46: Welcome Home

1 0 0
                                        

Astraea

"Ready?" She asked after I got my hand carry. The flight was so long that I forgot I'm in plane. I was so comfortable laying in there. Achelois booked tha most expensive one so we can get a high quality service. She suggested that we can take their plane but I refused since it wasn't necessary.

"Sarap ng tulog ko." I said. Pati ata yung flight attendant di nagawa nang maayos trabaho niya dahil tulog lang ako magdamag. Di ko na nga pinansin ang mga pagkain na hindi ko makakain.

"Halata." She chuckled saka nagpaalam na hahanapin si Melli. Humiwalay kasi ito dahil mas marami raw siyang nakikita mas maganda. Letse talaga yun.

Pagbalik niya ay dala na niya si Melli na nakangisi sa amin.

"Mmm~ Privacy." She whistled. Achelois rolled her eyes before hitting her.

"We have different seats. Dirty minded." She said.

"Luh, I didn't say anything dirty. I said privacy..." She laughed. "Ikaw ah..." She teased Achelois. Napailing na lang ako.

"Let's go, for sure naguusok na ilong ni Ice." Naunang bumaba si Achelois dala ang hand carry niya, gusto pa nga niya kunin ang akin pero sinabi kong kaya ko na.

"Keep her." Bulong ni Melli na hindi ko pinansin.

"She kept you, for a long period of time. I know until now, she's still keeping you." Lumingon ako sa kanya pero wala akong sinabi. Hindi ito mukhang nagbibiro o wala man lang bahid ng kalokohan sa mukha niya. Seryoso at sinseryo ang mga mata niya.

"I'm serious, rhea. She worked her butt off just to have what she have right now. She experienced horrible things, yet, she stayed strong. The world wasn't good to her, so does fate. I hope you can treat her well, I hope you'll be good for her." I bit my inner cheeks. I don't want to spoil things between us. I mean, I was just healed, though I knew that I've been healed a year ago pa.

"I will." I replied para mapanatag siya.

Nang makababa ng eroplano ay sinungkit ko na ang phone ko. Si Achelois ay dumiretso para kunin ang bagahe namin, sumunod lang ako at si Melli. Habang naghihintay ay tumunog na ang phone ko.

Napangiti ako saka sinagot.

"Hi dearest." Malambing na bati ko rito.

"San na kayo? Andito kami sa labas." Nagulat ako sa sinabi nito, akala ko sa bayan lang nila kami aantayin?

"Kala ko sa bayan lang kayo magaantay?" Narinig ko siyang tumawa.

"Miss na miss ka na namin." Napangiti naman ako sa sinabi nito.

"Palabas na." I said, Achelois handed me my baggage pero isa lang ang binigay niya. Tumango lang siya kaya naglakad na ako.

"Saan kayo banda?" I asked, agad gumala ang mata ko. Compared noon, wala na akong suot na glasses ngayon. I started using contacts in Paris. Malli suggested it, mas bagay daw sa akin ang walang salamin.

I tried until I got used to it. Wala namang sinabi si Achelois pero madalas ko siyang nakikitang nakatingin sa akin. Pagnahuhuli ay nagpapatay malisya lang siya.

"Rheaaaaaaaa!" Nabalik ako sa reyalidad nang hindi lang sa phone ko ang may sumigaw. Nanlaki ang mata ko saka dumapo ang tingin sa kaibigan kong maiiyak na ata.

Natawa na lang ako saka pinatay ang tawag. Sinenyasan kong sa exit sila pumunta, ginawa naman nila.

"Gago! Ang ganda mo!" Nahampas ko siya dahil sa mga wordings niya.

"Bunganga mo." I said. Kinabig naman niya ako palapit para yakapin.

"Nauna pa sa pamilya, Ice?" Napangiti ako sa papalapit na pigura ni Eryx. Mas naging maskulado ito na wari mo'y gym ang inatupag habang wala ako.

Clouded HeartsWhere stories live. Discover now