Epilogo

98 8 5
                                    

"HANGGANG sa huli ay hindi pa rin sila naghiwalay. Hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay ay pinatunayan lamang nila na ang kanilang pag-ibig ay walang kamatayan," wika ni Lola Ising.

"Nakakabilib. Sa tagal kong nabubuhay sa mundo, saksi ako sa pag-iibigan nila mula sa simula pa lamang. At wala akong nakita na higit sa pagmamahalan ni Badong at Dadang," dagdag pa ni Lolo Abel.

Noong araw na nilisan ni Lolo Badong ang mundo. Nang araw na iyon, pasado alas-singko ng hapon, nang sinubukan gisingin ng kanyang mga apo si Lola Dadang ngunit hindi na ito nagising pa. Pumanaw si Lola Dadang na yakap ang larawan ni Lolo Badong. Naging masakit ang biglaan pagkawala ng mga ito sa loob lamang ng isang araw para sa mga anak at apo na naiwan. Sa isang iglap ay sabay binawi ang dalawang pinakamahalagang tao sa kanilang buhay. Ngunit sa kabila niyon, alam ng mga ito na sa kabilang buhay ay magpapatuloy ang kuwento ng walang kapantay na pag-ibig ni Soledad at Badong.

Lumapit si Lolo Abel kay Lola Ising na asawa nito. Ngumiti ito at tinapik ang katawan ng puno na naging saksi sa pagmamahalan ni Badong at Soledad.

"Kaibigan, nauna ka nang hindi man lang nagpapaalam. Alam ko na tahimik na kayo riyan ni Dadang," sabi pa nito.

Napangiti si Lola Ising nang makita ang nakaukit na pangalan ng dalawa sa puno. Nangilid ang kanyang mga luha. Doon sa tabi ng ilog, ang tagpuan ni Badong at Dadang na naging saksi sa kanilang pagmamahalan. Sinaboy ng mga apo nito ang parte ng abo ng dalawa alinsunod sa huling habilin ng mga ito. At doon sa tabi ng puno, kung saan sila nagpagawa ng puntod, kasama ang lahat ng apo at anak ng dalawa, magkatabi nilang nilagak ang abo ng mag-asawang Badong at Soledad Mondejar.

"Hanggang sa muli natin pagkikita, Soledad, Badong. Diyan sa piling ng Diyos, maaari n'yo nang ipagpatuloy ang inyong pagmamahalan." sabi pa ni Lola Ising.


WAKAS.



*****************************************************



ANO BA?! SINO BA DIYAN ANG NAGHIHIWA NG SIBUYAS?! 

GUYS! MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA AT PAGTANGKILIK NG KUWENTO NI LOLO BADONG AT LOLA DADANG. THIS IS ONE OF MY FAVORITE STORIES I EVER WRITTEN. MALAPIT SA PUSO KO SILA SINCE CAR WASH BOYS DAYS PA. SANA NAGUSTUHAN N'YO ANG KUWENTO NILA AT NAKI-IYAK AT NAKITAWA KAYO. 

MARAMING SALAMAT, MGA KAIBIGAN. HANGGANG SA SUSUNOD NA KUWENTO NG WALANG HANGGANG PAG-IBIG. 

-JURIS 

Tuwing DapitHapon (FOR PROMOTION ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon