KABANATA 6

349 19 2
                                    

Gavin's POV

Maayos naman akong nakarating sa sinabing address pinarada ko ang big bike ko sa tapat ng magargong mansion saka ko binitbit ang helmet ko at naglakad palapit sa malaking gate.

“Excuse me po, Boss.”  Pukaw ko sa atensyon ng Gwardiya na nagbabantay.

Ninilingon ako nito.  “Yes, Sir may kailangan ho ba kayo?”. Magalang nitong turan.

Tumango ako.  “Opo ako po si Gavin Topias yung nag-a-apply pong Bodyguard ngayon po kasi ako pinapupunta para sa interview.”

“Ah.”  Saka ako nito pinasadahan ng tingin kayankahit naiilang ako ay peke akong ngumiti. Tumikhim pa si Kuya Guard bago nito buksan ang gate.  “Sige pasok ka lang ira-radyo ko lang muna sa loob para sunduin ka nila dito.”. Pagbibigay alam nito.

“Okay ho. Mukhang bigatin po ata ang magiging Amo ko king sakali.”

Tumawa ito.  “Oo naman si Miss Tiffany Smiths kaya ang magiging Amo mo kung
makakapasa ka kaso sa tingin ko siguradong pasado ka sa gwapo mong yan.”. Sabay tapik nito sa balikat ko.

Dumistansya ng konti si Kuya Guard saka nagradyo maya-maya pa ay may lumabas na lalaking nakasuot ng kulay itim na polo shirts at pants siguro uniform nila yon, huminto ito sa harapan naming dalawa ni Kuya Guard saka ako tinapunan ng tingin.

“Siya ba?”  Tanong ng bagong dating.

“Oo. Isama mo na mukha namang makakapasa yan eh sa itsura pa lang palaban na eh.”  Sagot ni Kuya Guard.

Bumaling sa akin ang Lalaki mukha siyang nakakatakot pero toyak ko naman na kaya ko siyang patumbahin.  “Anong pangalan mo?”

“Gavin Topias po.”

Pinasadahan din niya ako ng tingin.

“Gavin Topias. Pangmayaman ah! Single ka pa ba?”  Napa-isip ako sa tanong niya yun na kaya ang interview o charrot lang? May ganun?

“Bakit hindi ka sumagot?” Tinapik pa niya ako sa balikat ko aba dinadaan na ako nito sa pisikalan ah ooopps kalma lang Vin kailangan mo ng trabaho para mabuhayo si Roanne alalahanin mong hobby niyang kumain ng marami champion in boodle fight ang Baby mo ha kaya kalma lang.

Seryosong tinitigan ko ito bago ako ngumiti.  “Meron ho akong liv3-in p@rtner, Sir.”

“Liv3-in p@rtner huh. Okay sumunod ka sa akin susubukan ko  muna ang tibay mo bago mo makuha ang trabaho.”

Humakbang na ito kaya sinundan ko lang siya malawak ang bakuran ng mansion may mga naglalakihang puno sa paligid kaya presko ang hangin aba iba talaga ang mayayaman ang alam sikat na Artista si Tiffany Smiths at kumakanta din siya kaso galante kaya siyang Amo?

“O andito na tayo.”  Sabay hinto nito sa nakasaradong pinto. Nilingon niya ako.  “May ilan akong tauhan sa loob sila ang susubok sa tatag mo at kung hanggang saan ka aabot kapag nakapasa ka o di makukuha mo ang trabaho pero kung bumagsak ka o di wala kang makukuha. Ano game ka na ba?”

Ngumisi ako sabay tango madali lang naman pala ang dapat kong gawin eh para pipilayan mo lang pala sila lahat ayos saglit lang ito para makauwi din ng maaga tiyak na inaantay na niya ako.

“Hmp!”  Saka nito binuksan ang pinto tumambad sa akin ang grupo ng kalalakihan na puro armado.

Ayos to ah buhay na naman ang tunay na ako.

“Mamili ka diyan kung ano ang gusto mo.”  Turo nito sa mga nakalatad ng gamit na pang self defense.

Humakbang ako pasulong saka ko kinuha ang panyo ko sa bulsa at pinulupot iyon sa kanan kong kamao.  “Okay na ako dito, Sir. Sino ba ang susugod ako ba o sila?”

Sumenyas ang Lalaking kausap ko kaya isa-isang umatake ang mga tauhan nito sa una sige lang ang iwas ko warm up muna syempre!

“Ano hanggang iwas ka na lang ba?”  Biglang sigaw ng Lalaki.

Ay ganon. Huminto ako isang hakbang patalikod saka ako sumugod bahala na ang sabi kailangan ipakita ko ang galing ko para makuha ko ang trabaho pwes pipilayan ko silang lahat!

Talagang malutong na daing ang kasunod kada lapat ng kam@o ko sa mukha ng mga katunggali ko sabay bulagta sa sementadong sahig sige tutal pwede ko silang bali@n ng buto o di lulubusin ko na!

***

Tiffany's POV

“Nasaan nga pala si Marlon? Nakipag date na naman ba ang Lalaking ‘yon ha?” Mataray kong tanong ng hindi ko mapansin ang Head of Bodyguard ko.

“Naku, Ma’am nasa bodega po si Marlon meron po kasing baging aplikante para sa posisyon ng Bodyguard para po dagdag sa siguridad ninyo.”

Tumaas ang isang kilay ko.  “Ganon ba hmmm okay gusto kong makita yung initiation nila ayoko pa naman ng lampa.”

“Okay po Ma’am sasamahan ko na po kayo.” 

May kalayuan ang bodega pero rinig ko na ang malakas na palahaw ng mga Lalaki baka nag-umpisa na sila kaya lalo kong binilisan ang paglakad ko para makita kung sino ang dehado at kung sino ang talunan. Nasa tapat na ako ng naka saradong pinto ng isang di pamilyar na hasik ang narinig ko biglang bumilis ang pintig ng puso ko kaya dali-dali kong binuksan ang pinto.

Parang slow motion ang lahat naroon sa gitna ang Lalaking nakasuot ng itim na t-shirt at kupas na maong habang hawak nito sa le3g ang isa sa mga Bodyguard ko na nagsilbing sparring partner niya para mapatunayan ang lakas at bilis niya.

Napaatras ako ng bigla siyang lumingon sa direksyon ko nanlilisik ang mga mata siya na bumagay naman sa kanya sa tantya ko nasa mid 40’s na ata siya napalunok laway ako ng matitigan ang braso niya na maugat-ugat pa isang katangian ng lalaki na gustong-gusto ko!

“Miss Tiffany.”. Tawag ni Marlon ang Head of Bodyguards ko.

Nanatili ang mga mata ko sa mala-diyos na lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko sa dinami-rami ng artistang naka-loveteam ko mukhang wala akong maikukumpara sa kanya. Binitiwan niya ang le3g ng hawak niyang lalaki kaya bumulagta iyon sa paanan niya habang siya namana ay cool lang na nagpunas ng pawis sa noo saka tumingin sa akin at yumuko bilang paggalang.

Diyos ko! Gusto ko siya! Simula sa araw na ito Bodyguard ko na siya at pwede ring Lover sigurado naman akong hindi niya ako tatanggihan, sino bang tatanggi sa isang Tiffany Smiths kaya maswerte siya dahil natipuhan ko siya.

Lumapit sa akin si Marlon saka pinakilala ang lalaking kaharap ko.  “Miss Tiffany siya na po ang bago nyong Bodyguard at magsisimula po siya ngayong araw kaya bibigyan ko po muna siya ng uniform niya.”

May kinuha ang lalaki sa bulsa niya ng merong tumunog cellphone pala saka binasa ang mensahe saka ito ngumiti na lalong nagpadagdag ng paghanga ko sa kanya. Tinawag siya ni Marlon kaya agad siyang lumapit bitbit ng malaking kamay nito ang cellphone naka-ilaw pa ang screen non kaya kita ko ang wallpaper niya, siya at may kasama siyang batang babae na tingin ko teenager mukhang may Anak na pala siya di bale payag naman akong maging stepmom ng Anak niya basta ba maging mabait lang siyang bata.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon