Astraea
"Hayyysssss tapos na rin!" Ibinagsak ni Jane ang katawan niya sa upuan niya.
"Jane nakaskirt ka." Sita ko sa kanya. Umayos naman siya ng upo saka ako sinenyasan na umupo rin.
"Bakit?" Tanong ko ng makalapit
"Nasaan si Achelois?" Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid. Oo nga, wala siya rito.
"Ewan ko. Baka sabay-sabay tayong pumasok don sa facility kanina?" Sabay-sabay kaming pumasok sa facility pero hindi sa room kung saan gaganapin ang retdem.
Ayaw ni prof eh. Naiwan naman si Achelois at may ipapagawa na lang daw si Ma'am sa kaniya since bago pa lang siya.
"Maski bag nga niya wala eh."
"Mind your own business na lang Jane, alam naman niya sched natin." Kinuha ko ang cellphone para ichat si Eryx kung nasan na siya.
Agad naman siyang sumagot at sinabing nasa canteen. Nagpaalam na ako kay Jane saka lumabas ng room. Mamaya pa naman class namin, if pwede lang talaga magpalit, napakainit kaya.
Nakatungong naglalakad ako ng may bumangga sa balikat ko dahilan para maout of balance ako dahilan para bumagsak ako sa sahig. Problema non anak ng tokwa.
Bubungangaan ko na sana ito ng makitang si Stacy pala iyon kasama ang grupo niya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa nanlilisik niyang mata na nakatingin sa akin. Ano bang problema nyang babae na 'yan?
"Harang ka talaga eh no?" Pinagpagan ko ang nadumihang uniform. Puti pa naman to, pahirapan nanaman sa paglalaba.
"Wala akong alam sa sinasabi mo." Aalis na sana ako ng hawakan niya ang balikat ko.
"Ano ba!" Pabalya kong tinaggal ang kamay niya.
"Stop pretending you leech!" Mas diniinan niya ang paghawak sa balikat ko. Kahit nakauniform ay ramdam ko ang pagbakat ng kuko niya.
Napaawang ang bibig ko pero walang lumabas na salita. Tangina ano bang problema neto? Nasasaktan na ako putcha.
"I don't know what you're talking about, Stacy." Kahit nasasaktan na ay kalmado pa rin ang pagsasalita ko. Ayoko ng away lalo na't alam kong boyfriend niya si Gael.
"Oh really?" May panunuyang sabi nito. "You don't know what I'm talking about?" Inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko. Napangiwi ako ng higpitan pa niya ang kapit sa balikat ko.
"Gael broke up with me!" Nanggagalaiting sabi nito. Kita sa mata niya ang galit at inis sa akin.
"What does that have to do with me?" For the second time, pabalya kong tinaggal ang kamay niya. Ang sakit
"Gael likes you! He lied to me! He said he love me but guess what?! He likes you for a vey long time! Damn you! Damn gael for making me stupid all these years..." Ang kaninang galit na ekspresyon sa mukha niya ay napalitan ng sakit at ang kaninang nanlilisik na mga mata nito ay nagsimula ng magpatak ng luha.
Agad naman siyang inalo ng mga kaibigan nito. Gael likes me? How come? Like what Ice said, inayawan niya ako. Itinaboy niya kami. It's impossible.
"It's impossible..." I looked at her. I don't believe her. I can't believe her. Ice said that don't be deceived by those tears, it can easily manipulate you. Mabigat ang pinapakawalan kong hininga. I am confused.
"Just wait...one of these days, he will crawl back to you...begging for forgiveness and for a second chance."
Tuluyan na siyang humagulgol at umiyak."Just go, rhea." Pagtataboy sa'kin ng kaibigan niya. Kahit naguguluhan pa ay umalis na ako roon.
It's impossible...kung gusto na niya ako dati pa bakit niya kami pinagtabuyan nila Eryx noon?
YOU ARE READING
Clouded Hearts
General FictionIf she ever met someone who's willing to give her the world that she deserves. Will she choose that person? A woman who knows her worth will not tolerate such disrespect and bare minimum efforts. Will she be that someone who knows what she deserves...