50: Fiesta

1 0 0
                                        

Astraea

Maaga pa lang, ramdam ko na ang sigla ng piyesta sa buong bayan. Ang bawat kanto, puno ng makukulay na banderitas, habang ang mga kapitbahay ay abala sa paghahanda ng kani-kanilang handa. Ang amoy ng lechon, kaldereta, at iba't ibang kakanin ay umaabot hanggang sa kalsada. Nasa looban na kami, magkakalayo na ang bahay pero amoy na amoy ang mga putahe.

Kainan mamaya.

Ang tunog ng tawanan, chismisan, at pagbati ng mga magkakapitbahay ay tila background music ng araw na ito.

Special na ang araw na ito, pero mukhang mas magiging special dahil kasama ko si Achelois. Sabi niya five years ago, dun kami unang nakita, doon niya ako unang nakilala.
So this time, we will celebrate it again, with me in her memories and her in my new memories.

We will make more memories this time. I cannot promise that all of it will be happy but we will try. We will, always.

“Aster, ano ba! Tulungan mo ako dito!” Narinig ko ang sigaw ni mama. Actually kanina pa siya ganyan. Nakapyesta mode siya today with her favorite floral dress and her endless commands. Daig pa niya general and teacher e.

"Ma, teka lang! Inaayos ko lang 'tong mesa," I yelled back, saka nagmamadaling nilagay ang platong puno ng lumpia at pansit sa mahabang lamesa sa labas. Sinet up ni papa yan kanina kasi pati siya binubungangaan ni mama. Nang matapos ay pinagmasdan ko ang ginawa.

Perfect

"Hi?" Napairap na lang ako nang marinig na ang boses nito. Kanina ko pa siya inaantay ah. Bakit ngayon lang to?

"Late ka nanaman." Nang lingunin ko ito ay ayun, sa harap ko ang babaeng pinagpapawisan kahit hindi pa ako tapos magalit. Naka-tshirt siya ng puting oversized na may nakasulat na "Love Local" at naka-shorts na pinapakita ang makikinis niyang legs. Nakahigh ponytail din siya na bumagay naman.

My morena

“For you,” she said simply, extending the flowers with a sheepish grin.

I raised an eyebrow, taking the bouquet but not without teasing her first. “Ano to pampalubag loob kasi late ka?"

Nagkibit balikat ito at mas lalo pang lumawak ang ngiti.

"It's the thought that counts." She winked.

Ibinaba ko muna ang bouquet saka siya tinignan.

"Pasalamat ka maganda ka, di kita matiis." Lumapit siya sa akin saka hinalikan ang pisngi ko.

"Thank you po." She said lightly. I smacked her arms saka siya sinamaan ng tingin.

"Aga aga ang landi. Wala pang 9 oh!" I said, she just laughed.

"Gusto mo rin." I heard her whispered.

"Aba!" She caught my fist before it hits her.

"Oh! Bayolente ka na ngayon?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya binitawan niya ang kamay ko.

"Joke lang." She said.

"What if tulungan mo na lang ako dito? Galit na galit na nanay ko oh." She nodded, then she helped me arranged the food on the long table.

Bawat utos ni mama ay siya namang pagrereklamo ko. Maging si Sam ay naiinis na. Si Phoebe kasi ay kasama niya sa kusina kaya hindi mautusan.

Hays. Saan ba kasi napunta ang talent ko sa pagluluto?

Nawalan ka kasi ng dugo nung aksidente, ayun nawala. Sayang ka.

"Rhea! Yung bangus, sunog na talaga yon!" Napapikit ako nang mariin nang umirit nanaman si mama. Nakita ko ang pagtawa ni Sam sa gilid.

Clouded HeartsWhere stories live. Discover now