KABANATA 23

161 11 0
                                    

Gavin’s POV

Maaga akong umalis bahay binilinan ko ang dalawa na kung mamamasyal ay wag na wag lalayo dahil meron namang malapit na Mall nag-iwan na rin ako ng panggatos at sana sundin nila ako dahil tiyak na makakatikim ako sa mga Tatay nila sakaling may mangyaring hindi maganda.

Dumeretso na ako sa Locker room namin para magpakit ng damit nilagay sa loob ng Locker ko ang helmet at dala kong bag nag-chat muna ako kay Roanne bago ko itago sa loob ang cellphone ko at sa pagkakataong nilagyan ko na ng padlock para hindi na mabuksan pa ng king sinu-sino.

Nagulat pa ako pagpihit ko dahil nasa mismong likuran ko lang pala si Engineer na umaalingasaw sa bango tumaas ang isang kilay ko ng ngumisi siya ano na naman kayang drama ng isang ito? Pero infairness mabango nga talaga  siya. Ano kayang brand ang gamit niya?

“Hi, Topias ang aga mo ata wala pa yung ibang kasamahan mo iba pala talaga kapag may sarili kang motor kasi hindi mo na kailangan pang sumabay sa Service ng Kumpanya.” mapang-akit nitong turan with matching beautiful eyes pa talaga naku kung si Roanne siya baka matuwa pa ako minilabutan tuloy ako bigla bakaapikot pa ako ilang araw na lang at kasal na namin eh.

“Ah. Oo Ma’am—.”

“It's Atasha Gomez.” napaatras ako ng bigla siya lumapit sa akin dahil dumikit sa dibdib ko ang coco melon niya naku mayayari ako nito sa Baby ko!

“Wow napakagentleman mo naman ata Topias wala namang ibang tao dito kundi tayo lang you can do whatever you want besides I’m willing.”  sabay paltik ng dila niya na akala mo may dinidilaang ice cream. Aba loko ‘to ah b@stos anong tingin niya sa akin m@nyak!

Nagkibit-balikat ako. “Ma’am alam nyo ho magandang Babae kayo at lahat mahuhumaling sa inyo pero hindi ho ako isa sa kanila seryoso ho ako sa Girlfriend ko siya yung chubby na Babaeng kasama ko di ho ba nakilala nyo na siya at ayaw ko pong magkasira kami kasi sa tanda kong ito hindi ko na hinahangad pa na magkaroon o mainvolve ako sa ibang Babae sa iba nyo na lang ho ialok ang sarili nyo talagang wala ho akong interes sa inyo maliban lang sa brand ng pabango nyo.”

Napapikit ito.  “P-pabango ko?”  utal-utal niyang ulit sa sinabi ko.

“Oho kasi mabango ibibili ko lang sana si Roanne—.”

“Bibili ka? Mamahalin ito at sa sweldo mo hindi ka makakabili baka kulangin pa nga ata ‘yan pambili mo ng pagkain nyo ng mataba mong Girlfriend.”

“Brand po ng pabango ang hinihingi ko hindi po ang opinyon nyo kung sa tingin n'yo e hindi ko kayang bumili ng Branded para sa Girlfriend ko eh problema ko na po iyon, Ma’am.” sinuot ko ang safety helmet saka ako lumabas ng Locker room.

***

Atasha’s POV

Nakakaasar! Talagang hindi ko makuha-kuha ang Lalaking iyon ah! Ang kapal ng mukha niyang tanggihan ako e halos lahat ng Lalaki lumuluhod sa paanan ko mapansin ko lang sila pero itong si Gavin kahit anong lapit ko parang walang pakiramdam! Halos ihagis ko na sa kanya ang sarili ko kahit one night lang payag ako pero talagang wala ngayon lang ako nainsulto ng ganito.

Hindi ko na ito palalagpasin pa!

Humakbang ako palabas ng Locker room naabutan konpa sa hallway si Topias nagdatingan na rin ang ibang Construction Worker na natingilan ng makita akong lumabas ng Locker room nila.

“Topias! Hindi ko pa sinabing pwede ka nh umalis diba! Boss mo ako kaya wag na wag mo akong tinatalikuran kung ayaw mong sesantihin kita!”

Huminto siya sa paglalakad saka niya tinangal ang Safety helmet niya napangisi ako alam kong hihingi siya ng tawad sa inasal niya dahil sigurado naman ako na ang mga gaya niya na isang kahig at isang tuka lang ay takot mawalan ng trabaho lalo at may pinapalamon siyang Baboy at may motor siyang dapat niyang bayaran sa estado niya tiyak kong galing sa utang ang ganon kamahal na motor.

Tinitigan niya ako sabay ngiti. “Okay. No need Ma’am I resigned.”

Natameme ako sa sinagot niya ang akala ko ay magmamakaawa siya para sa trabaho niya pero mukhang nagkamali ata ako talaga bang ganito siya katigas.

Tahimik siyang naglakad pabalik sa loob ng Locker room saka niya kinuha ang mga gamit wala imik din siyang nagpalit ng damit sa mismong harapan ko napakagat-labi pa ako ng muli kong masilayan ang topless niyang katawan sabay bihis nito ng damit.

Humakbang si Topias palabas ng Locker room at huminto sa harapan ko.  “Salamat Ma’am. Tungkol sa sahod mo ibigay nyo na lang po sa kanila.”. turo nito sa mga kasamahan na nakatulala lang sa amin. “Next time po bigyan nyo naman ng kahihiyan ang sarili nyo isipin nyo lage na Babae po kayo. Sige ho mauna na ako.”

At saka niya ako nilagpasan na parang hangin lang ako.

“TOPIAS! BUMALIK KA DITO I DON'T ALLOW YOUR RESIGNATION!”  sigaw ko halos pumutok ang mga ugat ko sa leeg pero hindi niya ako nilingon man lang nagpatuloy lang siya sa paghakbang hanggang maglaho na siya sa paningin ko.

Ganon lang ba talaga iyon…

Sino ba siya sa akala niya?

Ako si Atasha Gomez… maghahabol sa gaya niya! Yun ang akala niya! Hindi ko siya hahabulin pero bakit ako nasasaktan may naramdaman akong mainit na likidong tumulo mula sa mga mata mo.

Umiiyak ba ako?

Iniiyakan ko ba si Gavin Topias dahil hindi ko siya nakuha o iniiyakan ko siya dahil may iba akong nararamdaman sa kanya?

“Ma’am. Ayos lang po ba kayo?”

Binalingan ko ito ng tingin. “Mukha ba akong okat ha! Anong tinitingin-tingin nyo diyan? Tapos na ang drama magsipagtrabaho na kayo hindi kayo binabayaran para tumunganga lang dito!”

Agad na nagsi-kilos ang mga trabahador ng Galvez Construction bakit sila napakadali nilang pasunurin samantalang si Topias masyadong maere talaga bang ganon siya ka loyal sa mataba niyang Girlfriend. Tanging siya pa lang ang naglakasa loob ng ireject ako!

Padabog kong pinunsan ang mukha ko saka ako dali-daling naglakad umaasa akong maaabutan ko pa siya sa paradahan ng motor niya kaso sabi ni Manong guard kanina pa daw nakaalis si Gavin. Tingnan lang natin tiyak naman akong babalik siya dito para magmakaawang tanggapin uli siya at kapag nangyari iyon sisiguraduhin kong bibigyan ko siya ng kondisyon kaya humanda siya.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon