19: Game

1 0 0
                                        

Astraea

"Teh ano matagal pa?" Pagmamadali sa'kin ni Ice. Di pa kasi kami nakakaalis.

"Sandali lang ha." Lumabas na rin ako pagkatapos isuot ang headband na pinapasuot nitong babaitang to.

"Para saan ba kasi to?" I said

"Tanga, support Achelois yan." Napangiwi na lang ako dahil nagbeautiful eyes pa siya.

"Kung gusto mo si Achelois, wag na uy! Straight yun saka may nagugustuhan na yon!" Bulyaw ko sa kanya saka lumabas ng bahay.

"Tara na Eryx." Hinigit ko ito patayo at nagpahila naman siya.

"Inamo talaga rhea! Wala akong gusto ron! Maganda lang talaga siya." Depensya niya pa.

"Ano? Sino gusto niya?" Sabat nitong isa.

"Si Achelois, selos ka no? Well, maganda siya ikaw—" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "—mid."

"Langya ka." Hinampas niya ako

"Just tellin' the truth. I know it sweety...truth sucks." I patted his back na mas lalo niyang kinainis.

"Sa backride ka sumakay ah!" He said saka naglakad patungo kay Ice. Napailing na lang ako nang pukulan ako ng mga to ng di kaaya-ayang tingin.

"Hey!" Nagulat ako sa pagsulpot ni Vinn sa harap ko.

"Oh Vinn!" Nakipagfist bump ako sa kanya.

"San kayo?" Tinuro niya yung van na nakaparada.

"Pupunta rin kami sa school, you know." Napa ahh na lang ako

"Sabay na kayo sa'min." Hindi pa ako sumasang-ayon ay pumasok na sila Ice.

"I guess I don't have a choice." Ngumiti lang siya

Pagpasok ko ay hinampas ko sila agad.

"Kakapal ng mukha niyo! Di naman kayo inimbita." Inirapan lang nila ako

"Baka mamaya magingay nanaman kayo dyan." Hindi ko napansin ang babae sa harap kung hindi pa ito nagsalita.

"May naririnig kayo?" Sabat ko

"Wala eh." Panggagatong pa ni Ice. Nakita kong umirap siya pero di ko na pinansin. Kami na nga lang makikisabay makikipagaway pa ako.

Hanggang makarating sa school ay bangayan nila Eryx ang naririnig ko. Pinagyabang pa nito na grabe raw ang suporta sa kanya at ang gwapo niya raw kahapon. Nadagdagan pa raw ang pogi points niya lalo. Pinipilit nitong nagsupport ito sa kanya pero Ice kept on denying she did.

"Rhea..." Vinn called me habang naglalakad, nasa hulihan kami.

"Bakit?" Tinuro niya yung headband ko.

"Saan mo nakuha yan?" Kumunot ang noo ko dahil para siyang natatakot na ewan.

"Kay Ice, sabi niya para raw suportahan si Achi eh. Pinasuot niya." I saw him bit his lower lip.

"Why? May problema ba? Ayaw ba ni Achelois ng headband?" Tatanggalin ko na sana nang pigilan niya ako

"No, no, just keep wearing it." Sumunod na siya nang lakad kay Nyx dahil mukha na siyang lonely na naglalakad sa kawalan.

"What about headbands?" I whispered

"What about those?" May umakbay sa akin na di ko inaasahan.

"I thought you have a game." She nod

"I have, later. What about headbands?" Kinuha ko ang headband sa ulo ko, sana di niya nakita.

"Let me see." I shook my head "Luh damot, tingin lang eh."

Clouded HeartsWhere stories live. Discover now