Astraea
"I'm craving wingstop." I blurted out after I finished watching my 20th wingstop mukbang video.
Andito kami sa ilalim ng mangga, wala naman gagawin dahil cancel ang pasok sa university puro practice kasi ang nagaganap, pati mga faculty ay wala rin. Busy silang lahat
"Ano? Ramdom ah." Ice said. After ng away namin noon sa van ay nagkaayos din kami. Maging si Eryx ay umayos na rin. Nagkapatawaran dahil walang kwenta ang pride kung papataasin nang papataasin.
"Gusto ko wingstop." Napadukmo ako sa lamesang kawayan saka pinalobo ang pisngi.
"Sis, walang wingstop sa pilipinas. Isa pa nasa probinsya tayo. Magtigil ka nga." Suway niya, nilingon ko siya habang kumakagat sa manggang kinakain niya.
"Eh kasi kanina pa lumalabas sa fyp ko oh." I showed her a video of a girl eating wingstop. Nginusuan niya ako saka inilapit ang hindi pa nababalatang mangga.
"Bakit kasi yan pinapanood mo?" Sinawsaw niya sa bagoong na may sili ang mangga. Tanginang to, naglalaway na nga ako mas lalo pang pinaglalaway.
"Hoy hindi ah, lumabas na lang yan bigla sa fyp ko." I defended myself. "Mas lalo tuloy akong naglaway sa mangga mo." I pouted when she rolled her eyes.
"You look like a freaking duck. Quit pouting, as I've said there's NO wingstop here." With that statement. I just shut my eyes off, feeling the breeze of cold wind and imagining that I'm eating wingstop.
Bakit kasi walang wingstop sa pilipinas?
"What happened?" I heard the voice of a person who occupied my mind these passed few days. I didn't bother to open my eyes, pagod na nga akong isipin ano connect niya ron sa Aster eh. Dapat nasa school yan ah, may training lahat ng sasali sa sports fest eh.
"Bat ka andito?" Balik na tanong ko sa kanya. Nakadukmo man ay ramdam kong umupo siya sa tabi ko.
"Bawal ba?" Pinilig ko ang ulo sa side niya saka pinanliitan ko siya ng mata pero binatukan niya lang ako.
"May training ka diba? Bat ka andito?" Napa ahh naman siya. Tumingin siya sa paligid wari'y may hinahanap.
"Meron nga, mamaya pa. So bakit ganyan mukha mo?" Bumagsak nanaman ang balikat ko nang maalala ang wingstop. Napairap na lang ako sa hangin saka inimagine na may manok akong hawak.
"Nagcrave ng wingstop, alam naman niyang walang wingstop sa pilipinas." I remained silent. Sana may maghulog ng wingstop sa harap ko o kaya sana may malagenie na maggrant ng mga gusto ko.
"Wingstop hmph? Bakit ayaw mo unli wings? Sa bayan meron, tara?" Napamulat ako sa sinabi nito saka ngumiti. Parang mapupunit ang labi ko sa laki ng ngiti ko.
"Libre mo?" Napaangat ang kilay ko saka nagtaas baba ang kilay ko sa excitement. Siya ata ang genie na hulog ng may kapal.
"Hindi." Naglaho ang ngiti ko saka nilapat ulit ang mukha sa lamesa. Dun ako nalungkot, wala akong pera.
"Wala akong pera." Walang ganang sabi ko.
"Alright then, tara Ice?" Nang maramdaman kong tumayo si Ice ay pinukulan ko sila nang masamang tingin.
"Are you seriously going to leave me here?" I said. Pero anak ng putchang gala tumango lang sila.
"Wanna come?" Achelois asked
Why does it sound so wrong?
I shook that thought in my head then crossed my arms. I took a deep breath before taking out my wallet, upon checking I heaved a sigh then shook my head.
YOU ARE READING
Clouded Hearts
Ficción GeneralIf she ever met someone who's willing to give her the world that she deserves. Will she choose that person? A woman who knows her worth will not tolerate such disrespect and bare minimum efforts. Will she be that someone who knows what she deserves...
