CHAPTER 30: I PREPARED THIS

290 5 0
                                    



•ZEPHEANNA POV•

" Ma'am ito po," agad na inabot ko ang tubig na binigay ng sekretarya ko.Salamat nairaos ko ang presentation kahit naiilang ako at ramdam ko ang sobrang bigat ng presensiya ng lalaking kaharap ko.

Promise habang nasa unahan ako ay pakiramdam ko tutok na tutok siya sa akin, ramdam na ramdam ko na parang ang lagkit ng presensiya ng mga tingin niya hindi ko maipaliwanag.

Nakahinga ako ng maluwag at nakaupo na, pinipilit kong ngumiti sa harapan ng client ko at sa board member bago ako napayuko at humawak sa leeg ko, ano ang meron sa kliyente ni Lolo at bakit iba ang presensiya, pamilyar?

Never mind.

Mula sa pagkakayuko ko ay kagat ko ang labi ko at marahang tumingin sa direksyon ng lalaki, mabillis pa sa kidlat akong napaiwas nang makitang nakatingin siya sa akin.

Kahit naka-eyeglass alam ko na sa akin siya nakatitig.Napahimas ako sa leeg ko at inayos ang skirt ko, medyo maikli pero sanay naman ako.

I'm confidently beautiful to face many people hindi naiilang pero bakit ganon hindi ko maipaliwanag kung bakit iba iyong presensiya ng lalaki.Uncomfortable ako.

Nagawa ko siyang pagmasdan kanina.Perpektong jaw line at matangos na ilong.Malinis manamit at banayad gumalaw, parang guwapo ang mukha niya at sobrang kinis ng pisngi.Walang pimple.

May naalala lang akong pamilyar sa feature ng katawan niya.But I just ignore his presence at sinubukang tumingin sa mga board member.

Ayuko siyang e-entertain tanging ang sekretarya ko lang, oo alam ko na dapat ako ang kumausap pero iba ang pakiramdam ko sa kaniya.Kaya embes na pagtuunan siya ng pansin ay isa sa mga Saffa Man ako nakatutok, isa itong board member.

Na manliligaw ko.

" Let's eat together," he said softly at humawak sa bewang ko, actually hindi ako nagpapaligaw pero makulit siyang tao handang gawin ang lahat para mapalapit sa akin.

" Okay later, Gerald," ngiting wika ko at inalis ang kamay niya sa bewang ko, ramdam ramdam ko ang masamang tingin na nakatutok sa direksyon ko kaya naman ay pinilig ko ang ang ulo ko at nakita ko ang kliyente ni Lolo, nakangisi ang labi na ikinaiwas ko ng tingin sa kaniya.
--
"Mr. I know you've already made a deal with Grandpa about your discussion. We have an upcoming activity, and I hope you can attend," feeling anxious, but I ignored it.

Nakaupo siya sa harapan ko habang nakacross arm siya, para nga siyang Hari sa katayuan ngayon, naiilang man ay ngumiti ako at nagtataka na hindi niya inalis ang eyeglass it seems familiar.

Tumikhim ako at ngumiti." I hope you won't take offense, but I believe it would be more appropriate if you removed your eyeglasses so I can formally recognize your face, Mr." I politely said dahilan kaya nakita ko na gumuhit ang ngisi sa labi niya.

He brush his hair in a attractive way, sobrang guwapo niya sa paraan na iyon at bahagyang napadila sa mapula niyang labi, hindi ko maintindihan ang pakiramdam kaya napalunok ako sa ginawa niya.

" Do you really want to see my handsome face?"

I chuckled at napahawak sa leeg ko. " Hindi lang mayabang ang hangin din pala," bulong ko at ang akala ko ay hindi siya Pinoy,  akala ko hindi niya naintindihan ang sinabi ko kahit napalakas man ang pagkakabigkas ngunit nagkamali ako.

"Did you think I didn't understand what you said? I'm Filipino, and I know exactly what that word means," umawang ang labi ko sa sinabi niya, ano isa siyang Pinoy? Bakit ba kasi hindi ko nakita ang information record ng lalaking 'to.

OWNED BY POSSESSIVE  MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now