CHAPTER 35: GOODBYE

379 9 3
                                    



•THIRD PERSON POV•

Zeph's heart hurts so much, she feels deep self-pity.Matinding pagsisisi na sana noong panahon na iyon ay nagpatuloy siya sa pag-imbestiga na sana noong panahon na iyon ay hindi niya sinukuan ang Daddy niya.

" S-Señorita Heanna patawarin mo ako k-kung ngayon ko lang ito sinabi," nanginginig ang babae at tinulungan si Zeph tumayo, "T-takot na takot ako, p-pinagbantaan nila ang buhay ko at ang buhay ng p-pamilya ko,"

" Napakasahol nila," Zeph said and she cried even more.Nanginginig ang kamao at galit na galit.Wala siyang naramdaman kundi sakit sa nalaman, galit sa step-mohter niya at awa sa mga kasambahay  na pinatay nito.

" N-ngayon alam mo na ang totoo p-please u-umalis kana b-baka mapahamak ka Señorita Heanna-" umiling si Zeph at hinawakan ang babae sa braso.

" Sumama ka sa akin, oras na para makawala sa kanila h-huwag kang mag-alala poprotektahan kita, pagbabayaran nila ang kahayupang ginawa nila,"may pangamba pa sa mata ng babae at lumingon sa gate, natitiyak niya na hindi siya pababayaan ni Heanna kaya sasama narin siya.

" How is he?" dahil sa malamig na boses natigilan si Zeph at ang babae, kitang kita ni Zeph ang isang lalaki na may malaking katawan ngunit nakatalikod at si Margaret na may hinihithit pang segarilyo.

" Sabi ng Doctor malala ang kondisyon niya," seryusong usal ni Margaret at ganon lamang ang lalaki ay seryuso ang mukha habang nakikinig kay Margaret.

" You better take Morris, he needs to know that I am his biological father," nakapamulsa ang lalaki na ka-edad kang ni Harry.Samantala si Zeph mula sa pagkakatago ay labis ang pagkagulat sa narinig.

" So you worried now huh?"ngumisi si Margaret. "Akala ko ba kahit namatay ang anak natin ang mahalaga ay nakinabang tayo sa kaniya," dahil sa kataga ni Margaret ay mas lalong nagulat si Zeph at napailing-iling.

Hindi anak ni Harry si Morris at ang mas malala pa'y ang sariling Ina at Ama ay ginagamit ang bata.Poor Morris he doesn't deserve to have heartless and careless parents.

" We are still his parents," cold na sabi ng lalaki.

" So paano ang plano natin?" naging malambing ang boses ni Margaret at kasabay ng pagtapon ng segarilyo.Malandi ang bawat hakbang nang lumapit sa lalaki at hinalikan ito na agad namang tinugunan ng lalaki na parang wala ng bukas.

Sa isip ni Zeph kailangan niyang makaalis kaagad para sabihin na nagsisinungaling lang si Margaret.

" Alam mo namang mahal kita pero papayagan kita sa plano mo, kunin  mo si Zeph at akin si Harry tutal matagal mo naman siyang gusto simula pa lang diba?" sabi ni Margaret na ikinanlaki ng mata ni Zeph at nang tumingin sa lalaki ay halos manlaki ang mata niya.

'Si Dr.Alexandro?'

' Ang Ama ni Morris ay si Dr.Alexandro?' sa isip ni Zeph.

" Deal," usal ni Dr.Alex at ngumisi. "Thank you for your help as long as you don't tell the secret," usal ni Dr.Alex at muling hinalikan si Margaret.Si Zeph na halos hindi makahinga dahil sa kabog ng dibdib at hindi makapaniwala sa nalaman.

" Mananatili ang sekreto until now he still doesn't know who is the Master Mind of the group that is fighting against him, he will not know that you are the one behind everything," ani nito na ikinangisi ng lalaki.

Nanlaki ang mata ni Zeph at napatakip sa bibig niya.Nagkatinginan sila ng babaeng kasama niya na ngayon ay nanginginig parin sa takot na baka makita silang nagtatago banda sa likod ng puno.Malapit lang sa dalawa.

'Dr.Alex hindi ko alam na may nakatagong kasamaan pala dyan sa puso mo,' usal ng utak ni Zeph.Hindi makapaniwala na ang kilalang mabait na doctor ay hindi oldenaryong tao bagkos may organisasyon din itong pinamamahalaan na isa sa pinaka-leader ng kalaban ni Harry.

OWNED BY POSSESSIVE  MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now