Kabanata 49

20 1 0
                                    

SA gitna ng madilim na paligid, sa likod ng malalaking puno nakakubli ang mga matang mapangmatyag. Naghihintay sa pagdaan ng kanilang mga pakay. Dahan-dahan binunot ni Badong ang kanyang patalim nang mamataan ang apat na sundalong hapon na naglalakad.

Agad siyang lumingon sa mga kasamahan at tinuro ang mga paparating. Gaya ng napagkasunduan, hangga't maaari ay walang gagamit sa kanila ng baril. Nakatago at nakakalat iyon sa paligid ng buong barrio. Gagamitin kung kailan lang kailanganin. Ngunit hangga't maaari ay aatake sila ng tahimik at hindi malalaman ng lahat. Sa ganoon paraan sila lalaban. Unti-unti nilang uubusin ang mga sundalong hapon hanggang sa wala ng matira sa mga ito.

Nang bahagyang makalagpas ang apat na sundalong hapon ay saka nila ito inakate mula sa likod. Sila ni Abel ang biglang lumundag sa dalawa sa likod at ang mga kasama nila ay sa sinalubong ang dalawa. Buong puwersa niyang sinaksak sa likod ang sundalong hawak niya at gayundin si Abel. Ang dalawa naman sa unahan ay sinaksak din ng mga kasamahan nila. Nang humihinga pa ay binalian nila ng leeg ang mga ito.

Walang naramdaman si Badong kahit na kaunting awa nang makita niyang walang buhay ang mga ito. Agad nanumbalik sa kanyang isipan ang mga walang buhay na katawan ng mga magulang at mga kapatid. Umagos ang luha ni Badong.

"Kulang pa 'yan," bulong niya.

Naputol ang kanyang pag-iisip nang tapikin siya ni Abel sa balikat. Ngumiti ito.

"Halika na," sabi nito.

Marahan siyang tumango at binalik sa lagayan ang kanyang patalim. Samantala ang ibang kasamahan nila ang kumuha sa mga bangkay at naglibing sa mga ito.

Bandang alas-tres ng madaling araw nang mapagkasunduan nila na umuwi na sa kani-kanilang bahay. Pagdating sa kusina, natigilan si Badong habang naghuhugas ng kamay at umagos sa lababo ang dugo ng mga sundalong kanyang pinatay. Mariin siyang napapikit siya nang may kumurot sa kanyang konsensya. Marahas siyang bumuntong-hininga at pinatong ang mga kamay doon habang hinayaan na umagos ang tubig mula sa gripo.

"Kakauwi mo lang?"

Doon siya biglang napalingon at nadatnan si Soledad na nakatayo di kalayuan. Marahan siyang tumango saka pinagpatuloy ang paghuhugas ng kamay.

"Bakit gising ka pa?"

"Nagising na lang. Ang totoo ay mababaw ang tulog ko sapagkat hindi kita katabi," sagot nito.

Lumapit sa kanya ang asawa na may hawak na bimpo saka kinuha ang mga kamay niya at pinunasan iyon.

"Ilang sundalong hapon ang napatay ninyo?"

"Hindi bababa sa sampu, sumatotal na iyon sa lakad ng buong pangkat," sagot iya.

Matapos ay wala na siyang narinig mula dito. Ngunit mayamaya ay narinig niya ang paghikbi nito. Maingat na inangat ni Badong ang mukha ng asawa at napatunayan na tama ang hinala nang makita ang mga luhang umaagos sa pisngi.

"Anong dahilan at umiiyak ka?" malumanay na tanong niya.

"Hindi matahimik ang puso ko, Badong. Puno ako ng takot at pag-aalala para sa'yo habang wala ka."

"Alam mo naman ang tungkol dito, hindi ba?"

"Oo, ngunit hindi mo pa rin maiaalis sa akin ang mag-alala."

"Hindi naman ako gabi-gabi aalis eh. May tinalagang pangkat bawat gabi nang sa ganoon ay hindi makahalata ang mga hapon."

Mula doon sa kusina ay pumasok na sila sa kanilang silid. Matapos hubarin ang kanyang sinuot ay muli siyang naligo bago nagbihis ng malinis na pantulog. Pagkatapos ay saka siya nahiga sa tabi ng asawa at inangat ang mga kamay.

Tuwing DapitHapon (FOR PROMOTION ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon