14: Sick

1 0 0
                                        

Astraea

After eating dinner ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Jusko naman, I have nothing pa naman ngayon. I looked at Gael na nagkakalkal na sa bag nito.

"Do you have an umbrella?" He scratched his nape and slowly shooked his head.

"Naku po!" I said, tumawa lang ito.

"Pwede naman tayong maligo." I looked at him but he just smiled.

"At paano yang bag mo?" Pumasok siya sa loob ng resto ulit at paglabas ay may nakaplastic na ang bag niya.

Ayan ang creative at madiskarte.

"Wait. My phone, put it inside your bag." Kinuha niya ang phone ko saka nilagay sa bag before he offered his hand. I accept it saka sabay kaming sumuong sa ulan. I hope I don't get a sick after this.

We ran as if we were child. We ran as if it's just as in this street. We laugh and talked about how wonderful this is. It's like when we were teenagers.

"Ngayon na lang ulit ako naligo sa ulan." He said saka piniga ang uniform nito.

Medyo patila na ang ulan kaya napagdesisyunan naming maghintay na ng tricycle pauwi. Parehas kaming basang basa dahil halos 30 minutes ding umulan.

Nang may dumaang tricycle ay pinara na niya ito. Habang nasa byahe ay nilalamig na ako, idagdag pang mabilis ang pagpapatakbo kaya mas lalong malakas ang hampas ng hangin.

"Nilalamig ka na?" He said

"Sorry wala kasi yung payong ko tas inaya pa kita maglaro." Kinuha niya ang kamay ko saka pinaloob sa kanya. Inihipan niya rin ito na parang pinapainit.

"I am fine, ikaw ba? Baka nilalamig ka na." He shooked his head.

"I can manage. Lika nga rito." Lumapit naman ako sa kanya, kahit basa siya ay natutulungan pa rin ng natural heat niyang bawasan ang lamig na nararamdaman ko.

"Is it working?" He asked, I just nod. Mabango pa rin siya, grabe nagduty na buong araw tas naligo pa sa ulan and yet he still smells nice?

How can he do that? Natural scent?

"Bango mo naman." I complimented

"Compliment ba yan?" I nod, I felt him kissed my head.

Nagstay kami nang ganon hanggang makarating sa kanto. As usual, siya ang pinauna ko. Nagpumilit pa nga itong ihatid ako pero sabi ko mauna na siya dahil baka mapasma siya. Pagod siya tapos nagpabasa sa ulan. Muntik ko pa ngang makalimutan ang cellphone ko eh.

Nang hindi ko na siya matanaw saka ako tumingin sa bahay na malaki. Andyan pa kaya sila Phoebe? Tinawagan at tinext ko na ang dalawa pero walang sagot. Akala ko ba buzz us up and we will come? Asan na? Nagdecide akong itext si Achelois and good thing na gising pa siya.

After confirming na andito pa sila ay lumabas na rin si Achelois. Nakapantulog na ito at parang nagising ko pa ata dahil half open pa ang mata niya.

"Did I wake you up? Hindi kasi sumasagot sila Sam kaya naistorbo kita." Umiling lang ito.

"Maybe they're already asleep." Oh, morning voice? Ang husky ah

"Basa ka ba?" Ang kaninang half open nitong mata ay dumilat na ngayon.

"Uhmm...oo?" Agad naman siyang lumapit sa akin.

"My gosh! You're soaking wet!" Napalunok ako at conscious na tumingin sa paligid. That sounds so wrong.

Narealized niya ata ang sinabi kaya napalingon din siya sa paligid.

"I didn't mean the other one. I mean you are soaking because of the rain." I nod. That's right, because of rain.

Clouded HeartsWhere stories live. Discover now