KABANATA 36

307 14 9
                                    

Roanne's POV

Naging abala si Gavin sa bago niyang trabaho gamit ang big bike niya hay naku kahit na naiinis ako sa tuwing mga Babae ang nagbo-book ng ride sa kanya ay wala naman akong magagawa dahil kailangan na nga naming maka-ipon panigurado kasi na sa mga susunod na buwan e bibilog na itong tiyan ko kaya kailangan na namin ng maraming pera pambili ng mga pangangailangan namin ni Baby lalo na ang diaper.

Halos mag-iisang buwan na rin pala simula ng pumasok sa Salvacion Boarding School si Danica at regular naman siyang kumokontak sa akin at tuwing friday nga eh umuuwi siya dito sa munti naming bahay at nagba-bonding kami to the max.

“Misis ko aalis na ako may booking ako ngayon eh.” saka siya humalik sa noo ko.  “Uuwi din ako agad kapag naihatid ko na yung customer ko para may kasama ka dito mahirap na kasing mag-isa ka lang kahit may mga kaputbahay naman tayo masmaganda pa rin yung talagang may kasama ka dito saka para hindi rin ako mag-alala sayo.”

“Awww ang sweet mo naman palang Mister parang si Papa ka lang ah masyadong advance mag-isip.” nakangiting turan ko saka ako gumanti ng halik sa kanya. “Love kita ingat sa byahe ha saka ayokong nagpapa-cute ka sa iba ha dapat sa akin lang!”

Tumawa lang siya bago niya kinuha sa ibabaw ng istante ang helmet niya. “Hindi po ako ganun dahil wala sa aming apat ang cheater isa pa takot ko lang sa Papa mo baka nga ilibing nga niya ako ng buhay mayroon na nga raw akong hukay doon sa Tierra eh naku ayoko pang makipagkita kay San Pedro dahil gusto ko munang ma-enjoy ang pagiging Tatay ko.”

Sinundan ko siya palabas ng maliit naming garahe para isara ang gate.

Maingat na nilabas ni Gavin ang motor niya saka siya sumampa inayos muna niya ang helmet niya bago niya nirebolusyon ang makina nito kaya umingay ang pakigid namin sabay flying kiss niya bago tuluyang umandar para puntahan na ang nagbook sa kanya.

Sinara ko na ang gate mumi akong bumalik sa loob ng bahay kinuha ko ang laptop na binili ni Gavin para daw may mapaibangan ako saka ako nag-umpisa sa pagtipa ng mga letra para sa sinusulat kong nobela gaya ng idol kong si Chan zee, halos kalahating oras din ako sa ginagawa ko ng tumunog ang cellphone ko may nag-chat. Kinuha ko iyon saka binasa.

Si Danica.

Danica (recieved)
One tulungan mo ako!

Kinabaha ako sa nabasa ko kaya agad kong dinayal ng numero ni Danica. Nag-ring ito ng isang beses at agad naman niyang sinagot.

“ONE TULUNGAN MO AKO HINAHABOL NILA AKO!” sigaw ni Danica sa kabilang linya kaya dumagundong na ang kaba ko.

“Sinong humahabol sayo?!”

“H-HINDI KO KILALA NASA SALVACION AKO SA UNDERGROUND—.”

Naputol ang pagsasalita ni Danica kasabay ng makatindig balahibong sigaw niya. Siguradong may nangyayari sa kaibigan ko!

“DANICA! DANICA! HINDI NAKAKATAWANG BIRO ITO HA!” pero hindi na siya sumagot tanging hiyaw lamang niya ang naririnig ko hanggang sa maglaho ang boses niya.

“DANICA!!!” sigaw ko hanggang namatay ang kabilang linya.

Paulit-ulit kong dinayal ang numero niya kaso cannot be reached na kaya si Gavin na ang tinawagan ko hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya kung anong nangyari. Nanginginig ang kamay ko habang nakatutok sa akin ang camera ng cellphone.

Dalawang ring lang at sinagot naman agad ni Gavin.

“Ma, napatawag ka?” nakasuot pa siya ng helmet niya ngunit kita ko ang pag-aalala na rumihistro sa mukha niya ng matitigan akong mabuti saka niya itinabi sa gilid ng kalsada ang motor.  “Ma, umiiyak ka ba?”

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon