gusto kong maging malaya kayo gusto kong maranasan n’yo yung buhay na walang kang ibang iisipin kundi ang maging masaya lang.”

Kumawala si Roanne at unti-unting umatras.  “Mahal ko po kayo ni Mama p-pero mahal ko din po si Tito Gavin b-bakit po parang ang hirap-hirap para sa inyo na tanggapin yon Papa.”

Umigting ang panga ko.  “Dahil kaibigan ko siya hindi mo ba naiintindihan yon ha Roanne! Matanda na si Gavin para maging Boyfriend mo! Magka-edaran lang kami parang Tatay mo na siya kung tutuusin bakit hindi mo kayang intindihin yun ha!”

“Dahil b*bo ako! Mahina kasi ang utak ko diba Papa!”

Napigil ko ang paghinga ko sa sinabing iyon ng Anak ko.

“Tama ako diba Papa. Alam kong dismayado kayo sa akin dahil hindi ako kasing talino ni Kuya Xeed at Monina at hindi ako kasing seksi ni Macbeth at Danica! Kahit hindi n’yo sabihin ramdam na ramdam ko po alam kong malayo po ako sa Anak na pinangarap nyo—.”

“Hindi totoo yan tanggap kita kung ano ka man. Mahal kita dahil Anak kita.”

Umiling si Roanne.   “K-kung mahal nyo po ako dapat hindi nyo po ‘yon ginawa kay Gavin. Papa. Sinaktan nyo po siya.”

“Sinamantala ka niya kaya ginawa ko lang ang tama bilang Ama mo bakit hindi ‘yon maintindihan.”

“Dahil ako po ang gumawa ng bagay na ‘yon Papa, lasing na lasing si Gavin kaya ko ‘yon nagawa dahil no choice po ako sabi niya sa akin dati na aalis siya pagkatapos ng 18th birthday ko— a-ang sakit po non sobra po k-kaya yun lang ang tanging paraan na alam ko para hindi po niya ako iiwan k-kaso pinaalis n’yo po siya. Higit kanino man mas kilala n’yo po siya dahil magkasama na kayo simula bata pa lang kayo. Papa so-sorry po sa ginawa ko pero mahal ko talaga siya.”  Tumalikod si Roanne saka nagmamadaling humakbang papasok ng Kubo.

“Tama na Dante.”  Awat sa akin ni Victoria.  “Dalaga na ang Anak natin h-hindi na siya bata may kakayahan na siyang mag desisyon para sa sarili niya, wala akong kinakampihan sa inyong dalawa dahil pareho ko kayong mahal kung sakaling man na seryoso siya kay Gavin wala akong nakikitang masam dun kasi kilala na natin si Gavin at mabuti siyang tao kesa mapunta ang Anak natin sa ibang Lalaki na sasaktan lang siya at babalewalain mas gugustuhin ko ng si Gavin ang makatuluyan niya.”

“Misis ko ang layo ng agwat ng edad nilang da—.”

“Bakit tayo 16 lang naman ako nung unang beses tayon ikasal diba.”  Katwiran ni Victoria.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon