5: Sleep over

2 0 0
                                    

Astraea

"Wait lang ah." I said saka kinapa ang susi ko para sa bahay. Nakita ko ang paglibot ng tingin ni Achelois sa paligid. Naninibago siguro siya, there's a whole new world kasi pagandito ka sa looban. Mas malawak ang lupang nakikita mo kaysa sa semento. And the breeze of air coming from the sea ay amoy na amoy.

Napapaligiran ng puno't halaman ang bahay. Mainit kasi, kapag bahay lang ang nakatirik parang priniprito ka sa loob. Bungalow ang type ng bahay namin, ayaw kasi ng parents ko ang may second floor.

Nang mabuksan ang pinto ay nakapatay na lahat ng ilaw, as usual. Binuksan ko ang ilaw saka ko inilapag lahat ng gamit ko sa table.

"Pakisara ng pinto tas upo ka lang, wait." Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig.

Nadatnan ko siyang naglilibot ng tingin habang nakaupo. Mukha siyang batang naligaw not gonna lie.

"Here." Inabot ko sa kanya ang tubig na kinuha ko.

"Thank you."

"Anong gusto mong unahin? Maligo o kumain?" I asked saka kinuha ang mga gamit ko. Ilalagay ko sa kwarto.

"We should take a bath first." We? I shook that thought out of my head.

"Alright, wait lang. Kukuha lang ako pamalit mo and towel." Pumasok na ako sa kwarto saka naghalukay sa cabinet ko. I hope may unused undies pa ako. Hindi ko alam ang cup niya pero feel ko kasya naman sa kanya ang ginagamit ko.

Kumuha ako ng pair ng pajama, one for her and one for me. As well as the undergarments and separate towel.

Inabot ko na sa kanya ang gagamitin niya saka tinuro ang cr. Well cleaned and sanitized ang cr namin. Proud me dyan, wala siyang masasabi sa cr namin.

Habang naliligo siya ay inayos ko na ang kwarto ko. Dun ko na lang siya papatulugin, sa sala na lang ako. After ko ayusin at kumuha ng unan at kumot ay lumabas na ako. Sakto naman kasi lumabas na rin siya.

"I'll just take a quick bath tas kakain na tayo." Tumango lang siya habang tinutuyo ang buhok. Bagay sa kanya yung pj's ko infairness.

After taking a shower ay nakita ko naman siyang nagtitingin ng pictures sa gilid. Well achievements and grad pics naming magkakapatid ang andon. We decided to hang our achievements and medals. Brag na rin kapag may bisita.

"You guys are smart." She compliment

"Chamba lang." Humble na sabi ko.

"Let's eat. Tara sa kusina." Buti na lang marami-rami pa ang tirang ulam na niluto nila.

"Kumakain ka ba ng itlog na may ampalaya?" I asked her. Umiling siya. Awts sakit.

"Allergies. Allergic ako sa ampalaya." Napalunok ako dahil sa sinabi nito.

"Oh sorry. I'll cook you another dish. Ano ba gusto mo?" I asked

"Ikaw? Ano ba kaya mong lutuin?" Mas lalo lang akong nastress sa sagot niya. Di naman kasi ako marunong magluto.

Napatawa ako ng alanganin."hehe ano kasi... actually hindi ako nagluluto." Pagamin ko rito, napangiti naman siya saka tumango.

Hala baka ijudge na niya buong pagkatao ko.

"Don't judge me." Mas lalo lang lumakas ang tawa nito.

"Sige na ako na magluluto. Mind if I look inside the fridge?" Umiling naman ako saka umupo na. Hindi pwedeng hindi ko kainin tong ampalaya.

"Para sa'yo lang lutuin mo ah." I reminded her

"Alright. You can start eating na." She said pero umiling ako.

Clouded HeartsWhere stories live. Discover now