Astraea
Kagaya ng napagkasunduan ay hindi ko na nga inantay pa sila Ice. Balak ko sanang maglakad na lang pauwi para makatipid pero kasi madilim na. 6 na ng gabi at ngayon lang natapos ang last na klase. Okay lang naman kung maglalakad ako dahil sanay naman na ako sa layo pero kasi magisa lang ako. Hindi ko pa rin alam ang mga aksidenteng maaaring mangyari.
Pumara na ako ng tricycle saka nagpahatid sa kanto. Mas mamahal kasi kapag pinapasok ko pa sa looban ang tricycle. Habang pauwi ay tinawagan ko si Sam kung nakauwi na ba sila. Nakauwi at nakapaglinis na raw sila. Kakain na lang daw dahil nagluto naman na si Phoebe.
Kung ako ang tatanungin ninyo, mas magaling talagang magluto sa'kin si Phoebe at si Sam. Wala talaga akong talento sa pagluluto. Hate ako ng kusina at hate ko rin siya. Kaya sila na ang pinagluluto ko habang ako naman sa ibang gawaing bahay.
Tulong tulong dahil wala naman kaming aasahan na gumawa non. Thankful na nga lang kami at kahit papaano ay may supply kami ng tubig at kuryente. Parehong nasa ibang bansa ang magulang namin. Highschool pa lang ako ay umalis na sila para magtrabaho.
Naiwan sa'kin ang mga responsibilidad nila. Hindi naman ako nagrereklamo pero nakakadismaya lang dahil hindi naranasan ng mga kapatid ko na alagaan ng sarili nilang magulang. Lumaki silang kasama ako kaya ganoon na lamang ang close naming tatlo. Pilit kong sinasabi sa kanila na wag magtanim ng sama ng loob sa mga magulang namin dahil ginagawa lang nila iyon para sa amin.
Hindi naman ako galit sa kanila, siguro tampo kasi ang aga nilang umalis at hindi pa umuuwi kung kailangan. Even our special days ay wala sila, nasanay na kami kaya kada umuuwi sila ay parang wala lang nangyayari.
Scholar din ako kaya nababawasan kahit papaano ang expenses ko. Tanging sa bahay at pambaon lang talaga nila Sam ang pinagkakagastusan namin. Lumaki rin silang matipid at hindi maluho dahil ayan ang itinatak ko sa isipan nila.
na hindi pinupulot ang pera.
Nang makarating sa kanto ay nagpasalamat ako kay Manong. Nakakapanibago tuloy ang kanto tuwing gabi. Maliwanag na kasi ito at may ingay na rin na nanggagaling sa loob. Parang dati lang sobrang dilim dito tapos kuliglig lang ang maririnig mo.
"Putcha–" Napatalon ako sa gulat dahil may malamig na kamay ang humawak sa braso ko.
"Sorry." Mahina at nanghihinang sabi nito. Tinignan ko siya pero hindi ko siya gaanong maaninag, nasaan na ba ang buwan? Wala tuloy ilaw.
"Bakit po? May kailangan ka po ba?" I asked her saka inalalayan para makatayo siya nang maayos.
"Water." Bulong niya ulit
"Ah tubig." Nilabas ko ang baunan ko ng tubig saka inabot sa kanya.
"Ate ano pong pangalan n'yo?" I asked her nang maabot ko na ang tubig.
Hindi siya sumagot at inasahang lagok lang ang laman ng tubigan ko. Grabeng uhaw naman yan, san ba siya galing? Sa disyerto?
"Thank you." Sabi niya saka sumalampak sa gilid ng kalsada.
"Hala ate madumi dyan. Tagasaan ka po ba? Mukhang naliligaw ka eh." Nagangat siya ng tingin pero hindi ko talaga makita mukha niya. Bakit ba walang street lights dito?
"Taga dyan lang." Wala siyang pake sa unang sinabi ko at tinuro niya lang ang kung saan. Nagkibit balikat na lang ako.
"San po kayo galing? Mukhang nagmarathon po kayo ah." Luh feeling close ka.
Hindi siya sumagot kaya hindi na lang ako nagsalita. So awkward, anong gagawin ko?
"Sure po kayong wala na kayong kailangan?" Turan ko ulit kasi nakakabingi ang katahimikan. What if white lady pala to? Haba pa naman ng buhok.

YOU ARE READING
Clouded Hearts
General FictionIf she ever met someone who's willing to give her the world that she deserves. Will she choose that person? A woman who knows her worth will not tolerate such disrespect and bare minimum efforts. Will she be that someone who knows what she deserves...