KABANATA 9

192 10 0
                                    

Gavin's POV

Naka ilang tawag na ako at text kay Roanne pero hindi naman ni sinasagot kahit isa sa mga iyon.

“Mukhang balisa ka ata Topias?”  Sita sa akin ng isa sa mga kapwa ko Bodyguard ang totoo isa siya sa mga nabugbog ko kanina para makuha ko ang trabaho kaya medyo ilag aiya sa akin.

Tumikhim lang ako saka ko binalik sa loob ng bulsa ng pants ko ang cellphone ko. Bakit ang tagal naman atang mayapos ng event na ito? Parang ang bagal ng bawat minuto lalo at nakatayo lamang ako sa likod ng kinauupuan ng Amo ko habang may mga rumarampang mga Babae suot ang iba’t-ibang disenyo ng mga damit nagsalubong ang mga kilay ko ng mapansin ko ang ilan sa mga camera ay nakatutok sa direksyon namin siguradong makikita na naman ako ni Roanne. Tiis-tiis na lang tigak naman akong uuwi din naman kami.

Halos dalawang oras ang tinakbo ng Fashion show kaya dalawang oras din kaming nakatayo wala namang problema sa akin yon ang kaso tiyak na nagmumukmok ngayon si Roanne naku Vin unawain mo siya dahil talagang bata pa siya pero pinaglaban ka niya sa mga magulang niya at higit sa lahat nagawa niyang talunin ang bakod ng Tierra de Alas eh si Roger nga nahirapan dun at kamuntik pa ngang makagat ni Bogart.

“Hoy, bakit ka natatawa?”  Muling sita nito.

Tumikhim ako saka simpleng binalingan ko ito ng tingin.  “May naalala lang ako Pare.”

Tumango lamang ito at bumalik sa pwesto. Pumalakpak ako ng magpalakpakan ang mga tao sa paligid. Nauna nang tumayo si Miss Tiffany saka siya naglakad patungo sa backstage tingin ko ayaw niya lang makisalamuha sa mga ordinaryong Artista na bisita rin sa event na ito. Taas noo siyang naglakad hanggang marating namin ang saksakyan hindi na nakapagtataka kung bakit talagang kailangan noya ng Bodyguard dahil sobra ang kasikatan niya at bukod pa dun anak siya ng isa sa kilalang negosyante ng Bansa kaya talagang kailangang bantay sarado ang siguridad niya.

Pumasok na rin ako sa loob ng sasakyan ng maisarado ko na ang pinto ng backseat.

“Kuya sa Demons Club tayo.”  Utos nito habang natatitig sa akin sa rearview mirror.

“Opo, Ma’am.”  Sagot ng kasama ko na nagmamaneho.

Muli kong kinuha ang cellphone ko saka iyon sinipat nagbabakasakaling mayensahe man lang mula sa nagtatampo kong Baby pero kahit isa.

***

Maya kalayuan din ang Demons Club na pinuntahan namin kaya medyo madilim na ng makarating kami. Sa employees entrance dumaan si Miss Tiffany habang nakabuntot lamang ako sa kanya at ang dalawa pang Bodyguard na gaya ko. Dumiretso siya sa taas kung saan nakapwesto ang mga VIP rooms para sa mga mayayaman at kilalang tao sa lipunan. Huminto siya sa tapat ng pinto at ningon ako.

“I guess na trabaho mong pagbuksan ako ng pinto diba.”. Turan nito.

Tumango lang ako saka tumalima sa gusto niyang mangyari ang kaso hindi ko pa nga nabubuksan ang pinto ay humakbang na agad siya kaya dumantay ang m@lusog niyang dibdib sa braso ko kaya binalingan ko siya ng tingin, ngumisi ito saka pumasok sa loob kung saan nag-aantay ang ilan sa mga kilalang Anak ng mga mayayamang negosyante na walang ibang alam gawin kundi ang maglustay ng pera.

“Friend! Akala namin hindi ka na darating eh. Oh who's with you?”  Sabay ngiti nito sa akin kaya nailang ako.

Nilingon ako ni Miss Tiffany.  “Oh. Come here.”  Tawag niya sa akin kaya pumasok ako sa loob ng VIP room.

Lima silang Babae sa loob ng VIP room na nagkakasayahan mukhang nakarami na ata sila tingin ko may mga pinagdadaaanan ang mga ito.

“Close the door.” Pahabol pa ni Miss Tiffany nang makapasok na ako.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon