KABANATA 12

266 12 2
                                    

Gavin's POV

Maaga akong umalis ng bahay at nagtungo sa inaplayan kong trabaho online at dito nga sa Galvez Construction Company ako dinala ng mga paa ko may kalakihan din ang sampong palapag na gusali nito muli ko tinignan ang hawak kong brown envelope na naglalaman ng mga xerox copy ng mga dokumentong kailangan ko sa pag-aapply ng trabaho kompleto  naman kaya pumasok na ako sa loob ng gusali nagtanong ako sa Guard kung saan ako dapat pumunta pasa sa job interview at tinuro naman ako nito sa kaliwang hallway meron na raw mga nakapila doon kaya madali ko lang makita.

“Salamat, Boss.” Turan ko bago ako tumalikod para pumunta sa direksyon na binanggit nito. Ilang hakbang pa lang ay kita ko na ang mahabang pila. Tahimik akong tumayo sa pinakadulo ng pila saka ko nilabas ang cellphone ko para mag chat kay Roanne na narito na ako sa aapplayan ko ng trabaho napangiti ako ng biglang mag-reply ito.

Baby ko (received):
Sorry kung kailangan mo pang mag-apply ng ibang trabaho ha🥺

Ako:
Wag ka ng mag sorry okay. Uuwi din ako agad pagkatapos ng interview ko.❤️
(send)

Kinikilig-kilig pa ako sa reply ko na may puso sa dulo wow ha parang ngayon lang ako nagbibinata ah feeling teenager ang matandang gaya ko ang sarap naman kasing magmahal ni Roanne talagang ako lang at wala akong kaagaw.

Baby ko (received):
😘😘😘 I love you Gavin❤️❤️❤️

Napakagat labi ako sa reply nito kaya talagang abot tainga ang ngisi ko.

“Asawa mo?”

Turan ng katabi ko na nakikibasa sa cellphone ko kaya agad ko iyong nilagay sa loob ng bulsa ko.

“Bakit nakikibasa ka?”  Yamot kong sagot sa tanong nito may kaliitan lang naman ang lalaking naglakas loob na basahin ang mensahe na para sa akin.

Napakamot ito sa bunbunan.  “Sorry Pare ha medyo nakaka-inip kasi sa pila matagal kasi yung nag-iinterview mukhang maraming tanong eh teka ano nga palang inaaplayan mo?”

Tinitigan ko ito.  “Bakit ko naman sasabihin sayo? Ikaw ba ang mag-i-interview sa akin?”

Alanganin itong napangiti.  “Ah eh hindi naman pero makikipagkwentuhan lang sana ako habang nasa pila tayo pampalipas oras lang ganon. Ikaw ba?”

“Hindi ako sanay ng mga kakwentuhan kung gusto mo magkwento ka na lang makikinig lang ako.”  Yon naman ang totoo e hindi naman talaga ako sanay ng may kakwentuhan maliban lang sa tatlong ‘yon.

Napanganga ito sa sinagot ko saka tatango-tango na lamang at muling nanahimik sa unahan ko.

Halos isang oras akong nakatayo sa labas ng opisina ng HR ng Galvez Construction Company.

“Next.” Sambit ng Babaeng nakauniporme saka ako tinitigan mula ulo hanggang paa sabay ngiti.

Hindi ko ito pinansin walang imik ako pumasok sa loob ng opisina. Tinuro nito kung saan ako uupo kinuha nito ang hawak kong brown envelope saka isa-isang nilabas lahat ng laman non at binigay sa lalaking may edad na mukhang siya ata ang magtatanong sa akin.

Sinuri ng matandang Lalaki ang mga requirements na dala ko.

“Gavin Topias, 46 at walang Asawa.”  saad nito habang nakatitig sa resume ko. Tumango-tango pa ito.  “Naging kargador ka pala ng isang kilalang Shipping Company ha at nagtagal ka dun hmmm maganda ang record mo ha.”  Binasa pa nito ang ibang dokumentong dala ko bago ako binalingan ng tingin.

“So Mister Topias bakit ka umalis sa trabaho mo sa Shipping Company? Dahil ba sa sahod? O may iba pang rason?” pag-uumpisa nito.

Tumikhim ako.  “Sa gitna po ng laot ang trabaho ko kung nasaan ang Barko dapat naroon din ako kaya nagdesisyon ho akong mag-resign at humanap ng ibang trabahoeron na ho kasing nag-aantay sa akin pag-uwi ko.”

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon