The word 'what if' is the reason why my head hurts.Napuno ng katanungan ang utak ko na hindi alam ang sagot nalilito ako at oo umabot sa puntong nag-overthink ako kaya hindi ko maiwasang pukpukin ang sariling ulo.
' Zeph huwag mo ng isipin iyon, mali ka ng inaakala past is past ang mahalaga ay mahal niya ako. Mahal nga niya ba talaga ako dahil ako 'yong nandito?'
" Shít!" nagkukumahog akong bumangon at lumabas na lang sa kuwarto, actually 3 days narin simula ng makita ang litratong iyon so it means tatlong araw ng walang katahimikan ang isip ko, puro pag-iisip ang nangyayari lalo na kapag nag-iisa ako.
Kaya nga gusto ko ay palagi akong nalilibang ng tao sa paligid ko, iyong may nakikipag-usap sa akin para hindi ko maisip si Margaret.
I swear nangako ako na hindi ko na iyon iisipin pa pero tangína palagi siyang lumilitaw sa utak ko, palagi kong naiisip ang bagay na iyon.
Ako lang din mismo ang nagpapahirap sa sarili ko.I was waiting for him to tell about his ex-girlfriend para narin sana malinawan ako na talagang nakalimutan na niya ang nakaraan para iwas sa pago-over think.Para matahimik na ako.
"Nasaan si Freo nakita mo?" tanong ko sa isang kasambahay na minsan ay siyang nagbabantay kay Freo, gabi na pero dahil malawak ang mansion ay hindi ko siya makita kung saan-saan pumupunta ang batang 'yon.
Kakatapos lang ng work ko sa ospital nagkakayayaan pang mag-inuman ang team pero hindi ako sumama sina Tayla at Teff lang at ang iba pa naming kasamahan sa team,gusto ko nga magpahinga dahil parang pagod ako.
" Mommy," agad na naramdaman ko ang yakap ni Freo sa magkabilang tuhod ko habang nakatingala ang ulo sa akin.Nahawakan ko ang ulo niya at lumuhod para mapantayan ito.
" Where are you going?" mahinanon kong tanong habang nakatitig sa akin ang berde niyang mata.
" Tumambay siya sa labas Ma'am at doon naglaro para hintayin ang young master," Yaya na ang sumagot sa tanong ko na ikinatango ko at ngumiti sa anak ko bago ko ito kargahin.
Busy ang Daddy niya ngayon narinig ko kay Gav na abala ito paghahanap sa bagong kumakalaban sa Boss niya.
Nag-aalala na naman tuloy ako sa lalaking iyon,nauna na kaming kumain ng dinner at nang matapos ay hinayaan ko si Freo na nanonood pa ng Cartoon Movie kaya naglakad-lakad muna ako sa labas, medyo malawak at maganda ang kahit saang parte dito.Sobrang yaman ni Harry.
Napaupo ako sa bench at tinanaw ang mga bulaklak na may iba't ibang klase at kulay.Maganda.
May mga iilang tauhan naman na nakabantay sa mansion pero wala dito iyong karamihan, mukhang sumama sa Boss nila.
" Aren't you cold out here?" rinig ko ang baritono na nahahaluan ng paglalambing ang pamilyar na boses na 'yon.
Pag-lingon ko sa kanan ay nakita ko si Harry na nakapamulsa habang namumungay ang matang nakatitig sa akin.
" Harry," ngiting banggit ko at pangalan niya at napatayo kasabay ng paglapit ko sa kaniya at napangiti na lang, pinakiramdaman ko ang puso ko na sobrang lakas ng pintig hanggang sa tumingkayad ako at mahina siyang hinalikan.
" Ehem!"
Napalingon ako sa likuran niya nang marinig ang tumikhim, halos manlaki ang mata ko at nakaramdam ng hiya nang makita sina Gav, Luke at Justin maging ang ibang tauhan niya na umaktong may pinag-usapan sila.Nakita nila 'yon?
Naitago ko tuloy ang mukha ko sa malaking katawan ni Harry, ang landi ko naman eh kasi namiss ko siya.Iyon nga lang nakita pa kami.
Sa totoo lang nasa pribadong place kami naghaharutan pero sa public siyempre hindi nakakahiya kahit sa mga tauhan niya.
YOU ARE READING
OWNED BY POSSESSIVE MAFIA BOSS
RomanceWARNING : R.18 Harry Ferrer Aguztiano engaged in a casual sexual encounter with a woman at a bar. Subsequently, he discovered that the woman, known as Zephanna Mae Bonales, became pregnant. Initially, their relationship appeared to be satisfactory;...