CHAPTER 26: FINISHED BEARING

466 11 0
                                    



• ZEPHEANNA POV•

I reached the point where I doubted our relationship, what Harry did if he really loved me? P-pero walang pagdududa sa akin dahil alam ko na mahal niya parin si Margaret.

Well masisisi ko ba siya? Margaret is his first love, the girl he became his first girlfriend and the first girl he loved so much.Kung sinabi ko ba sa kaniya na paalisin niya si Margaret gagawin niya ba iyon?

Napatawa ako ng pagak sa naisip, malamang sa malamang hindi dahil sa totoo lang masaya siya na nagbalik si Margaret sa buhay niya.Hindi niya sinasabi pero iyon ang nararamdaman ko.

Napasinghap ako, humihikbing napahawak sa dibdib ko na sobrang sakit at ang sikip.

Nahihirapan akong huminga dahil dito.Maaga akong nagising at bumangon kaagad mabuti ay hindi nahalata ni Freo ang pag-iyak ko.

Pumunta ako sa ospital para makaiwas kay Harry dahil ayaw ko siyang makita at makausap dahil kanina ay todo pa siya sa pagpigil para makausap ako.Sa tuwing nakikita ko siya palaging nagrereflect sa utak ko ang nakita ko sa kusina.

" Okay ka lang talaga?"

" Nope, she's not okay Teff she appears pale. I believe it's necessary for her to undergo a check-up immediately," nilingon ko si Max at Teff na nag-aalalang nakatingin sa akin at umiling sa kanila.

" I'm okay," I uttered.

Sa ganitong ayos ko ay nagagawa ko din naman ng mabuti ang trabaho ko, pinipilit kong maging okay at inaabala na lang ang sarili para hindi ko maisip ang nangyari, na hindi ko maisip ang ginawa ni Harry.
----

I went home to the mansion and found Harry waiting outside. I entered quietly and passed by him, but he immediately stopped me.

"Talk to me amor, a-about what happened last night-" I interrupted him, looking at his eyes without emotion.Ipaglalaban ko sana siya kung nalaman ko na ako lang ang mahal niya, pero ngayong nalaman ko na mahal niya pa si Margaret parang nawalan ako ng lakas, ng pag-asa.

" Hindi na kailangan, ngayon ay naiintindihan ko na," napaiwas ako ng tingin parang nagbabadya na naman ang luha na gustong tumakas sa aking mata. "P-pero sana man lang Harry diretso mo nalang sinabi na mahal mo parin siya maiintindihan ko naman,"

" Amor, you are the only one I love. T-that night, you were just mistaken in your suspicion, and I don't know what happene-"

" Kasi nagpadala ka, Harry.Umepekto ang halik niya sayo kaya kung maghalikan kayo ay para wala ng b-bukas," pumiyok ang boses ko at hindi napigilang lumuha.Nagiging emosyonal na naman ako dahil hindi ko magawang magpigil.

He shook his head, nakikita ko ang pagkadismaya at ang takot sa berde niyang mata.Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at nagsusumamo akong tiningnan ngunit winaksi ko ang kamay niya at pinahid ang luha ko.Inayos ko ang pagtayo ko at umaktong parang wala lang.

" Isa lang ang gusto kong marinig kahit nakikita at narararamdaman ko," napasulyap ako sa kawalan, kapag naging honest siya sa oras na ito ako mismo ang magbibigay kalayaan sa aming dalawa.Mahirap, oo mahirap lalo pa't minahal mo ng sobra.Wala ng mas hihirap.

" Do you still l-love her?"

" What a nonsensical question is that?" nakikita ko na nahihirapan at nasasaktan siya.Napasabunot pa siya sa buhok at buntong hiningang namewang sa harapan ko.Mabuti't walang masyadong tao sa puwistong 'to.

" I need your answer, do you?"

" No, because you are the one I love," he said huskily but I just laughed sarcastically. Masarap pakinggan pero parang nagkaroon ako ng trust issue sa kaniya at ngayon ay hindi ko magawang paniwalaan kung anuman ang sinabi niya.Para kasing hindi siya segurado.

OWNED BY POSSESSIVE  MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now