KABANATA 8

184 11 0
                                    

Gavin's POV

Sa isang Five Star Hotel kami huminto meron daw kasing dadaluhang Fashion event si Miss Tiffany, ako ang unang bumaba saka ko siya pinagbuksan ng pinto ng backseat ngumiti pa ito sa akin sabay hawak sa braso ko hat naku mga Babae nga naman anong akala niya sa akin kapwa niya Artista na madadala niya sa tinginan lang naku showbiz pala talaga kapag nasa industriya ka.

Bahagya akong umatras kaya nakabitaw siya sa braso ko pigil ko pa ang tawa ko ng kamuntik siyang mabuwal sa pagtayo nanatili lang akong nakatunghay kaya si Marlon ang umalalat sa kanya.

“Ayos ka lang ba Miss Tiffany?”  Nag-aalalang tanong nito.

Ngumiti at tumango naman ang Amo ko sabay baling sa akin saka ako inirapan aba talagang may ganun hay mga Babae nga naman pasalamat siya at Amo ko siya kung tutuusin si Roanne lang ang may karapatang magtaas ng kilay sa akin kung hindi ko lang siya Amo baka nagwalk out na ako kaso baka naman magkaroon ng issue dahil sa dami ng mga Reporters na nakapalibot sa venue ganon din ang mga fandom ni Miss Tiffany.

Umayos ng pagkakatayo si Miss Tiffany saka taas noong naglakad papasok ng entrance ng Hotel.

“Pssst, ano pang tinatayu-tayo mo diyan diba ikaw ang Personal Bodyguard kaya dapat lasabay ka niyang lumakad.”. Sita ni Marlon.

“Sorry.”  Sambit ko saka ako humakbang palapit sa nakangiting Amo ko habang abala sa pag-pose sa mga Reporter.

***

Roanne's POV

Katatapos ko lang mananghalian buti at marunong akong magluto gaya ni Papa kaya hindi ako mamomorblema sakaling wala dito sa bahay si Gavin my Love! Hinugasan ko lahat ng nagamit kong kaldero at pinggan ganon na din ang baso at kubyertos, nagpunas ako ng mga kamay ko sa nakasabit na handtowel sa single door refrigerator bago ako magtungo sa munti naming sala sumulampak ako sa naglalakihang throw pillows ni Gavin saka ko binuksan ang flat screen tv unang bumungad sa akin ang coverage sa nagaganap na Fashion show sa isang Five Star Hotel nawala ang ngiti ko ng makita ko si Gavin sa tabi ni Tiffany ang sikat na Modelo at Artista lalong tumaas ang kilay ko ng hawakan niya sa kamay si Gavin ko!

“Hoy! Akin yan!”  Asar kong tili saka ko kinuha ang cellphone ni Monina at dinayal ang numero ni Gavin nag-ring iyon ng ilang beses pero hindi sinagot ng Lalaking yon! Hindi ata niya alam na pinapanood ko sila ng Tiffany na iyon!

“Talagang hindi mo sinagot ha!” Muli akong nagdayal ng numero pero sa pagkakataong ito numero ni Papa ang tatawagan ko.

Isang ring pa lang at sinagot na ito ni Papa pigil ko ang paghinga ko lalo ng marinig ko ang boses niya.

“Hello, alam kong ikaw yan Prinsesa ko.”  Bigla ang pagtulo ng mga luha ko namiss ko ang boses niya kahit kahapon lang e magkasama kami nila Mama. 

Himikbi ako.

“May problema ba?”  Mahinahong tanong ni Papa

Tumitig ako sa tv.  “S-si Gavin po kasi eh.”

“O anong problema mo kay Vin?”

“Nasa tv po siya hindi ko po alam kung bakit kasama siya ni Tiffany yung magandang Artista na Modelo din tapos humawak pa siya sa kamay ni Gavin tapos tinatawagan ko po siya pero hindi niya sinasagot e.”

Tumawa si Papa.  “Anak baka Bodyguard siya ni Tiffany saka tiwala lang hindi naman Babaero si Vin kasi subukan lang niyang lokohin ka tiyak na may kalalagyan siya sa akin sa lawak ba naman ng lupain ni Papa mo tignan ko na lang kung makita mo pa siya kapag bin@on ko siya ng bubay sa ilalim ng lupa.”  Sabay tawa nito.

“Papa naman eh seryoso po ako eh.”

“Bakit, seryoso din ako Anak. Subukan niya lang na lokohin ka at siguradong mapapaaga ang reunion nila ni San Pedro.”

“Papa! Mahal ko si Gavin.”

“O e mahal mo naman pala eh bakit hindi ka na lang magtiwala sa kanya, kung magkalabuan kayo sabihin mo lang kay Papa at susunduin kita diyan, Anak. Tandaan mo lang na walang pwedeng umapi sayo hanggat humihinga pa ako makikipag-usap sila sa kamao ko.”

Lalo lang akong umiyak sa sinabing iyon ni Papa.  “Papa naman eh para po kayong k!ll3r kung magsalita niyan hindi po bagay sa inyo eh.”

Tumawa ng malakas si Papa bago muling nagsalita.  “Roanne, Anak. Tandaan mo itong sasabihin ko ha. Kahit nasaan ka pang lupalop ng Pilipinas isang tawag mo lang pupuntahan kita agad at itutumb@ ko kung sinuman ang maglalakas loob na saktan ka. Anak kita sa akin ka galing kaya hinding-hindi ako papayag na masaktan kahit dulo ng kuko mo sa paa kasi talagang p@p@t*y ako para sayo.”

“Papa pinapaiyak nyo po ako lalo eh.”

“Okay ganito na lang tiyak ko naman na trabaho lang yon ni Vin antayin mo na lang siya saka mo siya tanungin wag ka ng umiyak baka marinig pa ng Mama mo na umiiyak ka tiyak na ipapasundo ka niya sa akin diyan sa Maynila.”

“Opo Papa. Sorry po.”

“Sorry saan, Nak?”

“Kasi tinakasan ko po kayo ni Mama sinundan ko dito si Gavin tapos heto ako umiiyak po sa inyo iniistorbo kayo. S-sorry po talaga Papa alam ko pong nadismaya kayo sa akin bilang Anak nyo ni Mama.”

Bumuntong-hininga si Papa.  “Roanne kahit kailan hindi ako nadismaya sayo kahit ang Mama mo kasi mahal ka namin at Magulang mo kami, normal lang naman na makaramdam ka ng pagmamahal dahil dalaga ka na o paano ba yan may mga gagawin pa ako, basta antayin mo na lang siya okay.”

“Okay po Papa. Salamat po. Mahal ko po kayo ni Mama.”

“Mahal ka din namin ng Mama mo. Bye.”

“Bye po.”

***

Dante's POV

Nakuyom ang kamao ko unang beses na umiyak ang Anak ko!

Dinayal ko ang numero ni Gavin pero hindi pa rin ito sumasagot kaya nag-iwan ako ng mensahe tiyak sasagot ang lokong yon.

Ako :

Pare subukan mong hindi sagutin ang tawag ko oramismo kukunin ko sayo ang Anak ko.

: Send to Vin

Ilang segundo lang at tumunog bigla ang cellphone ko. Napangisi ako takot din pala ang l*ko na kunin ko sa kanya Prinsesa ko.

“Vin.”

“Pare, ano yung—.”

Agad na lumangitngit ang mga ipin ko.  “Ang kapal ng mukha mong paiyakin ang Anak ko! Subukan mong g@guhin ang Prinsesa ko sinasabi ko sayo ibab@on kita ng buhay sa Tierra de Alas!”

“Huminahon ka nga Pare. Ano bang problema?”

“Tumawag lang naman ang Anak ko at napanood ka daw niya kasama mo ang l!ntik na Tiffany na yan! Madali lang akong kausap Vin. Ibalik mo sa akin ang Anak ko at kalilimutan kita lahat ng pinagsamahan natin!”

“Ha? Pare naman ngayon pa ba ako mambababae e ang tanda ko na seryoso ako sa Anak mo isa pa Bodyguard ako ni Tiffany hanggang dun lang iyon kahit pa mag p@nty at br@ pa siya sa harapan ko hindi ko ipagpapalit si Roanne. Okay salamat sa babala Pare atleast alam ko kung saan ako hahantong diba. Sige ibababa ko na at ng matawagan na si Baby.”

“Saglit sinong Baby?”

“Si Roanne, sino pa ba?”

“Hoy, Baby ko yon Pare kahit dalaga na Anak ko Baby ko pa rin iyon!”  Angil ko.
Aba at tinatawanan pa ako nitong Gavin na ito ah!

“O di Baby nating dalawa. Don't worry Pare wala sa prinsipyo ko ang mambabae alam mo yan at lalong hindi ko paiiyakin si Roanne kaya sorry ka na lang dahil hindi mo siya pwedeng kunin sa poder ko.”

Sabagay may punto si Gavin wala nga sa prinsipyo niya ang pagiging Babaero.

“Sige. Suyuin mo na ang Anak ko. Ibababa ko na.”

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkatapos ng paguusap naming dalawa. Talagang si Gavin na nga ang mundo ng Prinsesa ko.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon