KABANATA 11

222 15 5
                                    

Gavin's POV

Tahimik lamang si Roanne ng maka-uwi kami ng bahay akala siguro niya dinamdam ko ang pagre-resign ko sa trabaho kahit wala yon kaya ko siyang buhayin ang kailangan ko lang naman ay yung meron lang siyang makitang pinagkukunan ko ng pera para hindi siya magtaka. Ano kayang reaksyon niya kung sakaling malaman niya kung ano talaga kami dati ng Papa niya?

"Gavin."

"Hmmm?" habang isa-isa kong hinubad ang suot kong uniform.

"Sorry ulit ha e kung umuwi na lang kaya ako sa Tierra."

Natigilan ako sa pagkalas ng sinturon ko sa huling tinuran nito agad akong lumapit para yakapin siya mula sa likod sabay yuko ko para hagkan siya sa bunbunan saka ko pinatong ang baba ko. "Roanne, trabaho lang yung nawala sa akin pwede pa naman akong humanap ng trabaho bukas kaya wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano okay."

"N-nakakahiya kasi ang nangyari kanina ang daming tao tapos gumawa pa ako ng eksena siguro kung nanahimik na lang ako sa Tierra gaya ng gusto ni Papa baka hindi ka sana nalagay sa kahihiyan tapos tinawag pa nila akong Baboy sabagay tama naman sila kasi ang taba-taba ko eh parang ang awkward na ako ang Girlfriend mo diba."

"Hmmm?"

"Siguradong kinahihiya mo ako ayaw mo lang sabihin kasi natatakot ka kay Papa. Uuwi na lang ako Gavin." dagdag pa niya.

"Tapos na bang magdrama ang Baby ko?"
Humigpit ang yakap ko sa kanya ng sinubukan niyang kumawala sa mga bisig ko. "Shhhh, Roanne kahit kailan hindi kita kinahiya mahal kita kung sa tingin ng iba eh hindi tayo bagay pwes wala akong pakialam hindi naman sila ang balak kong pakasalan kundi ikaw at tungkol sa pagiging mataba mo ayos lang sa akin ang sarap mo ngang yakapin eh saka nagbabago ang anyo ng bawat tao habang nag kakaedad pero hindi ang damdamin tandaan mo iyan mamahalin kita kahit tumaba ka pa ng husto."

"Tinawag nila akong Baboy eh." Maktol niya.

"Cute na Baboy ni Gavin yan ang isasagot mo kapag merong tumawag uli sayo ng ganon ha kasi sa mundo talagang hindi lahat ng tao e aayon sa gusto natin kaya sa halip na magmukmok ka ipakita mo sa kanila na kakaiba ka para next time mag-aalangan na silang sabihin uli sato ang bagay na 'yon."

Tumigil sa pagpupumiglas si Roanne saka umikot paharap sa akin. "Cute ba talaga ako para sayo Gavin?"

Napangiti ako heto na naman ang anxiety ng munti kong nobya. "Alam mo Baby ko ang dami kong nakilalang babae na mas maganda pa kay Tiffany at mas sexy sa kanya pero sa dami nila ni minsan wala akong niligawan sa kanila kahit niyakap wala kahit itanong mo pa sa Papa mo. Pareho kami ni Tito Roger mo ang kaibahan lang namin eh mahilig makipagharutan ang isang yun pero hindi siya nagkaroon ng karelasyon gaya ko hindi gaya ni Tito Rex mo at ng Papa mo na kaliwa't kanan ang mga Babae paano sila naman kasi ang lumalapit eh nagbago lang si Dante nung makilala niya ang Mama mo."

Nanginginig ang mga mata ni Roanne. "Talaga? Alam mo kung paano nagkakilala sina Mama at Papa? Wala kasi silang kwenekwento sa akin tungkol sa lovestory nila eh, paano nga ba sila nagkakilala? Tumutol din kaya ang mga Lolo at Lola ko?"

"H-ha? Ah- eh parang wala na akong sa totoong topic natin diba s-saka mas magandang sila na lang ang magkwento non sayo p-para iwas tsismis diba." Naku kamuntik na ako! Wala nga palang alam si Roanne kung paano nagkakilala ang mga Magulang niya alangan namang sabihing kong kami ang binayaran para p@t*yin ang Lolo niya at wala sa plano na pakasalan ni Dante ang Mama niya dahil ang alam namin walang Anak ang target namin ayon pala meron talagang itinago lang niya mula sa Organisasyon alam ng matandang Dela Faz na pakikialaman ng Konseho ang Anak niya sa oras na malaman nila na nag-e-exist ito kaya siguro nilihim na lamang niya ang lahat kahit sa testamento ng mga ari-arian niya walang Victoria Dela Faz na nagmarka.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon