CHAPTER 20: DON'T REGRET THIS NIGHT

403 9 0
                                    



WARNING: R.18 Not suitable for young and closed minded reader.Please do skip if you don't want to read.

•ZEPHEANNA POV•

Ako kasi ang uri ng tao na mas inuuna ang pride kaysa ang magpakumbaba, that's how I am and since childhood even if it's my fault, I don't apologize, except to my parents.Kung hindi ako papansinin puwis iyon din ang gagawin ko.

Pero ang bagay na pagsisisihan ko din pala sa huli, na sana hindi sinabayan ang daloy ng hindi pagpansin sa akin ni Harry.

Kapag tinatanong ko siya kung ano ang problema sabi niya wala naman daw, wala pero bakit hindi niya ako pinapansin?

It's been two days na siyang hindi nagpakita nagpaalam naman siya na mabubusy siya pero nakokonsensiya ako dahil umalis siya sa mansion nang hindi kami okay, nang hindi kami nagkakaintindihan.It's my fault, inaamin ko na ako may kasalanan pero iyon ang plano ko.

Ang tanungin siya kung ano ang nagawa ko dahil narealize ko na hindi ko pala kaya kung tumagal pa ito, nakakadismaya sa sarili, dalawang araw na pakiramdam ko umabot na ng buwan at ang laki ng pagkakasala ko sa kaniya.

Namiss ko si Harry, na malambing kahit napakaseryuso sa totoong buhay, na mabait kahit demonyo kapag nagagalit.Nakita ko na ang side niya pag-galit siya at oo sobrang nakakatakot siyang magalit.

" Hija?" napalingon ako kay Manang na nakangiting papalapit sa gawi ko.Nandito ako sa garden place gusto kong magpahangin dito, niisip ko si Harry.Dapat ako mismo ang gagawa ng paraan para maayos ang dapat ayusin.

"Manang umupo kayo dito,"

" Salamat Hija napadaan lang kasi ako at nakita kita parang may problema," ani ni Manang at mataman akong pinagmasdan na ikinayuko ko at ikinakagat ng labi ko.Ipinagtiklop ko ang kamay ko at tumingin sa kaniya.

" Okay lang po ako Manang," ngumiti ako,ngiting hindi abot tainga.

" Alam kong hindi ka okay Hija, nakangiti ka pero iba ang pahiwatig ng mata mo," napaiwas ako ng tingin sa kaniya.Manghuhula ba si Manang para mabasa nakikitang emosyon sa mukha ko?

" Hija hindi sa nangingialam ako pero may problema ba kayo ni Harry?"

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kaniya kasabay ng pagtango ko. "Pansin ko kasi na may iba sa kinikilos ninyong dalawa,"

" H-hindi ko nga din po alam, ayaw niya akong pansinin at kahit alam ko na may mali ay sinabayan ko siya,"napayuko ako at nahihiya kay Manang para nga talaga akong isip bata.

Nasanay narin kasi ako kung walang papansin sa akin puwis hindi ko din sila papasinin, pero iba si Harry hindi ko dapat ginagawa iyon sa kaniya dahil mas lalo kaming hindi magkakaintindihan.

" Sa bagay Hija sa relasyon hindi mawawala ng tampuhan at hindi pagkakaintindihan pero dapat isa sa inyo ang susulusyon dyan," hinawakan ako ni Manang sa braso habang nakangiti parin ang labi.Nalulungkot na lamang akong napatingin sa kawalan.

" A-ako po kasi ang may problema ako din ang nagpapalala sa sitwasyon sana inayos ko na ito sa una pa lang, hindi pinairal ang pride ko," napapailing ako, nadidismaya sa sarili.

" Alam mo Hija hindi naman mahirap mahalin si Harry, madali siyang umitindi pero minsan sa mga lalaki kasi kahit ikaw pa ang gumawa ng kasalanan basta't kinausap mo siya at humingi ng pasensiya okay na iyon sa kanila, pagpasensyahan mo na si Harry mula pagkabata matampohin talaga iyon," natawa pa si Manang kaya maski ako ay natawa.Bukod sa matampohin ay seloso pa.

" Ako na po ang bahala kapag nakauwi na siya aayusin ko ito,"napangiti ako kay Manang, kailan kaya uuwi si Harry gusto ko narin maging okay kami.Tsaka ako na ang susuyo.

OWNED BY POSSESSIVE  MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now