CHAPTER 5: YOU AND OUR SON

913 14 0
                                    



Dalawang linggo na ang lumipas simula nang malaman ni Freo ang totoo, hindi ko nilihim kina Mom at Dad ang nangyari at sinabi ang tungkol sa Daddy ni Freo.

Okay naman sa kanila at sa katunayan masaya sila na sa wakas nakilala narin ni Freo ang totoo niyang Daddy.Sa loob dalawang linggo halos palagi siyang may oras sa anak namin at madalas ipasyal, nakakatuwa narin na palagi silang nagbobonding mag Ama.

Minsan lang ako sumama sa kanila nakakailang din lalo pa't ayaw kong maging feeling close kay Harry, may work din ako katulad ngayon kakalabas ko lang sa room 101 dahil sa pasyente kong 9 years old.

About kay Freo seguro hindi busy si Harry dahil maaga niyang sinundo ang anak namin para dalhin  kuno sa mansion niya.Kung napapansin niyo na Harry na ang tawag ko sa kaniya, masyado daw kasing formal kung Mr.Aguztiano.

" Tara lunch, " inakbayan ako ni Max na ikinatapik ko sa malaking braso nito sa balikat ko, matangkad si Max at oo maganda ang katawan na masasabi kong guwapo.Patay na patay nga sa kaniya si Marieza iwan ko lang sa isang 'to kung bakit ayaw pa niyang bigyan ng chance ang tao single naman siya.

" Alisin mo, Maxillo!" bulyaw ko. " Ang bigat ng braso mo lalaki ka," nasapak ko pa ito sa dibdib na ikinatawa niya at bahagyang ginulo ang buhok na ikinanguso ko.

" Kakaayos ko lang sa buhok ko, tangína mo talaga," tawang tawa lang ito na ikinaasar ko.

" Maganda ka naman kahit magulo, kahit seguro madungis ka," ani nito na ikinairap ko maya't maya lang ay dumating na sina Teff at   Dr.Alex dahil sabay narin kaming maglulunch.

" Tara na," hinila ni Max ang kamay ko na ikinatikhim ni Teff bago ito sumulyap kay Dr.Alex na nakatingin sa kamay ni Max na nakapulupot naman sa braso ko.Napangiwi ako pero hindi ko pinahalata ang isang bagay na mas lalong magbibigay awkward sa pagitan namin.

" Huwag kang masyadong dikit ng dikit kay Max, nagseselos si Dr.Alex," bulong ni Teff at bahagyang kinurot ang tagiliran ko na ikinapitlag ko.

Nang tumingin kay Dr.Alex ay wala na itong kibo at tipid akong nginitian.
Nagkibit balikat na lang ako at inirapan si Teff na pinag-ikutan ako ng mata.

" Mauna na kayo, may nakalimutan ako sa desk ko," nasabi ko nang mapansin ko na wala pala sa bag ko ang cellphone ko.

" Samahan na kita," presenta ni Max na agad kong inilingan.Si Dr.Alex ay napatingin sa akin na sinenyasan kong mauna na kaya tumango na lang din sila maging si Teff.

Nakasuot ang kamay ko sa dalawang bulsa ng uniporme ko habang papasok ako sa nurse's office, nang makapanhik sa loob ay naabutan ko si Avani na malapit sa table ko.

Tumaas ang kilay ko sa nakita."What are you doing?"naghihinala ko siyang tiningnan at nag cross arm sa harapan niya bago ko pinasandahan ng tingin ang mga papeles na medyo messy.

" Ano na naman bang kalokohan yan Avani?"

" None of your business," nakagat ko ang ilalim ng pisngi ko at nang akto siyang lalagpas ay mahigpit kong nahawakan ang braso niya bago ko siya tingnan ng seryuso.

" Kapag nalaman ko na may nangyari sa mga papeles na nandito sa table ko humanda ka, huwag mo akong subukan Avani ayaw kong makipaglokohan pero tandaan mong maikli lang ang pasensiya ko," madiin kong sabi na ikinangisi niya.

" Hindi kita uurungan," she uttered.Tila nanghahamon pa.

Tumingin siya sa kamay ko at inalis iyon sa braso niya at pinagpagan ang braso niyang nahawakan ko.Tumaas ang sulok ng labi ko at huminga ng malalim nang tuluyan na siyang makaalis.Madiin ang pagpikit ko bago ako napabuga ng hangin.

OWNED BY POSSESSIVE  MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now