KABANATA 19

203 16 1
                                    

Gavin’s POV

“Bilisan mo naman, Vin baka nag-aantay na sa atin si Danica!”  natawa na lang ako talagang namiss niya ang kababata niya ah hindi halata dahil apurado siya habang pinapark ko pa ng maayos ang motor namin.

“Okay tara na po.”  kinuha ko sa mga kamay niya ang dalawang paper bag ayoko kasing maabala pa siya sa paglalakad habang hawak ko sa kaliwa kong kamay ang helmet namin.

“Ikaw na talaga magbitbit niya lahat?”

“Opo.”  yumuko ako sabay halik sa pisngi ng Baby ko naku buti na lang at wala sa paligid ang Papa niya kasi sigurado akong makakayikim ako dun kahit na Boyfriend na ako ni Roanne at may basbas pa niya eh ramdam ko na alanganin pa ako sa Papa-Pare kong iyon. Ano nga bang itatawag ko kay Dante? Papa? Pare? Tol?

Napangiti ako ng kurutin ako sa tagiliran ni Roanne sabay lakad niya ng mabilis kaya ako heto at nakabuntot sa future little wife ko parang kami si Dante at Victoria lang ah kaso mas malaki ang agwat ko kay Roanne kumpara sa kanila.

“Gavin naman eh ang bagal mo maglakad!”

“Oo heto na nga po o.”  talagang namewang pa ang marshmallow ko ah.

Tumawid kami hanggang marating namin ang Entrance ng merong tumwag sa amin kaya pareho kaming napahinto sa paghakbang at sabay na lumingon.

“Roanne! Tito Gavin!”  ulit nito.

“Danica!”  hindi makapaniwalang turan ni Baby sabay takbo palapit sa kaibigan. Talagang namiss nila ang isa’t-isa ah grabeh kung makayakap at mag-tilian kala mo isang taong hindi nagkita.

Parang kailan lang mga bata pa sila at pareho ko binabantayan kasama ng tatlo para daw training ko sakaling mag-asawa na daw ako kaso yung isa pala sa binabantayan ko lang dati ang mapapangasawa ko ngayon… ang cute nilang pagmasdan nakakamiss tuloy ang Tierra de Alas di bale sa bakasyon uuwi kaming tatlo dun.

Humakbang ako palapit sa dalawa na abalang-abala sa pagtsitsismisan.  “Ano gusto nyo na bang umuwi o kakain muna tayo sa Mall?”

Sabay nila akong nilingon.  “Gusto ko nampong umuwi Tito Gavin. Gusto kong makita ang bahay nyo ni Roanne! Naku parang kailan lang po kinakalong nyo lang itong su Taba ngayon Girlfriend nyo na ay kailan naman ang Kasal? Tiyak matutuwa sila Tito Dante at Tito Victoria! Siguradong engrande din yun gaya ng Debut niya.”

Napangiti na lang ako talagang ang daldal nila kapag nagkasama-sama sila kaya sigurado akong magihing maayos si Roanne sa Boarding School niya.

“Danica naman ang boses mo ang lakas baka pwede pakihinaan nakakahiya sa mga taong nakakarinig.”

“Ganon?”  sabay lingon nito sa paligid.  “Care ko ba sa kanila hindi ko naman sila kilala eh saka sabi ni Papa kapag walang ambag sa buhay mo wag mong gaanong pagpapansinin kasi waste of time lang sila!” 

Nag-uumpisa na ang katarayan ni Danica ah. Mag-Tatay nga sila ni Kuya Remus kuhang-kuha niya kung paano mangatuwiran ang Papa niya.

“Ano na Tito kailan nga ang Kasal?”. ulit nito.

“Talagang interesado ka sa kasal namin ni Roanne ah.”

“Syempre kasi gusto kong maging Abay! Kailan nga po?”

Mukhang napalaki nga ni Caridad ng maayos si Danica carbon copy ni Kuya Remus ang ugali niya eh yung tipong walang pakialam sa lahat lang.

Tumikhim ako.  “Sa Byirnes ang Kasal namin at ikaw ang saksi namin ha sa Huwes lang muna kapag nakatapos na si Roanne ng College saka ko siya pakakasalan sa Simbahan.”

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon