KABANATA 37

338 34 26
                                    

Roanne's POV

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa mula doon si Gavin seryoso ang aura niya kaya nahinto ako sa pag-iyak.

“Uuwi tayo ngayon sa Tierra wag ka ng umiyak, Ma.” bungad nito inilang hakbang lang niya ang distansya namin saka masuyong pinunasan ang magkabila kong pisngi lumuhod pa siya para lang gawin iyon ang swerte ko sa Asawa ko okay kahit matanda na siya ang mahalaga mahal na mahal ko siya.

“P-paano si Danica?” nauutal kong tanong lalo at mag-isa lang na umuwi si Gavin.

Nagpakawala siya ng malalim ng buntong-hininga saka ako tinitigan ng mata sa mata.  “Ma, gusto kong huminahon ka lang okay.”

“Okay. Nasaan na ang kaibigan ko?”

“May kumuha sa kanya kaya iuuwi kita sa Tierra dahil hahanapin namin si Danica at hindi ko iyon magagawa kung maiiwan lang kita dito na mag-isa, hindi na rin safe sa lugar na ito dahil alam nila ang address natin.” paliwanag niya sabay kuha ng cellphone at nagdayal.

“Namin?” ulit ko sa sinabi niya.

Mula sa screen ng cellphone ay lumipat sa akin ang pansin ni Gavin. “Oo, kami ng Papa mo.”

“S-si Papa?”

“Oo. Saka ko na lang ipapaliwanag sa’yo sa ngayon kunin mo na ang mga importanteng gamit mo at aalis din tayo kaagad.”

Talagang naguguluhan ako dahil bakit nasali si Papa sa usapan diba dapat Pulis ang kinokontak niya para tumulong sa paghahanap kay Danica. Gusto ko pa sanang magtanong kaso may kausap na sa kabilang linya si Gavin bahagya siyang tumalikod ng pagkakaupo sa sahig para siguro hindi ko marinig ang usapan nila kaso nasa likod lang niya ako. Pinagmasdan ko ang Lalaking pinakasalan ko meron ba akong hindi alam tungkol sa kanya para kasing ibang tao ngayon. Nakaramdam ako ng kaba ng marinig ko ang mga sagot ni Gavin habang may kausap sa telepono niya.

“Larry Razon. Si Gavin Topias ito. Oo isa nga ako sa Blank Cards. Dati sabi mo kontakin ka lang namin kapag kailangang. Makinig ka nawawala si Danica. Kailangan natin mapasok ng Salvacion Boarding School. Iuuwi ko sa Tierra ang Asawa ko pagbalik ko isasama ko na sila. Baka may alam kang madaling transportasyon buntis kasi ang Misis ko. Okay sige salamat, Pare.”

Larry Razon? Sa pagkakatanda ko Tito yun ni Danica at Agent siya kabilang siya sa Elite group ng Gobyerno… ibig sabihin nasa panganib ang kaibigan ko.

Napaatras ako sa kinauupuan ko ng bumaling paharap sa akin si Gavin ngumiti lang siya saka tumayo para kumuha ng bag at isa-isang nilagay doon ang mga importanteng gamit namin kaya tumayo na rin ako para tulungan siya.

“Ako na nito, Ma. Magbihis ka na lang dahil aalis na tayo.” seryosong turan niya habang abala sa pagsisiyasat sa mga hawak niyang dokumento bago niya ilagay sa loob ng bag.

Lumaki ng kaunti ang tiyan ko kaya sa halip na leggings at oversized shirt ay isang pink na Maternity dress ang kinuha ko saka ako nagtungo sa banyo para maligo muna saglit kinakabahan ako sa pwedeng maging reaksyon nila Mama at ni Papa kapag nakita ako at si Gavin. Matutuwa ba sila o magagalit sa akin?

Paglabas ko nakahanda na ang lahat pinamigay na ni Gavin lahat ng stock namin sa ref dahil tiyak naman daw na matatagalan bago kami makabalik sa lugar na ito may ilang pirasong balot ng cupcakes lang ang dinala niya at bote ng juice sakaling magut daw ako.

“S-saan tayo pupunta?” kabadong tanong ko ng nakasampa na ako sa likuran ng big bike ng Asawa ko.

“Sa Villamor Airbase may nag-aantay ng helicopter sa atin para ihatid tayo sa Tierra.” sagot niya saka niya nirebulosyon ang makina ng motor niya at marahan niyang pinatakbo para hindi ako mahulog.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon