CHAPTER 4: MEET YOUR FATHER

539 14 0
                                    



Nakarating ako sa mansion ng mga magulang ko habang tinitingnan ang oras, nagmadali akong pumanhik sa mansion at mabuti na lamang ay pumayag si Mr.Aguztiano sa gusto ko.

Pabor naman siya at hindi niya kukunin si Freo basta huwag ko lang ipagkait ang anak namin, hanggang ngayon can't believe na magkakaroon na ng Daddy ang anak ko, ano kaya ang reaction ni Freo?

Happy ba?

Hahayaan ko ang lalaking iyon sa gusto niya, may karapatan naman siya pero huwag na huwag lang niya talagang kunin ang anak ko baka sa hukuman ang bagsak namin, ipaglalaban ko , para kay Freo no.

Ako ang nagbuntis ng 9 months, hindi madali iyon.Plus sa paglilihi ko palang mahirap talaga, palaging may morning sickness tapos mapili pa sa pagkain.

"I said before, you just behave but your hand is crooked!"

" Señorita Cherry nasasaktan po ang bata,"

" I don't fvcking care! Kanina pa ako naiirita sa boses niya ang ingay-ingay!"

" Ah! T-Tita s-stop, it's hurt!"

Napatigil ako sa paglalakad nang makilala ko ang boses ng umiiyak, napatakbo ako sa garden place at hindi makapaniwala nang maabutan kong sinasaktan ni Cherry ang anak ko.Panay ang palo nito sa anak ko.Walang awa!

" Ang tigas-tigas ng ulo mo! Manang-mana ka sa nanay mong púkpok!" sigaw ni Cherry kaya naman sa oras na ito ay hindi ko napigilang sumugod sa kaniya.

" Potangína mo Cherry!" buong lakas ay ginamit ko para itulak siya dahilan kaya bumagsak ito sa madamong lupa at napaaray pa.

" How dare you to hurt my son!" I shouted in anger.Sumugod ako at paulit-ulit na sinampal ang mukha nito dahil sa gigil, hindi ko mapapalampas ang pananakit niya sa anak ko.Okay lang na pagsabihan niya ako ng masasakit na salita pero this!

To hurt my son, I can't control my anger anymore.

" Ah bítch!"

" Diyos ko Señorita Heanna tumigil na kayo!" pagpigil ng Yaya na nagbabantay sa anak ko pero hindi ko talaga mapigilan, parang umaapoy ako sa galit na iwan.

" Ang lakas ng loob mong saktan ang anak ko ha! Bruha ka! "

" Ouch! Ahhh! " sigaw nito sa daing.Agad na pinigilan kami ni Mang Mando at inawat ako, nanginginig ako sa galit lalo na nang makitang may pasa sa braso ang anak ko na umiiyak parin.

"Bítch! You fvcking a whore woman, Cheap pagsabihan mo yang anak mong bóbo!" susugod pa sana ako pero nakahawak narin ang iilang staff ng mansion sa braso ko.

"Bitawan niyo ako!"dinaluhan ko ang anak ko at niyakap ito.

" Shh..Don't cry nandito na si Mommy," pag-aalo ko.Mahigpit kong niyakap si Freo at hinalikan ang noo bago ko sinenyasan ang Yaya na paalisin muna ang anak ko dahil hindi pa ako nakakaganti sa bruhang Cherry na ito.

Nang makaalis ang anak ko tsaka ako humarap sa kaniya na nakangisi pero galit na galit ang mukha.

" Subukan mong saktan ulit ang anak ko hindi ako magdadalawang isip na kasohan ka Cherry!"

" Tinatakot mo ba ako, púkpok?" nang-iinsulto ito at may pandidiri sa mukha ganito talaga siya, porket nabuntis ako sa isang gabing pagkakamali ay ganon na lang kababa ang tingin niya sa akin.

" You should be scared, even if you're my half sister, I can put you in jail.Remember that wala akong kinikilalang kadugo kung demonyo naman ang pag-uugali!" nanginginig ako gusto ko siyang ingudngod sa lupa.

OWNED BY POSSESSIVE  MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now