NAROON si Soledad sa bahay ng mga biyenan ng umaga na iyon. Abala sila sa ginagawang kakanin na ibibigay sa mga mangagawa doon sa bodega kung saan naroon din si Badong.
"Inay, ganito ho ba?" tanong pa niya.
"Oo, ganyan nga, isalin mo lang pagkatapos haluin mo ng bahagya. Pagkatapos ay hayaan mo na itong si Isagani ang magtuloy ng paghahalo at baka mangalay ka," sabi pa nito.
"Opo," sagot niya saka ginawa ang inutos ng biyenan.
"Ate Dadang, ako na riyan, magpahinga ka na."
"Sige, salamat."
"Soledad, tawagin mo na si Badong at sabihin mo na magpahinga na muna," utos ni Aling Selya.
"Opo."
Agad siyang lumabas sa pinto doon sa kusina at dumiretso sa bodega na nasa likod-bahay.
"Mahal!"
Mabilis itong lumingon nang marinig siya. Agad sumenyas si Soledad na lumapit ito at agad din itong sumunod at lumapit.
"Ang sabi ng inay ay magpahinga ka na daw muna. Malapit nang maluto ang meryenda."
Marahas itong napahinga ng malalim at sumunod sa kanya nang pumasok sa loob. Hindi pa man din nagtatagal na nakaupo ito nang makarinig sila ng gulo sa labas.
"Ano ba iyong nangyayari?" tanong ni Aling Selya.
Nagmamadali silang lumabas at bumungad ang mga sundalong hapon na puwersahan pinasok ang isang bahay malapit doon sa kanila. Pagkatapos ay sapilitan ng mga itong pinalabas ng bahay ang mga naroon sa loob.
"Sakuya musukosan'ga nihon'gun'o futari koroshimashita! Karewa dokoni imasuka?!" galit na tanong ng isang sundalong hapon.
"May pinatay na dalawang sundalong hapon ang anak n'yo! Nasaan na siya?" pagsasalin ni Stella sa tagalog.
"Hindi ho namin alam! Kagabi pa siya hindi bumabalik!"
Napasigaw ang mga naroon ay nakakapanood ng mga nangyayari nang bugbugin ng mga sundalo ang mga ito. Babae man o lalaki. Walang awang sinaktan ng mga ito. Nang hindi nakayanan ay inalis niya ang tingin. Mahigpit siyang niyakap ni Badong.
"Maawa ho kayo, hindi po namin talaga alam!" patuloy na pagmamakaawa ng mga ito habang humahagulgol ng iyak.
"Magsalita na kayo kung hindi ay patuloy kayong masasaktan," sabi pa ni Stella sa mga ito.
"Talagang wala kaming alam kung saan siya naroroon!" giit ng ama ng hinahanap ng mga ito.
Bigla siyang napalingon muli nang mula sa loob ng bahay ng mga ito ay narinig niya ang malakas na sigaw at paghingi ng tulong ng isang tinig ng babae. Kasunod niyon ay ang malakas na tawa ng maraming sundalo.
"Maawa kayo, huwag! Huwag!" umiiyak na sigaw ng babae.
"Anong ginagawa n'yo sa anak ko?! Parang awa n'yo na! Huwag ang anak ko!"
"Inay!" malakas na sigaw ng babae kasunod ng paghagulgol.
"Anak ko!"
Napapikit ng mariin si Soledad at tinakpan ang tenga. Mahigpit siyang niyakap ni Badong.
BINABASA MO ANG
Tuwing DapitHapon (FOR PROMOTION ONLY)
RomanceKilala si Badong bilang nangungunang pabling sa San Fabian. Pilyo at maloko. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa angking kakisigan ng binata. Ngunit nagbago ang lahat ng masilayan ni Badong ang magandang anak na dalaga ng Gobernador ng kanilang b...