CHAPTER 39: MEETING

220 6 0
                                    



•ZEPHEANNA POV•

I was too shocked to the point na hindi ako makagalaw sa puwisto ko.Napakagat ako sa lower lip ko habang nakikita ang gulat at hindi makapaniwalang tingin niya.

Ni hindi ko man lang naramdaman ang kirot ng paa ko parang kanina ay halos hindi ko makayanan ang sakit.Bakit ba kasi kailangan pang mahulog ang maskara ko, ito na ba ang right time para malaman niyang buhay ako?

Bakit palagi na lang atat ang tadhana na pagpatagpuin kaagad ang landas namin?

What should I do?

" I-Is that really you, amor?" tanong nito na napupuno ng pagtataka, umamba siyang lumapit sa akin subalit bigla na lamang may nagpaputok sa likuran ko na pinaputukan din ni Harry.Kabado man ay lumingon ako sa likuran ko at nakitang nakahandusay na ang lalaki na walang buhay.

He saved me.Marahil katapusan ko na kung hindi binaril ni Harry ang mga tauhan ni Elena.

" Save your self, amor! " sigaw nito nang makitang sunod-sunod na dumating ang mga tauhan ni Elena na may dalang baril.Mabilis kong kinuha ang maskara ko at sinuot iyon bago ako tumayo.

Madaming kalaban tsaka mag-isa lang si Harry hindi din naman kaya ng konsensya ko kung hahayaan ko siya, sinimulan ko ang gulo kanina kaya hindi siya dapat maiwan dito.

" Leave immediately," umiling ako sa sinabi niya, hindi ko iyon gagawin hindi ko hahayaan na lalabanan niyang mag-isa ang mga tauhan ni Elena, alam ko na kaya naman niya pero hindi ko maseseguro ang kaligtasan niya lalo pa't paparating pa lang ang ibang kalaban.

" Amor!" he exclaimed, sumulyap sa akin pero mabilis ding lumingon sa harapan at pinaputukan ang mga kalaban bago siya nagtago sa malaking pader.

" Leave,"

" N-no, hindi kita iiwan," pagmamatigas ko, nakita ko ang pangamba sa berde niyang mata bago lumabas ng kunti at nagpaputok pero nagtago din pabalik.Sumulyap ako sa kalaban at hindi makapaniwala na grabeng dami ng mga alagad ni Elena.

" Save your self,"

" Hindi nga ako aalis! Hindi kita iiwan," ani ko at hinubad ang suot kong takong kasabay no'n ay humarap ako kay Harry at iwinasiwas ang kamay, gusto kong ibigay niya sa akin ang isang baril nakita ko pa ang madiin niyang pagtitig sa mata ko.

" Give it to me, baka mapatay tayo ng mga kalaban!"sita ko dahilan kaya nakita ko ang pagngisi niya, sa puntong iyon hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya sa kalagitnaan ng panganib nagawa pa niyang ngumisi.

" Harry, ano ba?!" naiinis na ako. " Gusto mo bang mamátay tayo?"

" Dámn of course not, amor, you need to fvcking explain what really happen to you," ani nito at bumalik sa seryuso ang aura bago binato sa puwisto ko ang baril niya.Agad ko iyon nasalo at tumingin kay Harry.

" 3, 2, 1, " I counted at sabay naming pinaputukan ang mga kalaban na ngayon ay nakikita ko ang mga pagbagsak ng katawan nila sa simento.

Sumulyap ako kay Harry at nagtagpo ang tingin namin bago kami tumingin sa harapan namin.Madami sila.Sobrang dami. " Be careful amor," malambing na boses ni Harry ang narinig ko, seryuso ang mukha niya pero napangiti ako sa katagang iyon.

Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay wala akong dapat pangambahan dahil nandito si Harry, parang nakalimutan ko ang gulat ko kanina nang mamukhaan ako.Kailangan kong ihanda ang sarili ko para maipaliwanag ang lahat ng nangyari at nalaman ko.

" Ikaw din, Harry.Mag-iingat ka," bahagya pa siyang natigilan at tinitigan ako, pananabik at pangungulila ang nakikita ko sa berde niyang mata tila gusto na ako nitong lapitan ngunit hindi pa niya magawa nasa kabilang side ako ngayon.

OWNED BY POSSESSIVE  MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now