CHAPTER 3: KIDNAPPED?

760 18 1
                                    



Dahil sa trahedyang naganap natawagan ako sa ospital kasama si Tayla at sa puntong 'to walang night shift or day shift lahat ng nurse ay kailangan sa ospital dahil madaming pasyente nang dahil sa pagsabog ng bomba.

Nagmamadali kami ni Tayla para pumasok sa ospital at sobrang dami ngang pasyente iyong ibang ambulance ay paparating pa lang.Nakakaawa, seguro ito din ang sinapit ng anak ko kung hindi kami nakaalis kaagad.

Si Freo ibinilin ko muna kay Mom mabuti ay naintindihan ng anak ko dahil nagpaliwanag naman ako.Lahat ay naalarma ang mga nurses at ang mga doctors ay kaniya-kaniyang pagsagip sa buhay ng mga taong nasabugan sa mall.

Hindi ko nga alam kung sino ang tutulungan ko sigaw doon sigaw dito, iyong ibang pasyente ay dead on arrival na, nagsisigawan at naaalarma ang pamilya at madaming pasyenteng nakaratay sa simento sa kadahilanang wala ng stock hospital bed dito sa ospital

Iyong iba ay nakahilata parin sa stretcher.

" Nurse tulungan niyo ang Mama ko,"

Napalingon ako sa babaeng umiiyak at nakita na walang malay ang Mama niya at duguan ang buong katawan.

Tinapos ko lang takpan ang malaking sugat sa hawak kong pasyente ngayon para maiwasang huwag lumabas ang madaming dumugo.

Hindi mabilang ang pasyente, maging kaming mga nurses at mga doctors ay pagod na at pawisan ang noo pero sige parin kami sa pag-revive lalo na sa mga malalang natamo.

" Max tulungan mo ang isang iyon," abala ako sa isang pasyente na masasabi kong may nabali sa buto nito.

Agad na lumapit si Max nang magamutan ang pasyente niya, sina Teff at Tayla ay abala narin sa iba't ibang emergency room.

Si Avani dalawa-dalawang pasyente ang ginagamot.Ilang minuto lang ay natawagan ako sa ER at nang makapasok ay nakita ko sina Doc.Mich at si Dr. Alexandro na abala sa pagrevive sa pasyente.

Nanghina ako nang makita kung sino iyon.Talagang hindi sila nakaalis bago nangyari ang pagsabog.Si Mrs.Cameron na nasa malalang kalagayan.

Nang mahawakan ang kaniyang pulso ay mahina na lamang ang kirot doon, sina Doc.Mich lang ang nagrerevive sa kaniya habang nasa tabi ko siya.

Namumutla narin ang balat niya at halos mahina ang tibok ng puso niya.Nagkatinginan kami nina Doc.Mich na makikita ang panghihinayang sa mata.

Hinanda ko ang gagamitin sa operasyon pero nang mapagtantong buntis ito ay nacancel iyon.Hindi puwedeng sumabak sa surgery lalo pa't kung buntis.

Mabuti na lamang ay matindi parin ang kapit ng bata kahit dinugo siya ay napag-alaman ko kina Doc na safe ang baby nila ni Mr.Cameron.

" Take a rest," usal ni Max pero kasi hindi mo magagawang magpahinga knowing na may pasyenteng nangangailangan ng tulong mo.

Hindi nga ako nakakain at pinilit pa ako ni Dr.Alex subalit mas uunahin ko pa ba ang kalagayan ko kaysa sa mga pasyente ha halos nag-aagaw buhay lahat? Kahit naman sila ay hindi kumain.

Hindi na kami nakatulog hanggang sa mag-uumga narin.Ramdam na ramdam ko ang pagod at antok bago mapadaan sa room 125 which is naroon si Mrs.Cameron sa loob mabuti narin ay nailigtas siya kahit hindi siya naidaan sa operasyon.

May mga bantay sa labas ng room at mula sa tabi ng pinto ay naroon nakaupo ang apat na lalaki sa couch.Kasama ang mga tauhan nila.

Hindi ko pa maiwasang kabahan nang makita si Mr.Aguztiano at kasama nito si Mr.Cameron na ngayon ko lang nakita sa personal.Super guwapo pala.

OWNED BY POSSESSIVE  MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now