At dahil may pasok si Tayla sa ospital tuwing gabi ay napapadalas naman ang pag-stay namin ni Freo sa mansion ng Daddy niya, hindi naman labag sa loob ko iniisip ko din ang mararamdaman ni Freo.
Tsaka wala namang mali do'n boyfriend ko din naman si Harry, para na nga kaming tunay na mag-asawa sa setup namin ngayon.Kasal na nga lang talaga ang kulang.
Madalas na din kaming magtabi sa iisang kama maliban sa parusa niya noong gabing iyon ay wala pa namang nangyayari sa amin katulad ng unang gabi namin.
" Nasaan si Harry?" naitanong ko kay Gav dahil himala na hindi ang lalaking iyon ang sumundo sa akin.Kakatapos ko lang sa work ko medyo pagod dahil ang daming pasyenteng inasikaso.
" Busy si Boss, Ma'am. May pinuntahan," halata ang paggalang sa boses ni Gav, naalala ko na isa siya sa mga lalaking nagharang noong nasa ospital kami ni Freo, 'yong pilit kaming pinapunta sa room 205 which is Harry's room.
" Bakit hindi si Justin ang nagsundo sa'kin?"
" Bakit Ma'am ayaw niyo ba sa akin?" marahil na offend siya at nakita na napanguso ito na ikinaawang ng labi ko.Hindi naman sa ganon pero kasi si Justin ang madalas na nagsusundo sa'kin.
" Hindi naman ganon ang pinupunto ko, nagtataka lang ako," napakagat ako sa labi ko at umiwas ng tingin sa kaniya na ngayon ay mahina siyang natawa, actually friendly siya katulad din ni Justin.Hindi lang ako sanay sa kaniya.
Si Luke na kasamahan nila ay katulad lang ng Boss niya medyo cold ang isang iyon, hindi katulad nina Gav at Justin na may pagka-friendly side.
Nakaramdam na naman kaagad ako ng pagkasabik na makita si Freo, tiningnan ko ang madami niyang litrato sa gallery ng phone ko at napangiti na lang bigla.Kahit saang anggulo tingnan ay nagre-reflect parin ang mukha ni Harry.Parang namiss ko din bigla si Harry.
" Magandang gabi Ma'am," nakayukong bati ng iilang kasambahay nang makita ako na ikinangiti ko sa kanila.
Agad na hinanap ko si Freo at sabik na itong yakapin.Pansin ko na hindi ko makita ang iilang tauhan ni Harry kaya napakunot ang noo ko hanggang sa makita ko si Manang na malawak ang ngiti sa akin.
" Nandito kana pala, Hija,"
" Kakadating lang ho, nasaan po ang anak ko?" hindi ko maiwasang magtanong at akmang sasagot na si Manang nang biglang may lumitaw banda sa taas ng hagdan na ikinangiti ko.
" Mommy!" masayang sigaw ni Freo at tumakbo pababa, kinakabahan ako na baka maaksidente siya lalo pa't may kataasan ang hagdan at oo madulas iyon.
" Baby don't run," may pag-aalalang wika ko hanggang sa tuluyan na nga itong nakalapit sa akin, napailing-iling akong tumingin kay Manang.Wala pa talagang alam na delikado ang ginawa niya.
" Don't do that again, okay?"
He nodded" I'm sorry Mommy, I just want to hug and kiss you," nasa bisig ko na ito habang nakayakap ang maliit niyang braso sa leeg ko.Nacucutan ako sa mukha niya at hinalikan siya sa matambok na pisngi.
Nagpaalam ako kay Manang na aakyat na muna kami sa taas habang karga si Freo na todo ang paghalik sa pisngi ko.Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti at tila naglaho bigla ang pagod ko nang makita si Freo.
" Dito ka muna," inilapag ko siya sa kama habang nakatingin siya sa akin.Nangigil ako sa tuwing tumitingin siya sobrang cute niyang bata. Gusto ko siyang yakapin at paulanan ng halik pero kailangan ko munang maligo.
" Where's your Daddy?"
" He is busy and he's at the cottage with many people," napakunot ang noo ko sa sinabi nito pero alam ko ang tinutukoy niya marahil ang mga tauhan ng Daddy niya.Nasa Garden Place ata iyon.
YOU ARE READING
OWNED BY POSSESSIVE MAFIA BOSS
RomanceWARNING : R.18 Harry Ferrer Aguztiano engaged in a casual sexual encounter with a woman at a bar. Subsequently, he discovered that the woman, known as Zephanna Mae Bonales, became pregnant. Initially, their relationship appeared to be satisfactory;...