KABANATA 24

237 15 2
                                    

Gavin's POV

Sumapit na ang pinakikintay ko. Ilang araw na rin pala simula ng umalis ako sa trabaho ko at hindi pa iyon alam ni Roanne ayoko kasing mag-alala siya pero nakahanap na rin naman ako ng ibang trabaho ayos naman ang pasahod at madali lang naman kaya go na ako kesa magtaka sita kunh saan ko kinukuha ang pera ko kung wala akong trabaho man lang.

Sa Lunes pa naman ang simula ko bilang HappyRide delivery Rider kaya maihahatid ko pa sila sa Boarding School nila sa Linggo… kaya ko kaya na hindi ko makakatabi ang Baby ko?

“Wow napakaganda mo, One!” tili ni Danica matapos niya ayusan ang Baby ko habang ako abalang tinutupi hanggang siko ko ang sleeves ng suot kong long sleeve polo shirts.

Nilingon ko silang dalawa ang cute nilang tignan dahil pareho silang nakasulampak lang sa sahig habang nag-aayos ng mga mukha nila. Ilang oras na lang at Mrs. Topias na si Roanne… saka ko na lang sasabihin kay Dante na iba na ang Apilyedo ng Anak niya para iwas pusoy bala mailibing ako agad kawawa naman si Misis mabubyuda agad.

“Baka naman mukha akong nangamatis na Baboy niyan ha, Dani. Baka pagtawanan lang ako dun sa Munisipyo ha nakakahiya.”  mahinang atungal ni Roanne first time nga pala niyang mag-makeup kaya siguro diskumpyado siya tapos ayaw pa ni Danica na paharapin siya sa salamin habang inaayusan siya.

“Naku, One! Sabi ko sayo hindi ka Baboy malusog ka lang kasi maganda ang pagpapalaki sayo nila Tita Victoria puro gulay ba naman ipakain sayo diba saka ano ka ba ang seksi mo inshort yummy! Diba Tito Gavin?”

Aba talagang naisingit pa ako sa usapan nila ah. Natigilan ako ng lingunin ako ni Roanne.

“Kitam siguro ang pangit ko kasi ni hindi ka kumikibo diyan Gavin.”  maktol nito sabay baling kay Danica.  “Burahin mo na nga itong nilagay mo sa mukha ko!”

“Ay, hala siya ikakasal ka ngayong araw tapos ataw mong magmakeup? Ano ka ba kaya tulala yang si Tito Gavin kasi bukod sa ang yummy mo sa paningin niya eh talagang ang ganda mo pala talaga kapag naayusan, One!”

Inalalayan siyang makatayo ni Danica saka sila sabay na tumapat sa salamin.

“Wow… ako ba ‘yan?”  hindi makapaniwalang tanong ni Roanne habang titig na titig sa sariling repleksyon.

“Yes friend ikaw ‘yan at ako naman yung isa tignan mo mabilog ka lang pero palaban hubog mo kaloka! Bagay sayo ang White dress mo ang yummy mo talaga!”  muking bumaling sa akin si Danica.  “Diba Tito Gavin.”

Tumikhim ako. Iniwan kong nakabukad ang dalawang butones ng polo shirts na suot ko saka ako humakbang palapit sa kanila at huminto sa likuran ni Roanne na titig na titig din sa akin.  “Nagpa-reserved ako ng dalawang kwarto sa Juno Hotel.”

“AAAYYYIIIIEEEE ane be nemen kilig naman aketch pati akoay sariling kwarto sa Hotel awww… inggit naman si ako!”

Nag-iwas ng tingin si Roanne kaya natawa ako.

“Danica naman para kang ewan ang pabebe mo naman eh umayos ka nga nakakahiya!” saway nito sa kaibigan.

“Anong nakakahiya dun? Normal lang yon kasi magha-honeymoon kayo para maging Lolo na si Tito Dante at Lola na si Tita Victoria naku excited much sa unang Apo ng Tierra— Arrraaaayyyy! Naman One nananabunot ka naman ang hirap kayang ayusin itong buhok ko.”

“Nakakaasar ka kasi eh wala pa nga pinagugunahan mo na.” natawa ako sa sagot ng Baby ko pero masaya ako na gusto niya rin pala na magkaroon na kami ng Anak hmmm kaso mag-aaral pa siya eh.

Kinuha ko na ang dalawang backpack.  “Asa labas na ang rent a car na maghahatid sa atin sa Munisipyo hindi naman kasi pwedeng nakamotor tayo hindi tayo kasya. Meron ka na bang pamalit na damit mo Danica?”

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon