44: Dense

1 0 0
                                        

Astraea

I was wandering around the hallways of the mansion while eating my snack when I came across the room. It's slightly open so I peeked inside.

Achelois was holding a guitar and gently struming it. I just watched her but she seems very observant so it didn't take long for her to notice me.

She went near the door so I stood straight. When she open it widely, I smile awkwardly. Nanliit ang mata nito na parang tinanong kung paano ako napadpad dito.

"I was just passing by, and got curious." She didn't say anything but she let the door as it is. She came back from her seat. I didn't dare to move nor come inside.

"Hindi ka ba papasok?" In instant, I got inside and close the door.

Nang makapasok sa loob ay puro instrument ang nandito. Puno ng iba't ibang uri ng gitara ang bandang taas, mayroon pa nga sa baba. Mayroon ding keyboard at drums sa gilid. Maging mga aerophone instrument ay andoon, nasa isang cabinet na glass.

Music Room.

Kinuha niya ang upuan na malapit sa kanya saka niya tinabi sa kanya.

"Upo ka." She said saka bumalik sa paggigitara. Agad naman akong umupo at tinignan pa ang paligid.

"I didn't know you can play instruments." I said saka bumagsak ang mata ko sa kanya. Tumango lang siya. Tahimik akong kumain at ngumuya ng kinakain ko habang inaantay kong tumugtog siya ng kanta.

Nang magsimula ay napaisip pa ako dahil pamilyar ang tono nito. Napangiti ako habang kumakain nang marealized na "Here with me" By david ang tinutugtog nito.

Nakatuon lang ang atensyon nito sa gitara kaya malaya akong tumitig at mamangha sa bagong knowledge ko about sa kanya.

Nagangat siya ng tingin kaya nagtama ang mata namin. Seryoso ang mga ito, medyo nagulat pero mabilis siyang nakabawi.

Binalik niya ang tingin sa gitara kaya nagpatuloy ako sa pagkain.

Madalas kaming ganto lang.

She started humming the song, kaya I started singing some part of it. Alam ko namang hindi ganon kaganda ang boses ko pero pumapalag naman.

Tumingin ulit siya nang marealized niyang sumasabay ako. Mukhang kabisadong-kabisado na nito ang chords and placement ng mga daliri niya dahil kung titignan ay sobrang dali na lang para sa kanya. Electric guitar ang gamit niya na mukhang mas gamay niya.

Nakatitig lang ito sa mukha ko saka lumapit, hindi sobrang lapit pero enough para mapalayo ako. Napatigil siya sa paggigitara.

"Sorry." Sabi niya pero hindi pa rin naalis ang tingin sa akin.

"Bakit?" I asked.

"You have something on your face, tatanggalin ko lang sana." Para akong hinila pababa. The heck, kahiya naman. Eh ano bang malay ko?

O ano bang inaasahan mo?

"Sorry, kala ko kasi... " Tumango naman siya at bahagyang tumawa.

"Hindi ah. Ganyan ka pala magisip ah." Napakamot ako sa batok ko saka nagiwas ng tingin. Hindi ko na namalayan ang paglapit nito. Hinawakan niya ang baba ko at pinantay ang tingin namin.

She removed the crumbs near my lips using her thumb while looking at my eyes. Para akong naestatwa nang dumampi ang hinlalaki niya sa gilid ng labi ko.

Nakita ko ang paglunok niya pero mas hinihila ako ng tingin niya. Parang may gravitational pull na kahit saan ko itingin ang mata ko ay hinihila pabalik sa mata niya.

"Messy." She said saka lumayo na.

The heck? Nu yon?

I shook my head and started eating quickly.

"Kalma, di naman kita aagawan." She said saka tumawa nang mahina. She continued the Here with me earlier pero ngayon ay kumakanta na siya.

Hindi ko na magawang sumasabay dahil parang napipi ako sa ginawa niya. Parang naparalyze ang katawan ko sa electric current na dala niya at bibig ko ang pinakaaffected.

Naputulan ng dila o nasira ang voice box?

Hanggang sa matapos ang kanta ay nakatingin lang ako sa kanya, bumagal ang pagkain ko parang ang pagbagal ng paligid.

I never experienced this, kahit pa noong kami ni Gael o kahit noong nagugustuhan ko ito.

Illusion lang ang pagbagal ng paligid, masyado kasing ilusyunada utak ko e. Nabuhay na sa mga nangyayari sa novels and movies, kala mo mangyayari sa totoong buhay.

There's nothing perfect. Life is not like in the movies na kahit ano pa mang problema ang dumating palaging masusulusyunan. Minsan, mas magandang tumakbo at huminga muna.

While looking at Achelois, I realized na hindi naman siya masamang tao. Siguro noon ay wala lang talaga itong choice. Siguro ay naipit lang din ito at kailangang gumawa ng malaking sakripisyo.

Halata namang hindi niya ito ginusto. Hindi magiging ganto ang trato niya sa akin kung hindi ako espesyal sa kanya. Sa nagdaang buwan na kasama ko siya ay nakita ko kung gaano niya ako pinapahalagahan. Hindi naman ako manhid, nagbubulag-bulagan siguro oo. Takot kasi ako sa mga bagay na pwedeng mangyari.

She's genuine and sincere whenever words came out of her mouth. Hindi lang kabig ng dibdib at tulak ng dila ang naglalabas ng boses niya, sa halip, galing at gawa ng puso.

Kung may isang bagay man na nagustuhan ko rito ay kung paano niya ako naiintindihan. Hindi lahat ng tao ay maiintindihan ka, madalas pa nga ay huhusgahan ka pa.

Tama nga si Ice, kilalang-kilala at kabisadong-kabisado na niya ako pero siya? Wala akong alam sa kanya. Wala akong maalala. Nagsisimula pa lang akong makilala ang totoong Achelois. Nagsisimula pa lang din siyang magpakilala.

After all these years of my craziness with Gael. This is the only time that I will try to open my heart for someone else. Someone who's new but old, familiar yet unknown.

"Should we try? Shall I open my heart for you again?" I suddenly asked which made her looked at me.

She smiled weakly, and shooked her head. Napakunot ang noo ko. Ayaw ba niya?

"You're just distracted, Aster. Fascinated ka lang sa presence ko at sa thought na hindi kita iiwan at sasaktan. I won't let myself be an obstacle for your healing. It can wait, I can wait. Focus on yourself more. This time, sarili mo muna ang mahalin mo." She stood up and went to the door. Sinundan ko lang siya ng tingin. Hawak niya ang doorknob pero hindi niya ito binuksan.

"I don't want to rush things. I'm not pressuring you, no one is. Let your mind decide. If it allowed us, I'll hold you tight, never going to let go. Love yourself more para hindi ka nauubos, hmm? Makakapagantay naman lahat, kahit ako." Tuluyan na siyang lumabas kasama ang gitara niya.

Napabuntong hininga na lang ako. Tama, wala namang pumipilit sa akin. Sarili ko lang naman prinepressure ko. Napahilamos na lang ako saka pumikit.

"What have you done, Rhea? So Stupid and impulsive. You're not even thinking what would she feel. So selfish." I murmured.

Clouded HeartsWhere stories live. Discover now