AstraeaKagaya kahapon ay ganun pa rin ang ganap. Ang pinagkaiba lang ay hindi nagsasalita si Achelois. As in wala siyang imik, sasagot lang siya kapag tatanungin siya nila Eryx.
As far as I remember maayos naman kaming humiwalay sa kanya kanina.
Tignan mo ngayon, ang ingay ingay ng room tapos siya nakadukmo lang sa desk niya."Huy?" Kunot noong liningon ko si Jane.
"Nyare kay Achelois?" Nagkibit balikat naman ako dahil hindi ko naman talaga alam.
"Ewan ko." Saka tinuloy ang kagtatake note ko.
"Gaga ka, 'di mo man lang tanungin." Tumayo siya saka lumapit kay Kyle. Isa pa niyang tropa.
Tinignan ko ulit si Achelois saka bumunot ng isang malalim na hininga.
"Okay ka lang?" Tanong ko nang makalapit ako. Hindi ako nakakuha ng sagot kaya hinawakan ko ang braso nito. Mainit ata siya?
Umangat ang mata niyang nanlilisik kaya napahands up ako. Agad naman siyang nagblink ng makitang ako lang iyon.
"Okay ka lang?" Tanong ko ulit.
"Ah oo, bakit?" Napahilamos siya sa mukha saka umiwas ng tingin.
"Kanina ka pa kasi nakayuko, nagaalala na rin si Jane." Tinuro ko pa ang nakikipagdaldalan na babaita. Tumango tango naman siya.
"Inaantok lang." Sabi nito saka pekeng humikab. Syempre alam ko yon gawain ko yon kapag ayaw ko makipagusap eh.
"Ah sige, pahinga ka na lang dyan. Akala ko kasi ano na nangyayari sa'yo." Tumango naman siya saka bumalik sa pagkakayuko.
May something sa kanya. Baka nga hindi siya nakatulog. Pero maaga naman kaming natulog—pero maaga rin siyang nagising. Nanto oh, sabat nang sabat.
Inalis ko ang nasa isip saka nagfocus na lang sa pagtatake ng notes. Napahinto ako ng may magsigawan sa labas. Nu nanaman yan? Kala mo kung magsigawan may artista eh.
"HOY!!!" Hinampas hampas ni Jane ang balikat ko. Ukinam naman, kailan ba matatahimik ang buhay ko???
"Anoooo?!" Pabulyaw na sagot ko rito. Tinuro turo niya lang ang bintana. Kunot noo naman akong tumingin don. Nawala lang 'yon ng makitang si Gael ang nasa labas.
"Gael?" Sabi ko
Itinaas nito ang bulaklak na hawak niya saka sinabing lumapit ako. Naguguluhan man ay tinigil ko ang pagsusulat para lumabas ng room. Nakangiti siya habang papalapit ako na mas ikinagulo ng isip ko.
"Hi Astraea." Bati niya saka humalik sa pisngi ko. Napablink ako kasabay ng pagsigawan nila. What the heal?
"Flowers for you." Saad nito. Kunot noong tinignan ko lang ito.
"What's that for?" I asked him
"I want to court you." Straight forward na sabi nito.
"Hindi." Agad inagaw ni Ice ang bulaklak saka tinapon sa sahig. Tinapakan pa iyon ni Ice kaya napayuko si Gael dahil sa kahihiyan. What's happening really?
"What's going on? Why did you do that?" I asked Ice saka pinulot ang tinapakan niyang bulaklak.
"That guy. The audacity he has. Gosh! Tinanong mo pa talaga kami ha? First nagbigay siya ng bulaklak sa'yo kaninang umaga tapos ngayon?!" Galit na tinapunan ni Ice ng tingin si Gael.
"Wait nga. Let's talk somewhere private. Nasa public place tayo napakaeskandalosa't eskandaloso niyo." Sumunod naman sila ng magumpisa na akong maglakad.
YOU ARE READING
Clouded Hearts
General FictionIf she ever met someone who's willing to give her the world that she deserves. Will she choose that person? A woman who knows her worth will not tolerate such disrespect and bare minimum efforts. Will she be that someone who knows what she deserves...