CHAPTER 11: DREAMING?

407 13 0
                                    



" Ang akala ko tuluyan mo ng pagtataguan si Freo," he looked at me dangerously at kung pinairal ko ang takot ko baka hindi ko narin magawang magsalita.

" I won't do that, I'll explain it to you-"

" No need, alam ko na ang dahilan," matabang kong sabi at pekeng ngumiti sa kaniya. Tuwang-tuwa si Freo nang makita ang Daddy niya kahit sa totoo lang ay nagtatampo ito sa kaniya ay mas lamang parin ang pagkatuwa.

" You've change," malamig nitong sabi habang nakatitig sa mukha ko na ikinaiwas ko sa direksyon niya, wala ni anong emosyon sa mukha ko bago ako uminom ng juice at nakikita na sinusuri ako nito.

Naging malalim ang paghinga niya at tinangkang hawakan ang kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon sa kaniya.May kung anong emosyon sa mata niya at napakunot noo.

" You mad?"

Mapait akong ngumiti sa itinuran nito. "Medyo naiinis lang ako dahil kailangan mo pang pagtaguan ang anak mo para lang makita ang girlfriend mo," labas sa ilong kong nasabi dahilan kaya nagsalubong ang makapal niyang kilay.

" What did you say?" nalilito pa siya at hindi makapaniwala sa narinig.At nagmamaang-maangan pa siya.Okay lang naman kahit mag-date sila ni Cherry pero sana nag-paalam siya kahit kay Freo na lang para hindi na maghanap ang bata sa kaniya.

" My halfsister, she's your girlfriend, right? At sure ako na alam mong halfsister ko siya," pigil ako sa sariling emosyon mabuti na lang din ay tulog na si baby Freo so makakausap ko siya ng kaming dalawa lang.

He smirked and he brushed his hair, bahagyang napadila sa mapulang labi at inayos ang necktie sa leeg bago nag-cross leg sa tabi ko.Kabado man pero hindi ko na iyon pinansin pa at kahit nanginginig ang kamay ay naitago ko na lang iyon  hita ko at inipit.

" What you have found is nonsense, there is no truth," napangisi pa siya at malamig na tumawa ng mahina habang nag-uuyam ang ngisi sa labi nito na pinagmamasdan ako.

Napabuntong hininga ako at ngumiti sa kaniya. "Actually you don't need to hide me and your son, I can understand and I respect your decision.Walang pipigil sa gusto mo pero sana huwag mo din akong pagbawalan sa gusto ko," naging seryuso ang aura niya sa sinabi ko.

" Okay sa'kin na makipagrelasyon ka kay Cherry, pero sana alam mo na hindi ako laruan, nakikipaglandian ka pa sa'kin," napirap ako nang maalala ang kaharutan naming dalawa, na kailangan ay umabot sa kiss scene.Ang rupok ko naman basta-basta nagpapahalik.

" You don't understand, "

" Of course I know, quits na tayo okay? Ama ka lang ni Freo at hanggang doon lang iyon.Hahayan mo ako sa gusto ko at hahayaan kita kung saan ka masaya," hindi ko maiwasang magulat nang makita ang pagdaan ng lungkot sa green nitong mata.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao at mabilis na nandilim ang mukha niya. Napatingin ako sa pintuan at tinuro iyon. "Puwede ka ng umalis," sobrang bigat sa dibdib tila may kung anong bumara sa dibdib ko.

Tumayo siya at nakapamulsang naglakad sa pintuan, may kung anong emosyon sa mata nito at parang may sasabihin pa siya subalit nang tuluyang makalabas ay agad kong sinara ang pintuan.

Naiinis ako.Nagagalit sa kaniya.Pakiramdam ko pinaglalaruan niya ako ang hirap din magselos kapag walang relasyon.Napasinghap ako nang tumulo ang luha ko na agad ko ding pinunasan.
---

In the next day ako narin ang gumawa ng paraan to avoid him, ang hirap lang at nasanay na akong makausap siya pero every time na sinusundo niya si Freo ay wala narin kaming kibuan sa isa't isa.He actually tried to approach and to talk to me pero hindi ko hinahayaang mangyari iyon.

OWNED BY POSSESSIVE  MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now