39: Tenth

1 0 0
                                        

Astraea

Since it's our 10th month ay napagisipan kong ako naman ang mangsusurprise sa kanya, busy ang schedule namin ngayon kaya napagdesisyunan kong sa place na lang niya namin ganapin ang celebration.

I texted him kung nasaan siya at saktong wala siya sa place niya kaya papunta na ako ron. I'll just decorate the place and kahit hindi naman ako ganoon kasarap magluto ay ako na ang magluluto. I'll just cook something na easy but special.

Alam ko naman ang passcode ni Gael kaya mabilis akong nakapasok. As usual walang tao kaya nakapatay ang ilaw. Pagbukas ko ay tumambad sa'kin ang sala na may mga nakakalat.

Lalaki nga naman.

Nagsuot ako ng slippers na binili niya for me para raw kapag pumunta ako rito ay may gagamitin ako. Nagsimula na akong magligpit ng kalat nang mapansin ko ang isang kahon na itim.

"I shouldn't open that. I shouldn't envade his privacy." I shook my head saka pinagpatuloy ang pagliligpit.

I take a look at the whole living room nang tumama nanaman ang mata ko sa kahon.

"Stop being curious, rhea." Kinuha ko na ang mga decorations para makapagsimula na. Nagstart akong maglagay ng banners and stuffs sa pader. Next ay nagbomba ako ng mga lobo and just throw it anywhere.

Dahil sa pagtunog ng cellphone ko ay napatalon ako sa gulat. Nasanggi ko tuloy yung kahon na dapat pala tinabi ko kanina pa.

Kinuha ko muna ang cellphone ko kasi baka importante.

Ice calling...

"Hello?"

"Rhea, where are you?"

Naguluhan ako nang marinig ang panic sa boses nito.

"Somewhere, why?"


"And where is that somewhere?"

"Ice you knew that it's our 10th."


"Oh right, you have a date?"

"I think so..."

Kumalma na ang boses nito pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano siya nagreact kanina. Bakit ba bothered ka sa lahat ng bagay?

"

Hmm enjoy your date."

"Wait you didn't call just to
tell me that right?"


"Yeah, I didn't. Pero ayokong
makialam sa relasyon niyo.
I promised, right?

Sabi na eh.

"Ice..."


"I'll hang up, rhea."


"Ice. What happened?"

"Just call me if you need a
handkerchief. I am sure you will,
I'll wait for that."

then she hang up.

Kunot noong tinignan ko lang ang kahon na nasanggi ko kanina. There's picture in it, a lot of pictures. May mga notes and letters din, may camera and... videotapes?

Isa isa ko itong kinuha, nakatalikod ang mga pictures kaya hindi ko alam kung ano ang nakalagay basta may mga date sa likod. Every picture has a date on it, pati yung videotapes.

Clouded HeartsWhere stories live. Discover now