Astraea
"Hoy rhea! May balak ka bang lumabas dyan ha?" Aga aga narinig ko nanaman bibig ng babaeng yon.
"Ate! Tawag ka na po ni Ate Ice, pakibilisan daw po!" Narinig ko ang pagtawag ng kapatid kong si Sam sa akin.
"Wait lang kamo." Agad kong kinuha ang bag ko saka lumabas na ng kwarto.
"If makauwi kayo nang mas maaga kaysa sa akin, maglinis na kayo rito ha." Bilin ko kay Sam saka hinalikan silang dalawa sa ulo.
May dalawa akong kapatid at ako ang panganay na nasa kolehiyo na. Si Sammuel ang pangalawa na nasa Senior high school at nasa Junior high school pa lang si Phoebe.
"Opo ate, ingat ka po." Kumuha ako ng isang pandesal saka humigop sa kape ni Phoebe.
"Magingat din kayo papasok at pauwi. Una na ako ha." Kumaway sila na sinuklian ko ng kindat.
"Aba buti lumabas ka pa." Masungit na sabi ni Ice habang si Eryx ay nakatulala at malalim ang iniisip.
"Nalate lang ng gising, nauna ka pang uminit kaysa sa araw ah." Kung hindi ko kinalabit si Eryx ay hindi pa niya ako mapapansin.
"Dyan ka na pala. Tara na malalate na ata tayo." Nauna na siyang maglakad kaya nagkibit balikat na lang ako.
"Nyare don?" Nakacross arms na si Ice pero sinagot naman niya ako.
"Ayun 'di pa rin pinapansin ni Julie. Iniisip niya ano nagawa niyang mali." Napangiwi naman ako nang marinig ang dahilan. Nyeta wala naman kwenta yung crush niya. Jollibee spicy chicken joy amp tas ito naman siyang si flag pole.
"Huy! May chismis ako." Ayan nagiba na ang mood niya. Kumapit siya sa braso ko saka bumulong.
"May lipat daw dyan sa may kanto." Kumunot naman ang noo ko.
"Saang kanto? Dyan sa labasan?" Tumango naman siya ng sunod sunod.
"Abandonado na yung bahay dyan diba? Sabi nga ng mga bata rito haunted na yun eh, may multo raw." Umiling naman siya
"Hindi ate ko! Mayaman 'yung may-ari ng bahay. Bali-balita nga na ancestral house raw ng pamilya 'yun eh." Nang makarating sa labasan ay nakaupo na roon sa gilid ng kalsada si Eryx.
"Huy bakit 'di ka pa tumawag ng tricycle?" Nginuso naman ni Eryx ang nagkakagulong tao roon sa kabilang kalsada.
"Ano meron dyan?"
"Dumating na kasi yung titira kuno dyan. Alam mo naman dito, kapag may tagamaynila na dumating akala mo mga artista." Kumamot pa siya sa ulo saka pinara ang dumaang tricycle.
"Ako na rito." Sumakay na sa backride si Eryx at pumasok naman kami ni Ice sa loob. Bago pumasok ay nakita ko ang babaeng nakadungaw sa malaking bintana ng bahay. Seryoso ang mukha niya at tila hindi natutuwa sa nakikita niya.
Napunta ang tingin niya sa akin. Nakita kong gumalaw ang panga niya. Buti na lang suot ko ang salamin ko. Kung hindi pa ako hinila ni Ice ay hindi pa ako gagalaw.
"Sino bang tinitignan mo ha?" Iritado nanaman siya.
"May babae kasi, feeling ko 'yun yung titira don." Tumango siya saka nagcellphone na ulit. Inalis ko ang mukha ng babae sa isip ko pero shoxks mukha kasi siyang model.
Itim na itim yung buhok niya. Bilugan saka matatalim kung tumingin yung itim niyang mga mata. Thin lang yung kilay niya pero bagay sa mukha niya. Hindi ko masyadong nakita kung mahaba ba o hindi yung pilik mata niya. Hindi siya nakangiti pero mapula at manipis lang din ang labi niya. Ang ilong niya nakakainggit ang tangos kasi non, may lahi siguro ang pamilya niya. Siguro perfect rin ang body niya.

YOU ARE READING
Clouded Hearts
Fiksi UmumIf she ever met someone who's willing to give her the world that she deserves. Will she choose that person? A woman who knows her worth will not tolerate such disrespect and bare minimum efforts. Will she be that someone who knows what she deserves...