CHAPTER 6: IRRITATING ACTOIN

467 12 0
                                    



["Sweetie don't worry I'm okay tsaka you know naman na inaalagaan ako ni Manang here," ]

Kahit may lagnat nagagawa pa nitong mag-inarte, konyo siya minsan magsalita at oo medyo maarte si Mom.Sumulyap ako sa relo ko at napabuntong hininga na lamang.

" Mom wether you like it or not after ko dito pupunta ako dyan, ako ang mag-aalaga sayo that's the final Mom don't refuse," narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya dahil sa sinabi ko.

Hindi ko kasi matiis lalo pa't masama ang pakiramdam niya gusto ko ako ang mag-alaga sa kaniya, tsaka nangangamba ako paano kung may gawing kalokohan si Elena?

Naiisip ko habang nagluluto ang mga Yaya sa kusina tapos uutusan niya ang Yaya na umalis mona then lalagyan ng lason ang pagkain, ang advance ko mag-isip pero diko talaga maiwasan.

Kadalasan nangyayari iyon sa mga napapanood ko sa teleserye na nilalason ang legal para masolo ang husband, wala talaga akong tiwala sa mag Ina lalong-lalo na si Elena.

" Mom be agree," halata ang iritasyon sa boses ko.

[" O-okay fine sweetie, thank you.Ang suwerte ko na naging anak kita,] napangiti ako sa kadramahan ni Mom pero parang hinaplos ang puso ko.

After ko sa work maaga narin akong nag-out at nirason si Mom na agad namang naintindihan ni Doc.Mich, tinawagan ko si Tayla na huwag mona pumasok sa ospital para mabantayan si Freo.

Ngayon lang din walang time si Harry sa anak niya nag-paalam naman siyang magiging busy siya, actually a few days have passed and I can say that he is a good father, he always devotes time and attention to our son.Bagay na ikinahanga ko sa kaniya.

" Magandang gabi Señorita Heanna,"

Bungad ng mga kasambahay nang pumanhik ako sa mansion ngumiti ako sa kanila at binati pabalik hanggang sa mapatingin ako sa taas at naroon si Elena na masamang nakadungaw sa akin.

" Kapal naman," naibulong ko at napaikot ang mata, iginala ko ang paningin ko at nakita si Dad na nakasuot pa ng business attire marahil kakauwi lang niya galing kompanya.

" Anak?"

Napahinto ito sa pagluwag ng necktie niya at akmang lalapit ngunit agad na tumalikod ako at nagtungo sa taas sa kabilang hagdan ako umakyat.I know that what I did to Dad was disrespectful but until now we are not getting along.

Masama parin talaga ang loob ko kahit pinagalitan niya si Cherry dahil nagawa sa anak ko.

Napasulyap pa ako nang makarating na ako sa hagdan at nakita ang pagyuko ni Dad habang may kung anong pait na ngumiti sa kawalan.

" Hija?"

Nakangiting lumapit si Manang na may dala pang palanggana.

" Manang kumusta si Mom? Is she really okay?" halata ang pag-aalala sa boses ko.Hindi nawala ang ngiti ni Manang at marahan akong hinawakan sa balikat.

" Huwag kang mag-alala Hija okay lang ang Mama mo, hindi naman mataas ang lagnat niya," nakanguso parin ako na mahina niyang ikinatawa, nang pumasok sa kuwarto ni Mom ay tulog narin ito sa kama niya.

Napaupo ako sa tabi niya at hindi maiwasang pagmasdan si Mom, sobrang laki ng paghanga ko sa kaniya dahil sa kabila ng ginawa ni Dad sa pamilya ay natiis niya ang lahat.

Mula sa pagpatira ni Dad sa babae niya ay natiis niya, paano niya nagawa ang bagay na iyon samantala ako na anak lang ay hindi ko matiis, ang dali kong masaktan lalo na kapag kasama ni Dad ang kabit niya.

Hindi naman ganito dati e, sobrang saya namin, sobrang saya ng tao sa buong mansion pero parang naibaon na lang sa hukay ang mga masasayang pinagsamahan namin.

OWNED BY POSSESSIVE  MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now