KABANATA 15

327 15 4
                                    

Gavin's POV

“Hala paano natin dadalhin itong Pooh ko eh bukod sa malaki na ako eh malaki din siya baka mahulog ako kapag umandar na tayo tapos si Pooh na lang maiuwi mo.”

Sige ang tawa ko talagang problemado ang Baby ko ah kung paano namin iuuwi ang stuff toy niya ah.

“Anong tinatawa-tawa mo diyan?”  mataray nitong tanong ng makarating na kami kung saan nakaparada ang big bike ko.  “Tignan mo naman Gavin paano ko ito hahawakan e kailangang nakayakap ako sayo kasi kung hindi mahuhulog ako tapos may hawak pa akong siopao dapat kasi nagdyip na lang tayo papunta dito. Bakit ba naman kasi kapiranggot lang yung pwede ko g upuan diyan sa big bike mo malaki nga kaso kalahati lang ata ng pwet ko ang kasya sa upuan niyan eh!”

Lalo akong natawa pati pwet niya nasama sa usapan grabe parang kasama ko lang si Dante na may halong katarayan ni Victoria.

“Ano ba kasing nakakatawa ha? Kanina ka pa Gavin ha nakakaasar ka na.”

Natigilan ako sa pagtawa ng lumapit aiya sa akin sabaysipa sa binti ko.  “Aba nananakit na ngayon ang Baby ko ah.”

Hindi naman masakit pero nagkunwari akong nasaktan para lambingin man lang niya ako kaso mukhang hindi umubra ang drama ko lalo lang siyang nagtaray.

“Eh ikaw kasi eh iniinito ulo ko namomoblema na nga ako dito dagdag pa yung cellphone mo na sige ang vibrate sinaylent ko na nga para hindi istorbo e sige naman vibrate umamin ka nga bukod ba sa akin may Babae ka o may kinalolokohan kang iba teka baka yung Tiffany yan ha sinasabi ko sayo Gavin!”

Pinagpag ko ang binti ko na tinamaan niya ng suot niyang sandals.  “Bakit hindi mo muna tingnan bago tayo bumiyahe baka si Papa-re na yan naku baka malintikan ako dun kapag di mo sinagot baka kung ano pang isipin nang Papa mo na ginagawa natin—.”

“Bakit anong bang ginagawa kapag hindi sinasagot ang tawag at kung makare-act ka diyan eh hmp!”

Tumikhim ako sabay ngisi.  “Baka kasi isipin ng Papa mo na gumagawa tayo ng Apo nila ganun.”

Inantay kong mag-react si Roanne sa sinabi ko kaso nalaglag lang ang panga niya sabay kuha sa cellphone ko na nasa sling bag na dala niya kamuntik pang malaglag ang cellphone ko kakamadali niya hmmm mukhang tinablan ang Baby ko ah. May naisip ako humakbang ako palapit sa nakya hanggang marating ko ang likuran niya saka ako yumuko para makibasa sa mensahe sa cellphone ko.

“Ang bango ng Baby ko amoy fried chicken.” pero hindi siya sumagot hindi komlang alam kung seryoso siya sa bunabasa niya o umiiwas lang siya sa akin.

“Nakaka-asar kang matanda ka!”  sabay tulak niya sa akin kaya napaatras ako ng dalawang hakbang.

“B-bakit? Para sinabi ko lang naman na amoy fried chicken ka—.”

“Ewan ko sayo! Sino ‘to ha? Ano yung sinasabi niyang hindi nyo natapos na trabaho ha? Linggo bukas tapos magtatrabaho ka. Ikaw ha hindi porke bumuntot ako sayo dito eh loloko-lokohin mo na lang ako ha! Isusumbong talaga kita  kay Papa!”

“W-wait nga ano bang sinasabi mo? Oi!”  buti at mabilis ako agad kong nasalo ang cellphone ko na hinagis ni Roanne saka ko binasa ang mensahe.

“Wow ha talaga pinaalala niya sayo at sa CR pa talaga yung trabaho nyo bukas ha ano ‘yon Tubero ka na ba ngayon diba Laborer ka sa Construction Company na pinasukan mo at meron pa siyang ‘Lunch is on me, Gavin’ ikaw Gavin ha nakakaasar ka na una sa Tiffany na iyon ngayon diyan sa Babaeng ‘yan.”

Natapos kong basahin lahat ng mensahe saka ako lumapit sa Baby ko para syempre lambingin siya mukha kasing totoo na yung tampo niya.  “Si Engineer Atasha Gomez ‘yon hindi ko rin alam kung bakit pinapapu ta niya ako bukas.”

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon