"ANAK, ano ba ang ginagawa mo rito sa kusina?" nagtatakang tanong ni Donya Juana.
"Kanina pa nga ho namin pinipigilan, Donya Juana. Ngunit ayaw magpapigil," sabi naman ni Elenita.
Nakangiti siyang lumingon sa mga ito habang abala sa pagluluto.
"Huwag ho ninyo akong alalahanin, sanay na ho ako magluto. Sa gabi ho kasi ay mas gusto ni Badong ng isda at gulay," paliwanag niya.
Mayamaya ay napangiti ang kanyang ina. "Naku anak, bago sa aming paningin na nakikita kang aligaga sa kusina."
"Kailangan ho matuto eh at pagsilbihan ang asawa ko."
Mayamaya nang matapos siyang magluto ay ang mga kasambahay na ang naghain ng mesa. Mula sa kusina ay hinanap niya ang asawa at natagpuan ito doon sa sala habang kausap ang kanyang ama.
"Mahal, papa, pumarito na kayo sa kusina at kakain na," tawag niya sa mga ito.
Nakangiti siyang sinalubong ni Badong at agad umakbay habang papunta sa kusina.
"Anong niluto mo, mahal?"
"Gaya ng palagi mong gusto."
Nang makita nito ang hinanda niyang pagkain ay agad namilog ang mga mata nito at nakangiting lumingon sa kanya.
"Salamat, mahal," sabi pa ni Badong at hinalikan siya sa ulo.
Nang magsi-upo na sila at matapos umusal ng panalangin. Napalingon si Soledad sa asawa nang hawakan ang kamay niya.
"Bago tayo kumain, sabihin mo na sa kanila."
"Alin ang sasabihin n'yo?" sabad ng kanyang ama.
Tumikhim si Soledad at tumingin sa lahat nang masaya. "Buntis ho ako. Apat na buwan."
Napasinghap ang mga ito sa pagkabigla pagkatapos ay masaya silang binati ng lahat.
"Naku mga anak, binabati ko kayo!" masayang bulalas ni Donya Juana.
"Kaya pala may kakaiba sa'yo kanina nang una kitang makita. Iyon pala'y ikaw ay nagdadalantao," komento ni Ising.
"Anong balak ninyo ngayon?" tanong ni Don Leon.
Habang nag-uusap at nagsimula na rin silang kumain.
"Babalik din ho kami sa Maynila kapag nasiguro na namin na magaling na ang itay. Ngunit balak namin na umuwi at dito manganak si Soledad," sagot ni Badong.
Biglang bumakas ang lungkot sa mga mata ng kanyang ina.
"Babalik pa kayo doon? Bakit hindi na lamang kayo dumito?" tanong ni Donya Juana.
"Mama, napag-usapan na ho namin ni Badong ito bago kami umuwi dito at napagkasunduan na doon na manirahan. Sapagka't doon na kami nakapagsimula ng buhay na magkasama. Bukod ho roon ay naroon ang aming kabuhayan. Ako ho ay nagtuturo na sa paaralan doon sa lugar namin. Si Badong naman ho ay maganda na ang trabaho sa talyer at bigasan ni Ricardo. Bumibili rin ho sila ng mga lumang awto at inaayos iyon pagkatapos ay saka ibebenta. Medyo malaki na rin po ang kinikita namin doon, nanghihinayang kami kung iiwan namin," paliwanag ni Soledad.
"Mas marami ho kasing parokyano sa Maynila kumpara dito sa probinsya, malaking tulong ho ang kinikita ko para sa panganganak ni Soledad."
BINABASA MO ANG
Tuwing DapitHapon (FOR PROMOTION ONLY)
RomanceKilala si Badong bilang nangungunang pabling sa San Fabian. Pilyo at maloko. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa angking kakisigan ng binata. Ngunit nagbago ang lahat ng masilayan ni Badong ang magandang anak na dalaga ng Gobernador ng kanilang b...