KABANATA 7

192 8 0
                                    

Gavin's POV

Maganda pala sa personal si Tiffany akala ko hanggang tv lang ang mala dyosa niyang mukha pinakilala ako ni Marlon sa kanya kaya bilang paggalang ay yumuko ako.

“Gavin Topias po Ma’am at your service.”  Turan ko.

“O di ba Ma’am magaling ako kumilatis ng magiging Personal Bodyguard n'yo bukod sa magalang na itong si Topias eh talagang pangmalakasan kita n'yo naman bali ang buto nilang lahat.”  Pagmamalaki nito.

Malagkit akong tinitigan mula ulo hanggang paa ng bago kong Amo sabay taas ng kilat.   “Ilang taon ka na, Topias?”

“Forty-six po, Ma’am.”

“Really? But you looked younger than your age.”  Humakbang ito at naglakad paikot sa akin.

“Napaka-fit mo naman para sa isang forty-six years old hmmm how about your civil status? Are you married?”

Hay naku sabi ko na nga ba showbiz nga naman pati personal na buhay gusto guluhin.

Tumikhim ako.  “Single pa po ako Ma’am peroeron na po akong kinakasama at nasa bahay ko po siya nakatira.”  Paglilinaw ko.

Bigla itong natigilan saka maang na napatitig sa akin habang walang pakundanagn na tuwa ng malakas si Marlon siguro matagala na siya sa serbisyo kaya wala na siyang takot sa Amo niya.

“Tinatawanan mo ba ako?”  Baling niya kay Marlon.

“Ha?”  Mabilis itong umiling saka pinigil ang pagtawa.  “Syempre hindi medyo lang naman kasi yung itsura mo kasi mukha kang natalo sa bidding eh—.”

“So tinatawanan mo talaga ako ha pasalamat ka at malayo kitang kamag-anak dahil kung hindi matagal na kitang sinisante! Kala mo kung sino makatawa. Bigyan mo na lang kaya si Topias ng uniform para makapag-umpisa.”

Tumalikod si Marlon at pinagpatuloy ang pagtawa kaya nilapitan siya ni Miss Tiffany at sa inis nito kinuha nito ang suot na cloth slippers saka ipinalo ng malakas sa ulo ng Pinsan automatic na nawala sa ere ang halakhak nito sabay sapo sa bunbunan saka nagmartsa paalis ang Amo ko.

“Taray. Masamit ‘yon ha!”  Atungal ni Marlon bago ako binalingan.  “Halika Topias sumunod ka sa akin ipapakita ko sayo kung saan yung barracks natin dito.”

Tahimik lamang akong naglakad kasunod ni Marlon hanggang marating namin ang sinasabi niyang barracks may kalakihang bahay din iyon at dito daw nakatira lahat Bodyguard ni Miss Tiffany.

“O ito ang mga uniform mo gaya ng iba pitong set yan saka halika.”  Muli siyang naglakad paakyat ng hagdan kaya sumunod ako bitbit ang mga uniform na gagamitin ko. Huminto kami sa isang saradong pinto, may dinukot ito sa bulsa.  “O heto ang susi.”

Nilahad ko ang kamay ko kahit hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin.

“Sige na magpalit ka na ng unifom mo dahil ito ang unang araw mo sa trabaho mo at ito naman ang magsisilbi mong kwarto.” 

“Kwarto?”

“Oo. Bakit ayaw mo ba?”

“Pwede ba akong stay-out?”

“Paano kung sabihin kong hindi pwede?”

Walang salitang ibinalik ko sa kanya ang hawak kong mga uniform ganun din ang susi ng kwarto.

“T-teka hoy, bakit mo binabalik?”

“Stay-out kasi ang hanap kong trabaho kung hindi naman pala pwede o di wag na lang po Sir.”. Umakma akong tatalikod ng pigilan niya ako.

“Grabe naman hindi na mabiro, omay sige stay out ka na kaso bala gabihin tayo ngayon dahil medyoalakong event ang pupuntahan ng Amo natin alam mo na kapag Artista / Model maraming raket.”

Tumango lamang ako saka ko muling kinuha ang hawak nitong mga uniform.

“Good choice wag kang mag-alala dahil galante magbayad ang Amo natin.”  Saka siya humakbang palayo.

Habol ko na lamang siya ng tingin. Galante? Hmp, kailangan ko lang ng prompt na trabaho para hindi halata lalo at walang alam si Roanne tungkol sa tunay na ako ayoko siyang mabigla dahil tiyak na matatakot siya sa akin kapag nagkataon at ayokong mangyari iyon. Pumasok ako sa magsisilbi ko daw na kwarto habang nagse-serbisyong Bodyguard kay Tiffany. Dinonol tsek ko muna lahat kung merong hidden camera sakto namang wala kaya agad akong nagpalit ng uniporme ko saka ko maayos na tinupi ang pinaghubaran kong mga damit at nilagay iyon sa ibabaw ng double size bed sinipat ko ang sarili ko sa Lifesize na salamin sakto lang ang white long sleeve na binigay sa akin ni Marlon saka ko iyon tinernuhan ng casual suit jacket at itim na slacks na sakto naman sa akin ang sukat buti at hindi nila naiisipang bigyan kami ng kurbata kaya hinayaan ko na lamang na nakabukas ang dalawang butones ng suot kong long sleeves sakto din na naka sneakers ako kahit paano hindi alangan sa suot ko ngayon.

Lumabas na ako ng kwarto saka ako dumeretso sa baba naroon na ang ibang mga Bodyguard marami palang tagabantay si Miss Tiffany ah sabay sikat siya at anak mayaman pa.

***

Nagkanya-kanya na kami ng papunta sa nakaparadang kotse hindi ko na pinasok pa sa gate ang bigbike ko tutal may mga CCTV naman sa paligid at walang maglalakas ng loob na nakawin iyon, subukan lang nila kung kaya nila.

“O pogi hindi ka dito.” Pigil sa akin ng kapwa ko Bodyguard ng akmang papasok na ako sa loob ng itim na kotse.

“Topias, dito ka sa kotse ni Ma’am.” Tawag sa akin ni Marlon ang Head ng mga Bodyguard.

“Ang swerte mo Topias mukhang kursunada ka ng Amo natin eh.”  Usal nito bago kabigin pasara ang pinto ng kotse kaya napaatras ako. Aba at may pagka barumbado ang isang ito ah. Nasundan ko na lamang ng tingin ang sasakyang lulan ng mga ito.

“Psst Topias ano ka ba halika na dito pag bubuksan mo lagi si Ma’am Tiffany  ng pinto ng kotse at ipagsasara ha kasi isa yon sa magiging trabaho mo.”  Malakas na turan nito kaya nagmadali akong humakbang palapit sa kanya saka ako tumayo sa tabi ng pinto kung saan daw uupo si Miss Tiffany.

Ilang minuto din kaming nag-antay ng lumabas na ito ng mansion talagang kahit sino hahanga sa ganda at alindog niya bilang Artista maliban na lang siguro sa akin dahil may Roanne na ako at kahit chubby siya hinding-hindi ko siya ipagpapalit sa ibang Babae hindi ko sasayangin anh effort niya para lang makasama ako ngayon.

Ngumiti sa akin si Miss Tiffany ng huminto ito sa tapat ko at inantay akong mapagbuksan siya ng pinto nagulat ako ng bigla siyang humakbang habang nakahawak pa ako sa pinto ng kotse kaya agad kong binawi ang braso ko para makadaan siya.

“Sorry, Ma’am.”

Ngumiti lang ito saka pumasok sa loob ng sasakyan habang sa passenger naman ako umupo nagkatitigan pa kami nito sa rearview mirror isang malagkit na titig ang pinukol niya sa akin siguro akala niya naaakit niya ako pwes akala niya lang yon!

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon