CHAPTER 22: FILE AN ANNULMENT

373 7 0
                                    


•ZEPHEANNA POV•

I couldn't help but cry why we got to this situation? Why Dad became the devil? Ang hirap tanggapin na ganon siya tapos si Mommy pinakiusapan ko na sumama sa akin pero ayaw niya.

Umabot sa puntong umiyak ako, nagmakaawa pero hindi niya daw susukuan si Dad at mag iimbestiga siya kung ano ang ginawa ng Eleneng iyon.Pinahid ko ang luha ko nang huminto ang taxi sa malaking gate ng mansion ni Harry.

Hawak ko ang pisngi ko dahil kanina pa 'to namamaga, kailangan ko muna itong lagyan ng yelo at lagyan din ng ointment para mabawasan ang pamamaga, medyo kumikirot siya sa sakit na medyo mahapdi.

" Mommy! Mommy you're here!" napangiti ako nang makita si Freo na tumakbo sa puwisto ko.Sobrang sigla ng boses niya at nakikita ang pagkagalak.

" Good evening," ngiting bati ni Harry na ikinatingala ko sa kaniya, nakapamulsa siyang naglakad na parang modelo maging sa paglakad ay banayad at sobrang guwapo habang suot ang business attire.

Hinalikan ko si Freo ng maraming beses hanggang sa muli itong tumakbo sa mga laruan niya, mula sa pagkakaluhod ay tumayo ako hanggang sa makalapit si Harry kasabay ng paghawak sa bewang ko, hinapit ako para dumikit sa kaniya.

" Amm, kakauwi mo lang ba?" nakaiwas kong tanong, ayaw kong mapansin niya ang pisngi ko kaya hindi ko inalis ang palad sa pisngi ko.Tiningnan niya ako at napakunot noo.

" Yeah, bakit mo tinatakpan ang pisngi mo?" nagtangka pa siyang alisin ang kamay ko na ikinaiwas ko sa kaniya.Nagugulohan niya akong tiningnan at sinusuri ako ng berde niyang mata.

" W-wala 'to huwag mong pansinin," ngumiti ako. " Pupunta muna ako sa kuwarto," dagdag ko pa, isa na din 'to sa paraan ko upang makaiwas sa kaniya.Hindi pa siya pumapayag ay nilagpasan ko na siya at ramdam na nalilito siya.

Pagkapasok sa kuwarto ay napabuntong hininga na lamang ako.Lumapit ako sa salamin at nakita na parang nakadikit ang kamay ni Daddy, nakagat ko ang labi ko kasabay ng pagtulo ng butil kong luha.

Gusto kong sumigaw habang umiiyak nang sa ganon ay mailabas ko ang mabigat dito sa dibdib ko.Bakit?

Bakit kailangang umabot sa puntong iyon? Bakit kailangang mangyari pa ang bagay na iyon? Okay naman ang lahat kahit di ko pinapansin si Daddy.

Napasinghap ako at mabilis na pinunasan ang luha ko nang marinig ang pagbukas ng pinto.Alam kong nakatingin siya sa akin pero hindi ako humarap hanggang sa nasa likuran ko na siya.

" Face me mi amor, I want to see what you've been hiding," halata ang seryuso niyang boses at hinawakan ang magkabilang bewang ko.Wala akong choice nang paharapin niya ako sa kaniya at nakita na nagulat siya.

" Fvck! Who did this?" naitanong niya na ikinayuko ko.Nanlamig ako sa boses niya malamig na sobrang mapanganib, medyo nakakakilabot.Kinagat ko ang lower lip ko nang hawakan niya ako sa baba at pinirmi ang mukha ko sa direksyon niya.

Masyado siyang matangkad, malaki ang katawan habang nasa harapan niya ako.Pagtingala ko sa mukha niya ay nakita ko at pandidilim ng mata niya, nag-iba ang aura at nakita ang pag-igting ng panga niya.

" Who?" he asked again.Hinaplos niya ang namamaga kong pisngi sa masuyong paraan.Nakikita ko na nagagalit siya, para siyang papatay ngayon.Halos hindi maipinta ang mukha niya, kinakabahan ako.

" S-si Daddy," pigil iyak kong sabi.

" What?"

Ang bigat ng dibdib ko, hindi ko napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko kasabay ng pagsubsob ng mukha ko sa dibdib niya, niyakap ko siya habang humahagulgol.Ang bigat sa dibdib.

OWNED BY POSSESSIVE  MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now