KABANATA 30

219 20 10
                                    

Victoria's POV

Abala ako sa pagluluto ng pananghalian para makahigop man lang ng mainit na sabaw ng Tinola ang Mister kong hindi daw magpapakalasing pero tabi-tabi silang lima sa papag at ang sweet pa nila talagang yakap kung yakap nasayang lang ang pinanood namin kagabi meron pa naman akong gustong subukan tapos pag-uwi ko humihilik na ang Mauro na iyon kayakap pa si Roger! Nakakainis may pasabi-sabi pa siyang hindi daw siya magpapakalasing eh bulagta nga siya hanggang ngayon!

“Tita Victoria! Tita Victoria!”

Si Xeed yun ah ang aga naman ata niyang mangapitbahay teka nga baka importante kaya nangangalampag.

Pinatay ko muna ang stove tutal naman kumulo na rin naman ang niluto ko saka ako naglakad palabas ng veranda.

“O Xeed bakit may kailangan ka ba?” tanong ko ng mabungaran ko siyang nakatayo sa paanan ng hagdan ng veranda namin. Bakas sa mukha niya ang excitement.

Tinaas niya ang kamay niya na may hawak ng cellphone saka pinakita sa akin ang nasa screen.

Tinitigan ko iyon ng mabuti.

“U-ultrasound results yan ah.” takang bigkas ko.  “Bakit Xeed nakabuntis ka ba?”

“H-ha? Naku hindi po Tita ah! Goodboy po ako!” agad niyang turan.

“Eh para saan yang pinakita mo sa akin?”

“TITA VICTORIA CONGRATULATIONS PO LOLA KA NA!!!”  sigaw ni Monina habang natakbo palapit sa amin. Sabay pa kaming napalingon ni Xeed.

“A-anong? Lola? Ako Lola? ” naguguluhang tanong ko ng muli kong lingunin si Xeed.

Sunod-sunod ang tango niya.

“Tita! Na—basa nyo na po ba y-yung post ni Danica?” hinihingal na saad ni Monina ng huminto sa tabi ni Xeed bagay silang dalawa kaso mukhang walang amor itong Babaeng ito sa Kuya Xeed niya kahit obvious na obvious na gusto siya nito.

Lalong nangunot ang noo ko. “Nabasa ang alin?”

Isang malakas na tili naman ang nagpagising sa mga nakahilata sa papag at humihilik pa kahit tanghali na. Agad silang nagsi-bangon.

“Nasaan ang kalaban?!”  alertong hinawakan ni Kuya Remus ang walang lamang bote ng alak kaya natawa sina Monina at Xeed habang patakbong lumapit din si Macbeth. Ano bang meron at bakit ang iingay nga tatlong ito?

“Mac naman! Natutulog pa ako Anak.” saway ni Marcus kaya tumahimik ito habang natakbo.

Huminto din ito sa tabi ni Xeed at huminga ng malalim sabay bati sa akin ng Congratulations.

“Anong meron bakit kino-congrats nyo si Tita Victoria nyo ha?” humihikab pang tanong ni Dante sa tatlo.

Nikingon nila si Dante.

“Kasi buntis po si Roanne!” sabay-sabay nilang sagot.

Naputol sa ere ang hikab ng Asawa ko saka tumayo at hunakbang palapit sa mga bata.  “Hindi magandang biro yan ha! Kahapon lang sila kinasal tapos Lolo na ako agad ano yun Magic! Pinagloloko nyo yata ako eh!”

“Hindi po Tito Dante tignan nyo pa po oh!”  tinaas ni Monina sa mukha ni Dante ang screen ng cellphone niya. Tinitigan naman ito ng Asawa ko.

Pigil ko ang hininga ko.

“Lola na ba ako ha Mauro?” naiiyak kong tanong pero masaya ako kahit napakabata ko pa para maging Lola masaya pa rin ako hindi ko akalain magkakaroon ako ng Apo dahil laginlamang akong nakakulong sa loob ng malawak kong hawla ayaw ni Papa na merong makakita sa akin na ubang tao dahil ayaw niyang may makakilala sa akin bilang Anak niya para na rin daw sa kaligtasan ko nung una hindi ko matanggap ang sitwasyon kompero habang nagdadalaga ako unti-unti kong naintindihan si Papa… kasapi siya sa ilegal na Organisasyon kaya iniingatan lang niya ako ang buong akala ko mag-iisa lang ako hanggang pagtanda ko pero biglang sumulpot si Dante sa buhay ko… siya ang dahilan kung bakit naulila ako ngunit pinunan niya ang kawalan ko ng magulang oo bayarang taga ligpit dati ang Asawa ko pero nagbago siya at pinanindigan niya ang bawat salitang binitiwan niya noon bago malagut@n ng hininga si Papa— inalagaan niya ako pinakita niya sa akin ang Mundo sa labas hawla ko matiyaga niya akong tinuruan ng mga maliliit na bagay na kailangan kong malaman bilang Babae. Sinong mag-aakalang seseryosohin niya ako bilang Asawa niya? Ngayon masaya ako sa piling niya at ng Anak namin lalo na ngayon na magiging Lolo at Lola na kaming dalawa.

Naka-ilang pikit ng mga mata si Dante bago nagsalita.  “Loko kayo ha kailan pa naging Tilapia ang Anak ko eh diba Topias na siya naku baka nagkamali lang si Danica ng post—.”

“Nagkamali daw po siya ng sulat sa form kasi kinakabahan daw po siya kaya naging Tilapia sa halip na Topias. Saka sa tanong nyo po na kakakasal lang nila kahapon eh nasa results po ang araw na posibleng nabuo ang Baby nila at yun po ay ang Araw na nakita nyo si One sa Kubo ni Tito Gavin!” sagot ni Xeed na ikinatulala ni Dante.

“Meaning Tito Dante, nung umalis po dito si One at bumuntot kay Tito Gavin pogi namin eg buntis na po siya non!” segunda naman ni Macbeth.

“Tama ang mga Ate at Kuya ko! Kaya Lolo na po kayo at Lola na si Tita Victoria at kami naman may Pamangkin na kami at excited na akong makita siya! Sana bukas manganak na si Ate One!”

“O e dapat palang i-celebrate ulo natin yan!” sigaw ni Rex sabay tawa.  “Congratulations sa inyo may Apo na kayo! Eh ako Xeed kailan mo bibigyan ng maliit na tao?”

“Papa naman agaw eksena wala pa nga akong trabaho anong ipapakain ko sa mapapangasawa ko ha.” katwiran nito sa Ama.

“Kamote, Kuya Xeed! Maraming tnim non sila Papa diba saka masustanya yon tingnan mo ako oh kahit ako pinakamaliit sa inyo ang liksi ko diba saka ang talino ko pa hindi gaya ni Papa!” bwelta ni Monina. Naku wala talagang pakiramdam ang isang ito.

Ngumiti lamang si Xeed sabay akbay sa kanya ni Roger.  “Hay naku Xeed marami ka pang kakaining Kamote.

“Tingin ko nga po.” sabay kamot sa batok.

“O ano Dante magvi-video call ka na ba kay Pareng Gavin?”

Hindi sumagot si Dante kaya bumaba ako ng veranda para yakapin siya ng mahigpit alam kong hindi maproseso ng utak niya ang mga nalaman niya lahit ako ganun din pero alam kong gaya ko masaya din siya.

Bumigat ang likod ko sabay yakap ng mga braso nito.  “L-Lolo na pala ako, Mama… ang g@gong yun unang gabi pa lang pala binuntis na niya ang Roanne ko! G@go talaga si Vin!”

Ramdam ko ng hagkan ni Dante ang buhok ko kasabay ng mahinang iyak.

“Dante?”

“Masaya lang ako, Mama… k-kasi lumalaki na ang Pamilyang pangarap ko lang dati… noon ako lang tapos dumating ka at si Roanne ngayon naman magkakaroon na tayo ng panibagong miyembro ng Pamilya… diba ang saya talagang masaya lang ako— hayaan mo lang muna akong umiyak dito ka lang muna gusto kong yakap lang kita… ikaw ang dahilan kung bakit naging masaya ang buhay ko kasi binigyan mo ako ng Roanne at salamat sa bagay na iyon. Mahal na mahal kita Victoria Dela Faz Mauro.
S-salamat talaga…”

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Sabay kaming humagulhol na mag-asawa dahil sa labis na kasiyahan. Excited na akong makasamang muli dito sa Tierra ang Anak at ang Apo ko sana iuwi na sila dito ni Gavin.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon