KABANATA 38

193 24 9
                                    

Gavin's POV

Sige ang tawa ko sa itsura ni Roger talagang kahit kailan hindi mo makakausap ng matino ang isang ito.

Malayo na rin kami sa Tierra, ilang minuto pa at nasa Luzon na kami para kunin si Danica.

“Naku, Roger wish you luck diyan sa sandok ni Mona dahil kapag nabali mo ‘yan lagot ka dun sa Misis mo!” buska ni Rex.

Ngumuso si Roger. “Hindi ko naman ‘to babaliin mga Pare saka kung mabali ko man o di bibilhan ko na lang siya ng bago.”  ngumisi pa ito ng nakakaloko. “Basta tapusin agad natin ang lakad natin ha namiss ko agad si Mona.”

“Asus e kung sipain kaya kita para malaglag ka at mauna ka ng umuwi ha.” si Dante na hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi syempre dahil umuwi na rin ang unica iha niya na siyang Asawa ko.

Tumawa lang ng malakas si Roger saka sumandal sa gilid ng helicopter.

“Seryosong usapan mga Pare. Wala ba tayong iiiwang buhay.” habang sige ang hampas nito ng hawak na sandok akala mo talagang nasa combat mode na ang loko.

“Dinali nila ang Anak ko kaya lalagutan ko sila ng hininga baka umiiyak na sa takot ngayon si Danica ko! Put*ng in* lang talaga! Papat*yin ko silang lahat pati ang may-ari ng Salvacion Boarding School isasama ko na rin sa listahan wala akong palalagpasin kahit Babae basta kalaman dudukutin ko ang puso niya!” gigil na angil ni Kuya Remus.

“Yun ang gusto ko! Basta ipatitikim ko sa kanila ang gulpi de bukol ko para matikman nila ang bagsik ng technique ng Misis ko tingnan ko lang kung hindi maging oblong ang mga ulo nila!”

“Siguraduhin mo lang Roger na mamimilipit sila sa bawat hampas mo.” dagdag pa ni Kuya Remus alam kong nagtitimpi lang siya pero ramdam namin ang aura niya bilang Payaso mukhang magbabalik na ang kinatatakutang Berdugo ni Supremo.

Ngumisi si Roger. “Don't worry Kuya Remus paluluhurin natin sila sa paanan ng Prinsesa mo bago natin tud*sin.”

Napailing ako talagang pagdating sa karahasan napakagaling mag-isip ni Roger infairness gumagana ng matino ang utak niya.

“Malapit na tayo sa Rezhan Airbase mga Boss.” malakas na turan ng Piloto.

Nilingon ko ito. “Di po ba dapat sa Villamor Airbase tayo lalapag?”

Umiling ito. “Nagpadala ng mensahe si Agent Larry Razon na importanteng package daw ang dala ko kaya hindi dapat makita ng mga tao.”

Hindi ko siya na gets ganun din sila Dante kaya naalerto kami mahigpit kong hinawakan ang matalim kong itak kung sakaling may mangyari makabawi man lang kami.

Tumikhim ang Piloto saka muling nagsalita. “Kayo ang Blank Cards diba at isa sa inyo ang Payaso ni Supremo alam nyo hindi ko kayo kilala ng personal kaya nagulat ako sa mensahe ni Agent Razon isa pa may tiwala ako sa kanya at kung iniingatan niya kayo isa lang ang ibig sabihin non na mabuti kayong tao nagkataon lang na kailangan nyong gumawa ng mali para mabuhay saka nakita ko naman kung gaano kayo kamahal ng mga pamilya nyo kaya makaka-asa kayong ligtas ang sekreto nyo sa amin ng partner ko.”

Nagkatinginan kaming lima.

“Salamat po.” Sambit ni Rex.

“Wala iyon.” At muli nitong tinuon ang pansin sa pagpapalipad ng Helicopter.

“Basta walang ititirang buhay.” bulong ni Dante saka ito sumandal sa kinauupuan relax muna kami ngayon dahil mamaya pagtapak namin sa lupa tiyak na madidiligan ng dugo ang bakuran ng Salvacion.

***

Roanne's POV

“Mama sorry po.” sambit ko ng bigyan ako ni Mama isang basong tubig para kumalma ako. Umupo si Mama sa tabi ko iniwan niyang bukas ang pinto ng kwarto ni Tita Caridad para nasisilip namin siya habang nakahiga sa kama at walang malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 4 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon