CHAPTER 2: ESCAPING

1.1K 19 2
                                    



Pinainom ko lang ng gamot ang anak ko at matapos i-check up ay nasa bisig ko na ito natutulog habang tinatahak ang malawak na lapag ng ospital.

Pero siyempre nag-paalam  muna ako kay Doc.Mich para ipahandle muna ang pasyente ko which is Ama ng anak ko parang wala din kasi akong lakas ng loob na humarap sa lalaking iyon.

Kinakabahan ako na baka malaman niya ang totoo baka kunin niya pa ang anak ko.Nakaalalay ang isa kong kamay sa likod ng ulo ng anak ko para may suporta.

" Pasensiya na ulit, hindi mo kasi sinabi na siya pala iyon," sabi ni Tayla habang nakasunod sa likuran ko.

"Dapat tumawag ka,"

" Hello! Tumawag ako di mo naman sinagot," naiinis ko siyang sinulyapan sa likuran ko.Kasalanan ko din naman kasi naka-silent  ang phone ko lalo na sa duty bawal na bawal pag may nag-call.

" Pero sobrang guwapo niya pala, parang anghel ack ," hindi ako makapaniwala nang tumili pa ito na ikinairap ko at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa may makita akong apat na laki na nakablack long sleeve polo.Kinabahan ako.

" Sandali lang, Miss saan kayo pupunta?" naitanong ng isang lalaki na matangkad.

" Excuse me?" tinaasan ko sila ng kilay, sobrang kabado ako dahil alam ko na sa puntong 'to ay tauhan ito ni Mr.Aguztiano, anong ang kailangan nila?

" Tabi uuwi na kami," seryuso at walang emosyong nasabi ko dahilan kaya nagkatinginan sila sa isa't isa, si Tayla na nanatiling nakakunot ang noo ngunit ganon na lang ang pagkagulat nang hawakan ng isa ang siko ko.

" Hindi kayo puwedeng umalis-"

"What? Hey anong karapatan mong pigilan kami sa gusto namin?" naiinis na ang boses ko ngunit muli lang silang nagkatinginan at ang isa ay tumango na hindi ko alam kung ano ba iyon, anong tumatakbo sa isip niya?

" Gusto kang makausap ni Boss," ani ng isa at sinenyasan ang kasama na hilahin kami sa room 205, nagpatianod na lang ako at kabadong nilingon si Tayla sa likod ko, gusto kong makatakas pero ang laki ng mga katawan nila at ang tao sa paligid ay nakatingin lang.

Iyong kapwa namin nurse ni Tayla ay nakakunot ang noo, kung sisigaw ako ng saklolo baka magkaroon pa ng eskandalo at isa pa natutulog ang anak ko ayaw kong magising siya masama pa naman ang pakiramdam.

"Don't touch me kaya ko kahit di mo ako hawakan,"madiin kong sita sa lalaking nakahawak sa siko ko, binigyan ko pa ito ng nakamamatay na tingin hanggang sa nakarating kami sa tapat ng room 205.

Heto na naman ang puso ko na hindi na magkamayaw sa sobrang alegro.Madiin akong pumikit nanginginig ang kamay ko at hindi alam kung ano ba ang kailangan ng lalaking iyon bakit kailangan pa niya kaming papuntahin dito.

" Pasok," utos ng isang tauhan sa amin.

Inayos ko si Freo sa bisig ko at nang umawang ang pintuan ay doon ko narin nakita si Mr.Aguztiano na prenteng nakaupo sa dulo ng hospital bed, seryuso ang mata nang mapatingin sa akin at naramdaman na sinulyapan ang anak ko.

Nakasuot narin siya ng damit, white long sleeve polo at nakasuot ng black slack parang magaling na siya kung titingnan.

" Ano ang kailangan mo sa amin?" pinanlisikan ko siya ng mata habang nakataas ang isa kong kilay, wala narin dito ang kasama niyang mga kaibigan niya.

" I don't need anything from you except that child," he said in a cold voice.

Napaawang ang labi ko sa sinabi nito at lalong tumindi ang kakaibang kaba sa buong sistema ng katawan ko,  I hesitated to look at Tayla, seeing the fear reflected in her eyes.

OWNED BY POSSESSIVE  MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now