Kabanata 18

31 3 0
                                    

"NAKAKATUWA naman ang umpisa ng love story n'yo ni Lolo Badong, Lola," kinikilig na wika ni Marisse.

"Oo nga, imagine in fourteen days, na-in love kayo sa isa't isa," sabi naman ni Kim.

"Uso na pala ang love at first sight noon, ano?" nakangiting sabi ni Sam.

Huminga si Soledad ng malalim. "Hindi ko ba malaman kung anong mayroon diyan sa Lolo ninyo at napaibig ako. Aba'y nuknukan naman ng babaero noong araw," natatawang sabi pa niya habang pinupunasan ang luha sa mga mata.

"Siguro Lola, mahal na mahal n'yo si Lolo."

Ngumiti siya at tumingin sa mga apo. "Sobra. Sobrang sobra."

"Eh Lola, hindi ba sabi n'yo pagkatapos mo siyang sinagot kinabukasan bumalik na kayo sa Maynila. Paano kayo nakapag-usap? Eh wala pa naman internet noong araw," tanong pa ni Ged.

"Eh telepono, Lola? Hindi ba may telepono na rin noong araw? Hindi ba kayo nagtawagan na lang ni Lolo?" tanong naman ni Sam.

"Probinsiya iyon, hindi uso sa amin ang telepono noong araw. Kahit kami noong araw na medyo nakakaangat sa buhay ay walang telepono," sagot niya.

"Kung ganoon po, paano kayo nag-uusap?" tanong ulit ni Ged.

"Sulat. Regular kaming nagsusulatan," sagot niya.

"Ah, that's so sweet," komento pa ni Marisse. "I really love receiving hand written letters. Sa panahon ngayon na nabubuhay na tayo sa technology na isang pindot lang makakatawag or text ka na, and even chat at makakausap mo 'yong gusto mong kausapin. Handwritten letters are very rare nowadays."

"Tama ka diyan. Kaya ako kinikilig talaga kapag nakakatanggap pa rin ng sulat galing kay Mark. Kahit na mag-asawa na kami at may mga anak na, pakiramdam ko nililigawan pa rin niya ako," kuwento pa ni Kim.

"Lola, may naitago pa ba kayong mga sulat ni Lolo para sa inyo?" tanong pa ni Marisse.

Tumingin si Soledad sa isang lumang baul na nasa paanan ng kama saka tinuro iyon sa mga apo.

"Doon. Sa baul na iyon. Naroon ang mga sulat."

Mabilis na lumapit doon si Ged at Kim. Nang buksan ay napasinghap ang dalawa sa nakita.

"Oh my god, Lola! Ang dami nito!" gulat na bulalas ni Kim.

Dahil doon ay lumapit din si Marisse at Sam at gaya ng dalawa ay nagulat din ang dalawa sa nakita. Halos kalahati ng laman ng baul na iyon ay puro sulat sa kanya ni Badong.

"These letters are from Lolo?!" hindi makapaniwalang tanong ni Marisse.

"At nagawa n'yo pang itago lahat?" tanong pa ni Sam.

"Nariyan na rin ang mga sulat ko para sa kanya," sagot niya.

"Lola, puwede ba namin basahin?" tanong ni Marisse.

"Sige, kumuha kayo diyan. Ingatan n'yo ha? Baka mapunit dahil sa tagal at luma ng papel."

Sinunod ng mga apo ang kanyang bilin. Maingat na kinuha ng mga ito ang mga sulat saka bumalik sa tabi niya. Napangiti si Soledad nang makita ang sulat na hawak ng apo na si Marisse. Kahit hindi makita ang nilalaman ng papel na iyon, alam na alam ni Soledad na iyon ang kauna-unahang sulat na natanggap niya mula kay Badong. Napasinghap si Marissen ang dahan-dahan buksan ang nakatuping papel.

"Ang ganda ng handwriting ni Lolo, parang pangbabae," manghang wika nito.


Ika-5 ng Hunyo, 1940

Tuwing DapitHapon (FOR PROMOTION ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon